One

53 12 1
                                    

Elle's POV

PAST

Andito kami ngayon ni Reena sa mall para bumili ng school supplies, first day of school kasi, e. Kasama namin yong butler ng kuya nya, never ko pang nakita kuya nya, ewan ko ba don, pero sa pictures oo.

"Anong maganda? This or this?" Reena. Tanong nya sakin at pinakita yong dalawang bag na hawak nya, parehas na korean style yon, pero magkaibang kulay. Iyong isa may color pastel pink at cream, and yong isa naman ay pastel blue and cream.

"Mas bet ko 'to. Hindi ka pa ba tapos?" Ako. Turo ko sa pastel blue, and cute lang nung color. Actually, nabili ko na lahat ng kailangan ko, may ginawa pa kasi sya kanina kaya nauna na ako.

"Nah. Marami pa akong kulang, e." Reena. Sagot nya sakin at namimili naman sya ngayon ng mga notebooks. Halos parehas lang kami ng piniling notebooks pero iba naman yong design.

"Ano? Tulungan na kita, nagugutom na ko, e." Ako. Pag insists ko sa kanya, para na din mabilis matapos baka kasj pag napunta kami sa book shelves, malipasan kami ng gutom. Tsaka pagabi na din kasi kaya ayon.

Nung matapos kaming bumili, kumain kami sa PizzaRants na pagmamay ari nila.

"Yes, Ma'am? What's your order, Ma'am?" Tanong nung isang waiter kay Reena.

Since sila ang may ari nito, pwedeng libre na lang sya, and sya na din nagsabing ililibre nya ko, hindi na ko tumanggi, sayang grasya huhu.

"Itong Pizza and Pasta with ice tea. Ikaw, Elle?" Reena. Sagot nya don sa waiter na si jason, yon yong nakalagay, e. Tumango naman sa kanya yong waiter.

"Ganon nalang din, nawala yong gutom ko kanina, e." Ako. Sagot ko sa kanya.

Sa tagal ba naman namin sa NBS kasi nakita namin yong book section, ayan tuloy, nagastos ko yong naipon ko. Pero okay lang, pangbook ko din naman kasi talaga yong ipon ko.

Nung naserve na yong food namin, kumain na kami at nagkwentuhan konti. Pinakain nya na din si Kuya Jun, yong butler ng kuya nya, pero nasa ibang lamesa, pinapatabi namin kaso ayaw nya.

Pagkatapos kumain, umuwi na kami kasi maggagabi na. Hindi na ko nagpasundo kay mama, tinext ko na lang sya na wag na akong sunduin dahil ihahatid naman ako nila Reena.

"Kita nalang tayo bukas. Susunduin ka ata ni Im, e." Reena. Paalam nya sakin nung makababa ako. Susunduin ako? Bakit wala syang nabangggit sakin?

"Wala naman syang sinabi sakin, akala ko sabay kayo?" Ako. Takang sagot ko sa kanya.

"Hindi na, ihahatid daw ako, e." Reena. Sagot nya din sakin.

"Ingat kayo. Paki ingatan kaibigan ko, Kuya Jun ha?" Ako. Paalam ko sa kanilang dalawa.

"Yes, Ma'am!" Kuya Jun. Sagot sakin ni Kuya Jun.

Pumasok na ko sa loob at nadatnan ko si mama na may kinakalikot sa laptop nya. Simula kasi nung mawala si papa, sya na ang nagasikaso sa business namin.

Nung makita ako ni Mama, sinabi nyang ipaghahanda nya ko pero sinabi kong tapos na ako kumain. Nung pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig, at sumigaw si Mama.

"Pagkatapos mo maghugas ng pinagkainan. Matulog kana, ha. Wag na magpupuyat, unang araw mo bukas." Mama. Saad nya, napakabait talaga.

Hindi kasi sya sanay sa mga gawaing bahay, ayaw nya rin namang kumuha ng maids para daw matuto sya, kaya ayon, pinabayaan ko na sa desisyon nya.

Common house lang naman kasi ang bahay namin, may sala, kitchen at dining area, dalawang guest rooms sa baba, at isa sa taas, study room sa katabi ng kwarto ko, at kwarto ko at ni mama. Kaya hindi na daw kailangan ng maids, kaya nya naman daw.

CHASING YOU, MI AMORE (Mi Amore Series #1) [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon