Fiftheen

4 1 0
                                    

Nung makarating ako kanina, natutulog palang si Jes. Kaya habang natutulog sya nagtext ako sa Mayor namin na eexcuse muna kami, sigurado namang maiintindihan nya ko, e.

Habang naghihintay na magising si Jes, nagfb muna ko. Nang may biglang magpop up saking message.

Jarian Cyrus Sy:
Okay na si Jes?

Teka? Sino to? Mastalk nga. Nang tignan ko ang profile nya yong 'Familiar Sakin' pala.

Elle Rosien:
Oo, paano mo nalaman fb ko?

Nang biglang gumalaw si Jes, tinawag ko agad yong Nurse. May ginawa at tinanong naman sa kanya yong nurse.

Jarian Cyrus Sy:
Secret.

"Mas better if magpapacheck up ka." Nurse Stacy. Sabi na nga ba, e. Matigas lang talaga ulo ng isang to.

Hindi ko na pinansin tong chat nya sakin. Lumapit naman ako kay Jes nung natapos na sa kanya yongg nurse.

Okay kana ba?" Tanong ko sa kanya. Tinitigan nya lang ako saglit.

"Nasaan ako?" Jes. Tanong nya sakin, napakunot naman ako. Baliw? Kita nyang nasa clinic sya tas nagtatanong pa.

"Nasa clinic, hinimatay ka daw kasi sabi ni Mayor." Paliwanag ko sa kanya.

Ang alam ko sa field sya nahimatay, kaya naisip ko, baka sa init. Taka naman akong napatingin sa kanya nang kumunot ang noo nya.

"Bakit? May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo?" Ako.

"Nararamdaman kong..." Jes. Seryosong sabi nya sakin.

"Ano?!" Ako. Kabado naman ako kasi sobrang seryoso ng mukha nya. King ina, nagsisimula palang love story namin, wag naman sanang ano?!

"Nararamdaman kong mahal na mahal mo ko ahihi." Jes. Seryosong sabi nya sabay tinawanan ako. Sinamaan ko naman sya tingin.

Kabadong kabado ako tapos sya? Nakuha nya pang magjoke sa lagay nya?! Kung iuntog ko kaya sa pader ulo nya!

"Nakakatuwa yon? Diba hindi?" Ako. Mataray na tanong ko. Seryoso at kabado ako, tapos sya?

"Ito naman, di mabiro. Wag mong istress yong sarili dahil lang sakin." Jes. Paalala nya sakin. Ang assumero naman nito, buti nga concern pa ko sa kanya, char.

"Nag-aalala lang naman ako, ayaw mo pa kasi magpacheck up, e. Sabi pa naman ng nurse, kailangan mong magpacheck up after nito." Ako. Paalala ko din sa kanya pero umiling lang sya. Antigas talaga ng uli nito.

"Ayoko. Baka lalo kang mag-alala." Jes. Nakangiti nyang sabi.

Magpapacheck up lang naman, bakit parang alam nya na agad sakit nya. Baka ng research na sya tapos— omy, magssearch nga rin ako mamaya

"Ayoko masyado kang nag-aalala, pumapanget ka." Natatawa nyang sabi, sinamaan ko naman sya ng tingin. King ina mo! Iiwan kita dito!

"Bwiset ka!" Ako.

"Joke lang. Ang ganda ganda mo kaya at ambait bait pa. Nasayo ma ang lahat... pati ang puso ko, ohh..." Jes. Kanta nya sakin, alam talaga nito kung paano ako pakiligin, e.

"Yan! Dapat ganyan! Hindi yong nakasimangot ka dahil sakin." Jes.

"Kaya rin naman ako ngumingiti e, kasi dahil sayo." Ako. Proud kong sabi. Nakita ko naman syang namula, kinilig agad?

"Tsk! Ano ba?! Kinikilig ako, nakakahiya!" Jes. Reklamo na sakin ng hindi tumitingin. Sabi na kinikilig, e.

Nagkwentuhan kami saglit tapoa bumalik na kami sa room para kunin yong gamit namin at umuwi na. Nakita rin naman kami nila Reena kaya sumabay na sila samin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CHASING YOU, MI AMORE (Mi Amore Series #1) [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon