Kabanata 7

9 1 0
                                    


Happy birthday Jepot! :)

Bumungad sa akin ang message ni Nico. He's the first one to greet me today. It's my 17th birthday. Simple lang naman ako mag-celebrate. Nililibre ko lang sila Gus tapos magdi-dinner lang kami nila Mommy.

Maaga akong pumasok dahil kahit araw ko ngayon, busy pa rin ako sa org ng HUMSS. Kinuha kasi nila akong representative at dahil may event ang Humanities next month, kailangan na magready.

Nginingitian ko ang bawat bumabati sa akin. Kahit sa pagdaan ko sa rooms ng G12 ay may bumabati rin.

"Uy, Jezreel Anne! Happy birthday!" Sabi ni Carl, SSG president. Nakasulubong ko lang siya sa hallway.

"Thanks Pres!"

Pag kapasok ko sa room, hindi na ako nag-expect ng kung ano mang suprise. It's very elementary tsaka Jill and Beth know that I'm not fond of surprises.

Binati lang ako ng mga kaklase ko. Ang iba ay may gift or food na binigay. Mas better 'to dahil may snacks ako mamaya sa meeting.

I gave my excuse letter sa mga teachers bago ako pumunta sa Humanities Office.

Rinig ko sa office ang harutan ni Hiro at Gus. Harutan means duo na naman sila sa ml. Naabutan ko pa sila na magkaharap sa table.

"Uy, pres! Happy birthday!" Bati ni Hiro na hindi man lang tumitingin sa akin. Lumingon sa akin si Gus at ngumiti ngunit binalik din ang tingin sa phone.

"Gago, tingin sa mapa! Ang bobo amp!"

"Naglolord sila huy! Gagi, olats na naman!"

"Huy si masha nagpupush! Ayan na!"

VICTORY!

Nag sigawan pa ang dalawa at napatayo sa tuwa. Napailing na lang ako habang natatawa. Ganun din kasi ako kapag nananalo sa rank game.

Bumukas ang pinto sa pagdating ng ibang officers. Binati nila ako lahat. I gave them foods to eat galing sa mga bigay kanina.

Nagsimula agad ang meeting about sa upcoming HUMSS Festival. Open siya sa lahat ng strands kaya irregular class for a whole week. Nakaassign na naman sa akin ang invitation and programme. Logistics naman si Gus at Hiro. Lagi silang magkabuddy.

Napalingon ako kay Hiro nang may napansin ako sa pisngi niya.

Bakit siya may pasa?!

"Meeting adjourned. Report the progress to me or kay Sec. You may go. Free cut dahil sa excuse letter pero gawin niyo pa rin mga pending activities niyo."

Agad ako lumabas dahil iniwan ako nung dalawa. Papunta sila sa canteen. Break time din pala ng Juniors kaya maraming student na nakakalat. May mga babae pa na bumabati sa kanilang dalawa.

"Hey!" Tawag ko sa kanila. Lumingon sila at tumigil sa paglalakad para hintayin ako.

"Hi, jez. Happy birthday!" Ginulo ni Gus ang buhok ko at inakbayan ako. "Tara, libre mo kami sa canteen!"

Kahit pagpasok namin sa canteen ay marami pa rin bumabati sa dalawa lalo na kay Hiro. May mga lumalapit at parang kinikilig pa. Seriously?

I gave my wallet to Gus and told him to buy anything he wants. Naiwan kami ni Hiro sa table. Kung ano na lang daw gusto ni Gus, yun din daw ang kanya.

Dumating si Gus carrying a tray on his right hand and an ice pack sa left. Tsaka ko lang naalala ang pasa ni Hiro sa mukha.

I touched his cheeks and he flinched. Masakit siguro.

"What happened?" Tanong ko. Binigay ni Gus kay Hiro ang ice pack pero inagaw ko yon at ako na mismo nagdampi sa pisngi niya.

"War zone sa bahay." Simple niyang sabi na parang normal lang ang ganon sa kanila.

FaultTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon