Five

26 11 0
                                    

Aish! Pisteng Jes yon. Lanta tuloy ako! Kulang ako sa tulog beh, dahil sa kagagawan nya kahapon!

Well, wala naman syang sinasabing seryoso yon, pero beh?! Wala din syang sinabing hindi sya seryoso, nakakapakshet ka Jes!

Papasok na ko sa gate ng makasabay ko si angelo.

"Oh, Good morning Elle!" Angelo. Nakangiting bati nya. "Why is your face like that ha? You look like lack of sleep, why? Nagenjoy kaba kagabi? ayan ha hahaha." Pinagsasabi neto. Napakabaliw naman neto. Nginiwian ko lang sya sabay irap. Kung alam mo lang, hmmp!

"Namiste kasi yong leader mo." Ako. Reklamo ko sa kanya. Totoo naman, piste yon. Bahala sya kung sinong leader tinutukoy ko hahaha.

"Sinong leader?" Angelo. Kunot noong tanong nya sakin.

"Basta." Ako. Agarang sagot ko sa kanya, saka sya nilampas. Malay ko bang madaldal din yon, hay.

Nagdiscuss lang yong mga teacher, habang ako kunwaring nakikinig, tulala lang. Pati si Im at Reena na katabi ko lang, hindi ko pinapansin.

Mapeh na namin ngayon, ganon pa din ginagawa ko. Pero isang announcement lang yong pinakinggan ko talaga.

"Isa sa mga requirements ko ay, kailangang may intrumental kayo,ha? Kahit anong instruments, pero ito yong pinakarequired sakin. Piano, guitar, ukelele, kalimba, and flute. Need nyo yan tuwing music natin." Mr. Javier. Masayang sabi nya samin, well, ako din naman masaya dahil sa pinapadala ni Sir.

"Pwede na kayong magdala ng mga instrument nyo next week, since music natin yon." Mr Javier. "Walang magddrums, ha? Di nyo naman kayang buhatin yon hahaha." Dagdag pa ni sir samin.

"Yay! Yes sir." Sagot ng iilan samin.

O dba? Ang taray, may painstrument samin si sir. Napapagusapan naming magtotropa na mamaya na bumili.

Si Reena magfflute daw. Si Im naman ukelele nalang daw para mura lang. Si Jes, di na kailangang bumili non, naggigig naman sa gabi yong tatay non, e. Ako, may kalimba naman na ko sa bahay. Pero sasama nalang ako sa kanila mamaya bumili, wala naman akong gagawin mamaya sa bahay e.

"Bakit di kayo nagpapansinan kanina ni leader?" Tanong sakin ni Erika. Katabi ko kasi to twing math time. Buti na lang magaling sa math to, kaya ano, alam nyo na hahaha. Tinignan ko sya.

"Hindi mo magugustuhan isasagot ko." Ako. Lamyang sagot ko.

"Owh, LQ kayo—." Erika. Nagulat naman ako ng tawagin ni Ma'am si Erika. Namutla ring tumingin si Erika kay Ma'am.

"Ms. Navarro, what is x here?" Tanong sa kanya ni Ma'am Flores. Nahiya naman akong tumingin kay ma'am, baka kasi tawagin din ako. Napakadaldal kasi netong erika e, hmmp!

"I'm sorry Ma'am Flores. 2 po." Nahihiyang sagot ni Erika kay ma'am. Tinignan naman ako ni Ma'am. Hala lord, sorry sa lahat. Sorry po talaga huhu. Amen.

"Take your seat. Next time na magdaldalan ulit kayo ni Ms. Pacansa, you two will replace me here for discussions." Mrs. Flores. Lalo akong nahiya sa pagmention sakin ni ma'am. Napatingin ako sa side ni Im at Jes, yong baklita tinatawanan lang ako, si Jes, nakangiti, inirapan ko lang no, hmmp!

Pagtapos naming magmath, sabay sabay na kaming apat lumabas, wala pa namang inaasign na cleaners, wala din naman kaming officers, sa friday na lang daw sabi ni Ms. Caballero, sa ICL namin.

"Di na tayo magbibihis?" Ako. Tanong ko sa kanila.

"Wag na, papasukin naman ata tayo e." Jes. Sagot sakin, sabay para ng jeep. Shocks, ang init.

CHASING YOU, MI AMORE (Mi Amore Series #1) [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon