Seven

21 10 0
                                    

Agad akong bumangon ng marinig ko ang alarm ko, nagalarm ako kasi may practice kami ng maaga.

Pano naman kasi? Nagdaldalan na lang kami nung makabunot na yong leader naman, and yong leader pa talaga pasimuno, well, mas gusto ko yong leader na ganon hahaha.

Pero kahit na ganon may napagusapan naman agad kami, just incase daw na may hindi makaattend ng practice ngayong umaga.

Naligo at nagbihis na ko, pagkatapos nagluto ako since tulog pa sila mama at kumain na din, naglagay din ako ng note para pag hahanapin nila ako, alam na nila kung nasaan ako, tapos umalis na ako.

Pagkarating ko sa gate namin, kakaunti palang ang tao. Napatigil ako sa aking paglalakad nang may mapansin akong isang lalaki, isang lalaki na talaga namang ikakatigil ng iyong mundo, isang lalaking magpapatibok ng mabilis sa iyong puso, isang lalaki na kung titignan mo ay sobrang puti at gwap-charot!

Napakaputi ng balat, sobrang misteryoso ng mata, at parang kakababa palang nya sa langit. Di kaya engkanto talaga to? binabawi ko na yong sinabi ko, baka maengkanto ako, charot.

Di, may gwapong lalaki talaga akong nakita, jusq naman, may gantong tao pala dito sa building namin, bakit ngayon ko lang nakita? Kaso parang ansungit, hindi man lang ngumingiti.

Well, masyado pa kasing maaga, malay ko bang kagigising lang nyan, tas sya pala taga bukas ng gate pag wala pang gwardya, hmp!

Mukhang papuntang cafetería ata to, di ko muna papansinin, saka na pag nagkita ulit kami hihi joke.

"Wow, ang gagaling naman." Ako. Pagkarating ko ng room namin, at ang tanging naabutan ay si Rix na nagpphone.

"Ang galing talaga. Pati nanay at doctor natin wala pa jusq, sarap bigwasan." Rix. Reklamo nya nung lumingon sya sakin.

Napasamo nalang ako sa aking mukha. "Ilan na tayo? Wag namang tayong dalawa lang?" Ako. Tanong ko sa kanya at tinawanan ako.

"Well, apat na tay—." Rix. Sabi nya at natigil dahil sa pagdating ni Phoebe.

"Good morning. Where are the others?" Phoebe. Tulad ng nakasanayan nya, maarte pa rin kung mgsalita.

"And pangfive ka. Ikaw, ako at yong kambal ko, si Elle, at si Leader, gumagala lang, kasama si Riv, nanchichiks." Rix. Taas babang kilay na sabi nya.

"Tas yong magjowa, hays! Sila pa naman nanay at Doctor natin, tas sila pa ata wala." Dagdag pa nya. At unti unting nagsidatingan ang iba naming mga classmate.

"Wag mong pangunahan girl, mamaya di na dumating yong dalawa, kutos ka talaga samin." Phoebe. Sabi nya. Sabagay, may point sya don.

"Agree. Gala lang din muna ako. Chat nyo ko pag andito na sila." Ako. Hahanapin ko muna si boy harina hihi.

Baka andon pa sa pinuntahan nya. Tsaka para na rin hintayin sila Reena at Im, tyak na magkasabay yon.

Nakarating na ko sa lahat ng cafetería dito, di ko pa din nakikita. Papunta na rin akong grade 8 building, galing na kasi ako sa grade 7, kaya ayon, nagbabaka sakali lang hihi. Kaso waley, papunta na din akong grade 10, para tignan ang room ng pinsan ko, kaso waley.

Tapos ngayon pabalik na ko sa gate namin, ba yan! Hayaan ko na nga lang. Kung ayaw magpakita, di wag, hmp!

Pati sa lunchtime di ko din sya nakita, ang malas lang, di ko tuloy makwento kila Im at Reena, di pa naman naniniwala yon pag walang pruweba, mga hangal. Baka pagbumili na kami, makita ko sya hihi.

Habang hinihintay namin si Im at Jes sa pagbili, panay ang lingon ko sa mga taong dumadaan sa harap namin ni Reena. Panay din ang tanong ng gaga kung bakit hindi ako mapakali. Di ko naman masabi sa kanya kasi baka di maniwala, sarap kutusan.

CHASING YOU, MI AMORE (Mi Amore Series #1) [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon