Eight

15 9 0
                                    

Elle's POV

PAST

Grabe ang bilis lang ng panahon, parang nung kahapon grade 9 lang kami, tapos ngayon? grade 10 na?!

Inaasar pa ko ni mama na may gagraduate na syang anak. Para namang college na ko, e grade 10 palang, and para namang hindi ako grumaduate nung grade 6?! Ano na Mama?

"May magaganap na event this valentine's day. I wanchu all to cooperate, do and make a booth." Ms. Caballo, announce nya samin.

Sya ang bago naming Adviser, yung mas nauna pa kasi sa kanya ay lumipat ng ibang school, kaya ayon. And guess what? Sya ang nanay ni Pres Ezriel. Wala lang, ano ba?

"Ang magiging grade don ay idadagdag ko sa mga kulang at bagsak nyong scores. That's all." Yown! Hindi na ko babagsak, charot. Pero, amputspa bakit ngayon lang sinabi ni Ms. Kung kelan Wednesday na?

Pagkalabas ni Ms. lumabas din ako para bumili ng tubig. Pabalik na ko ng makita ko Jes.

"Elle, flowers?" Jes. Simula grade 9, panay ang pangungulit sakin ni Jes, and panay din akong tanggi. Sabi ko naman kasi na ayokong pumatol sa kaibigan, hindi kami talo, girl.

"Ayoko." Ako. Halatang di sakin yan, bouquet ba naman ibigay sakin? E nagiipon yan. Matigas na sabi ko sa kanya, walang makakapilit sakin, bleh!

"Okay, kung ayaw mo talaga..." Jes. Sabay tingin sa bouquet na hawak nya. Hala! Baka itapo nya, sayang.

"Mangungulit pa din ako, hanggang sa pumayag ka hihi." Napangiwi na lang ako sa kakulitan nya, konti na lang masasapok ko na to, e. Baka matauhan lang.

"Ulol, hindi tayo talo, Jes." Ako. Sabi nang hindi ako papayag, e! "Yong pinsan ko na lang ligawan mo, total may gusto naman sa'yo yon." Nang aasar kong sabi sa kanya, pero nginitian nya lang din ako ng todo.

"Are you jealous? Don't be jealous, nililigawan na sya ni Kuya Nyx." Jes. Jusq, imposible. Imposible talagang magkagusto yong pinsan ko don. "Ay hindi! Sige magselos ka lang, kinikilig ako!"

"Anong jealous ka jan? Di ako nagseselos. Tsaka, tama ba narinig ko, ha? Yong pinsan ko, nililigawan ni Kuya Nyx? As if pumayag sya." Jes. Natatawang sagot ko pa. Imposible talaga, girl.

Nagkwento kasi ako sa pinsan ko ng mga kalokohan ni Kuya Nyx. Well, may matitinong part naman akong nakwento.

"Yeps, ayaw maniwala sakin. Wala ka bang tiwala sakin? Kaya ba ayaw mo kung payagan?" Jes. He said while pouting, cute. Cute, mukha syang daga.

"Kung tadyakan kaya kita, now na?" Ako.

"Biro lang. Hatid ko muna tong flowers kay Ms. Fuentes." Jes. Oh kita mo na, yawa, akala ko sakin talaga. Tatanggapin ko sana kanina, piste.

"Haharanahin din kita mamayang Mapeh. Baka mapapayag na kita hihi, babye." Hays, mukhang di susuko lolo nyo, beh.

Pumasok na lang ako sa room. This time, hindi ko na ka section sila Reena at Im, pero si jes oo. Bakit sya pa? Sabagay, narumble nga pala lahat ng students. Ewan, dami nilang alam.

Kahit anong mangyari, walang makakatibag sa samahan naming sabay sabay magrecess. As usual, ganon pa din yong scenarios, si Im yong bibili, pero kasama nya na si Jes. Alam na kung bakit? Hays.

CHASING YOU, MI AMORE (Mi Amore Series #1) [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon