Simula

23 2 0
                                    

It started with a forehead kiss…

It was November afternoon. Naisipan namin ng mga kaibigan ko na tumambay dahil free cut kami ngayon. Typical tambay lang naman ng magbabarkada ang trip namin. May kwentuhan, foodtrip, may mini games din kapag nabored. Pero favorite part namin yung nap time kung saan magsisiksikan kami sa isang kwarto. Kanya kanya kaming pwesto para makaidlip.

“Shit uy!” rinig kong nagtatawanan sina Nico. Nandito kasi ako sa pinakadulo ng kama at pinipilit na matulog pero puro ingay nila ang naririnig ko.

“Gago puro kabastusan yang alam niyo!” natatawang sabi ni Jill habang hinahampas ng unan ang boys na nagkukumpulan sa gitna. Lahat kasi kami ay nagsisiksikan dito sa malaking kama nila Charles.

“It’s just porn, Jill! Chill ka lang. We want some entertainment here!” hindi na talaga sila natahimik kaya bumangon ako at lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa kusina para sana kumuha ng juice.

Sobrang daming kalat sa kusina dahil sa pinagkainan na hindi pa naliligpit. Tutal, wala naman akong ginagawa at nawala na ang antok ko ay sinimulan ko nang ligpitin ang mga ito. Sanay naman ako sa gawaing bahay dahil ako ang kumikilos sa bahay kapag wala akong masyadong ginagawa. Tsaka hindi kami ganon kayaman para hindi turuan na maglinis ng bahay.

Nagkalat ang mga syrup sa sahig pati mga cream. Ewan ko ba kung bakit ang hilig nila mag-asaran kapag nagbebake. Pati flour ay nakakalat sa lamesa. Una ko munang hinugasan ang ginamit nila sa pagbebake. Pagkatapos ay pinunasan ko ang lamesa at nagmop na rin ng sahig. Buti na lang ay wala sina Tito Felix dito.

“Sipag naman, Jepot!”

Nagulat ako sa pagdating ni Gus kaya nabitawan ko ang mop na hawak ko. Buti na lang ay malapit na ako matapos. Kinuha niya ang mop at itinuloy ang ginagawa ko. Augustus is my bestfriend. He wants us to be just bestfriends. Yes, ilang beses ko na tinry pero no luck. Okay na rin ‘to. At least hindi kami maghihiwalay.

“Bakit mo ginagawa ‘to?” tanong niya habang tinabi sa lalagyan yung mga panlinis na ginamit ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon. Hindi kalakihan ang katawan niya, sakto lang. Maputi rin siya at matangkad. Soft yung features ng mukha niya. Pink lips, brown eyes, thick brows at hindi rin matangos ang ilong niya, yung sakto lang para bumagay sa pagiging cute niya.

“Hey” he snapped his fingers. Napakurap ako at kumunot ang noo. Tumawa siya and damn, it’s so good to hear. “I asked you po, bakit ka naglinis?”

“Wala, nawala kasi yung antok ko kaya ayun. Ang ingay niyo kasi. Bakit ba kayo nanonood ng porn?” mas lalo siyang natawa sa tanong ko.

“Jepot, lalaki kami. Pati nagpapaantok lang para makaidlip din. Sorry. Balik na tayo sa kwarto? Promise hindi na sila magulo. Tulog na yung boys e. Tapos nagttwitter na lang sina Jill.” Pagkasabi niya non ay pumayag na ako. Napagod din naman ako sa pagliligpit kaya siguro naman ay makakatulog na ako.

Pagpasok naming sa kwarto ay tahimik na nga. Ingay na lang ng aircon ang maririnig. Lahat sila ay nakahiga na. May pwesto pa sa gitna pero bakante pa rin ang pwesto ko kanina kaya roon ako pumunta.

“Sure ka diyan sa gilid? Baka mahulog ka.” Tanong ni Gus. Humiga na rin siya sa gitna ni Nico at Lorie. Tumango na lang ako at humiga na rin.

Biglang gumalaw ang kalapit ko at muntik na akong mahulog. Hinawakan niya agad ako sa bewang at sinapo ang ulo ko para hindi ako tuluyang mahulog. Hinila niya ako palapit sa kanya at hindi niya pa rin tinatanggal ang kamay niya sa bewang ko. Masyado kaming malapit sa isa’t isa. I can feel his hot breath on my nose.

“Hiro, can you move a little? Baka mahulog ako.”

“No. Sinakop na ni Charles yung pwesto ko. Don’t worry. I’ll hold you. Kung mahulog ka man, sabay tayo. Now, sleep baby.” After he said that, he kissed my forehead. Mas lalong humigpit ang hawak niya sakin. He’s hugging me so tight. Damn Hiro. Paano pa ako makakatulog nito?

FaultTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon