Two

36 12 1
                                    

"Kuya, bayad po." Ako. Nakalimutan ko kasi, pati ata sya, nakalimot.

Habang naghihintay sa sukli ko, tinignan ko yong oras, wala pa naman, kaya nakampante pa ko, konti.

"Neng, oh. Buti nagbayad ka pa, yong iba kasi hindi na talaga." Driver. Kwento sakin ni Kuya Jim. Sayang sa gas yon, karmahin sana yong ganon, tsk tsk!

"Salamat po." Ako. Nginitian ko na lang ulit sya.

Habang papasok ng main gate, ay may mga sumasalubong na dating SSG Officers para bumati. Bago kasi mag gate ng every grade level may main gate munang dadaanan tapos pinetrees sa gilid ng daan, at sa likod nito ang garden.

"Hi! Welcome to CupStone University!" Sabi nung babae na sa pagkakaalala ko sya yong nanalong President. Nginitian ko lang sila. May mga bandaritas sila sa kanilang ulo at mga naka shirt ng pang SSG Officers.

Habang bumabati sila, nagbibigay din sila ng minimal cup na may nakalagay na logo ng CupStone University, at sa baba nito ang pangalan ng school namin.

Naging tradisyon na sa school namin ang pagbati at pamimigay ng mga ganitong bagay sa unang klase. Kaya nga andami ko ng gamit sa bahay na puro CupStone University ang nakalagay.

Kwento ko lang, ha. Yong buong school kasi, literal na Cup ang hugis hahaha. What I mean is, yong hawakan ng cup, that's the building of juniors, pero may namamagitan na cafetería every buildings, sana ol may namamagitan, charot.

And the admin is located from the back of the junior buildings. And the body of cup is our whole field, syempre sa gilid may benches, and yong ulo nito kapag nakatagilid, yong pa oval? Yon ang gym namin, yes yong Gymnasium namin pa oval, pero yong loob non parectangle.

Lastly, yong platito sa baba nito, symbolized as the building of Seniors, at yong pailalim nung platito? That's their auditorium. Weird right? Maybe the ancestors of this school is a coffe addicted hahaha. Gets nyo ba? Intindihin nyo hahaha.

"Elle?" Natigil lang ako sa pagiisip nung may tumawa sa pangalan ko, agad akong napalingon sa tumawag sakin.

Hinanap ko pa kung sino yon. Si kuya Nyx lang pala. Nakasama ko sa guidance dati. Teka, di ako nagkarecord, nagwitness lang ako sa kanya.

"Oh, kuya Nyx. Kamusta? Pogi mo ngayon ah." Ako. Panguuto ko sa kanya sabay tapik sa kanyang braso. Well, pogi naman talaga sya.

"Ano kaba? Ayos lang ako, ikaw. Musta? Anong grade mo na nga ulit?" Kuya Nyx. Tanong nya sakin. At inakbayan ako, matangkad kasi sya, samantalang ako, hanggang leeg nya lang.

"Ayos lang, Grade 9 na ko." Ako. Sagot ko sa kanya. "Grade 10 kana 'no?" Tanong ko na din.

"Yup, Section Zeus. Pangatlong sec." Kuya Nyx. Sagot nya. Wow naman, pagkatapos nung ginawa nya, napunta pa din sya don.

"Hmm? Nice yon, gagi. Matapos nong kalokohang ginawa mo, napunta ka pa don hahaha." Ako. Natatawang saad ko, napasimangot naman sya.

"Grabe ka naman sa'kin, Elle. Ako talaga 'yong hinalikan. Sa gwapo kong 'to, di na ko magtataka." Kuya Nyx. Sabay hawak sa baba nya, at parang nagpapapogi. Oo sya na pogi, maloko lang, hays.

"Jusq ka kuya, oo na pogi kana, ba't mo naman kasi sinapak si ate mo gurl? hahaha." Ako. At Oo, sinapak nya si girl. Nakadare daw kasi si girl na halikan nito yong crush nya. Tapos ayon. Sinapak nya, ampanget daw kasi ni girl. Harot pa kasi.

"Gago kasi sya, e! Ako pa nagkarecord samin. Bumaliktad tuloy sa'kin 'yong kasalanan nya." Kuya Nyx. Sabi nya habang nakakunot ang noo.

"Sya, sige kuya. Dito na ko, babue." Ako. Paalam ko sa kanya.

CHASING YOU, MI AMORE (Mi Amore Series #1) [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon