Dahil October na nga, malapit na rin ang final exam namin ngayong semester. Ibig sabihin, malapit na rin ang sembreak. Busy ang teachers sa pagbibigay ng reviewers at final requirements sa seniors. Madami kaming essays at narrative na ipapasa bago mag end ang sem. May panimulang pananaliksik din kami na ginagawa.
But despite of those things, I'm here sa office ng ssg ng juniors, tinutulungan sila magprepare sa darating na pageant for United Nations. Last August, super ganda ng feedback sa seniors dahil sa Lakan at Lakambini, kaya ngayon ay nageexpect ang teachers ng juniors sa magandang event.
Natapos na naman ako sa mga paperworks ko. Isang essay na lang ang kulang. Buti ay nakakapagreview pa ako habang nag-oorganisa ng event.
Binabasa ko ang notes ko sa Oral Comm nang mahagip ng tingin ko si Hiro na tinitingnan si Jade habang gumagawa ng letter cut. He's smiling while looking at her. Jade is the simplest among Hiro's girls. She's silent and very studious. I really don't know kung paano siya nakuha ni Hiro. She's out of he's league.
Bumukas ang pinto ng office at pumasok ang iba pang officers.
"Ate, tapos na po yung pinapacheck niyo. Ano pa po gagawin namin?" Tanong ng isang estudyante sakin. Inutusan ko kasi ang team nila na icheck lahat ng kailangan namin kung okay na ba. Sa isang araw na ang pageant at ngayon ay pinafinalize na lang namin.
"You can now rest. May food sa pantry. Dala ni Hiro." I smiled at her.
Tumulong sa akin sila Gus sa pagaasikaso at pag li-lead sa ibang committee pero ngayon ay wala sila dahil busy sa pagre-review. Siguro ay nasa library sila ngayon.
Inayos ko ang gamit ko at kinuha ang bag ko sa kalapit na upuan, "Hiro, I'll go first. August texted me na pauwi na sila." Paalam ko sa kanya. Napatayo siya bigla at parang nag-panic.
"Ha? E teka, akala ko ba sasabay ka sakin pauwi?" Kumunot ang noo niya. Tumingin ako kay Jade na ngayon ay pabalik-balik ang tingin saming dalawa. He is still insensitive.
"Hindi na. Jade's still here. I need to go home para makapagreview pa. Uuwi rin kasi si Kuya David ngayon." He just nodded.
Lumabas na ako sa office. Nandon si Gus sa pathway, naghihintay. Nakaupo siya sa bench doon at hawak ang phone niya. Lumapit ako sa kanya pero hindi niya pa rin ako napapansin. He's biting his lower lip. I chuckled. He really does that kapag naiinip siya.
"Hey, Augustus." I called him. Lumingon siya at ngumiti. That smile again. I'm soft for that smile of him.
"Let's go?" Tumayo siya at kinuha sa akin ang bag ko. Isang folder na lang ang dala ko. Dito naka attached ang reviewers ko.
"Will you come with me at home? Nandon na si Kuya David." Close silang dalawa kasi mentor niya si Kuya sa basketball.
"Sure, I'll stop by for a bit. Bilisan natin, they're waiting for us." Ha? Hindi pa umuuwi sila Nico?
Pag labas namin sa gate, nandon sila kumakain ng mga street foods. May tig-iisa silang hawak na plastic cup na may lamang kikiam at fishball. When they saw me, they all smiled at inalok pa ako ng pagkain.
"Kamiss ka kasabay pauwi, miss." Pangloloko sakin ni Charles.
"Sobrang busy na kase. Di na tayo naaalala niyan." Jill said.
"Kilala mo pa ba kami?" Natatawa si Beth sa sinabi niya.
Lorie's just there laughing and Nico is shaking his head. Inubos muna nila ang kinakain bago kami sabay-sabay na naglakad pauwi.
Maingay kami sa kalsada na naglalakad. Mabuti at wala masyadong dumadaan na tricycle dahil halos masakop namin ang daan sa gulo namin. Ngayong matatapos na yung event na inaasikaso ko, makakasabay ko na ulit sila pauwi.
BINABASA MO ANG
Fault
Genç KurguThis story is about love, friendships and the hardships in between those two things. It's about conquering challenges, acceptance, and learning how to set someone free even if it hurts.