Kabanata 3

16 1 0
                                    

Pagkadating sa bahay ay dumeretso agad ako sa kwarto. I opened my laptop at minessage agad si Augustus.

Nakakainis. Ako na yung umiiwas pero hindi ko parin matiis na hindi siya kausapin. Why is he cold to me kanina? May nagawa ba ako?

Buti he’s online. Kaso delivered lang ang message ko sa kanya kaya tinadtad ko siya. He replied eventually pero ang cold pa rin niya. Hindi ko na siya ulit chinat. Nakakainis! Ano bang ginawa ko? Hindi naman siya ganito!

Mali ba ako? I mean, nahalata ba niya na iniiwasan ko siya? Siguro? He knows me well. Pero anong magagawa ko? We’re bestfriends. Kailangan ko rin naman ayusin yung nararamdaman ko sa kanya.

Matagal nang nawala ‘to. Pero bakit bumalik bigla? Because he’s being like that again. Sa mga kilos niya, hindi ko maiwasan na hindi umasa. Hindi ko dapat hayaan na mahulog ako sa kanya. Kaya kong pawalain ito katulad dati. Bigyan niya lang ako ng konting oras.

11pm na pero hindi pa rin ako makatulog. Nakakainis! Kanina ko pa hawak ang phone ko at pinipigilan na tawagan si Gus. Nakakainis na hindi ko talaga siya matiis. Na kahit alam ko na iwasan ko dapat siya, ayoko naman na ganito ang pakikitungo niya sakin.

Nagulat ako sa pagring ng phone ko.

“Hello?” disappointed kong wika dahil inakala ko na si Gus na ang tumawag pero si Nico lang pala.

Umupo ako nang maayos sa kama at sumandal sa headboard.

“Jez? Sorry, naistorbo ba kita?” He asked. He sounds uneasy.

“No, Nico. May problema ba? Are you okay?”

Hindi naman kasi palatawag si Nico. Pag may sasabihin siya ay through message lang. He never called unless something serious is up.

“Can I come over your house? Sorry. Everyone is asleep at ikaw lang yung sumagot sa call ko. Jez, I’m on my way.”

Shit. I can hear him starting his engine! Maalam siya magdrive pero hindi pa siya pinapayagan! He’s just 17 for heaven’s sake! Now, this is really serious.

“Okay, be careful please. Hihintayin kita sa labas.”

Agad kong pinatay ang tawag at hinanap ang cardigan ko bago bumaba. Tulog na lahat at dim na rin lahat ng lights.

Binuksan ko ang ilaw sa labas at naupo sa hammock. It’s a 10 minute drive lang naman kaya Nico will be here in no time.

I’m bothered. I know Nico’s story. He’s my childhood friend. Para ngang anak na rin siya ni Mama at Papa dahil sobrang close talaga namin. Kapag may problema siya ay dito agad siya samin pumupunta.

Napatayo ako nang makita ang sasakyan na nagpark sa harap ng bahay namin. Bumaba si Nico na may bitbit na bag at sa kamay niya ay may hawak siyang pagkain. Lumapit siya sakin at nakita ko ng maayos ang itsura niya. He’s wearing a sando inside his jacket at nakajogging pants din siya. His face is quite sad pero nakangiti siya sakin.

“Hey, iced coffee for you. I bought chips too.”

Inabot niya sakin yung dala niya. Inaya ko siya na pumasok na sa loob dahil malamig. I locked the door at pinatay ang ilaw.

Dumeretso kami sa taas sa kwarto ko. May mini living room naman kaya pwede kami ditong kumain at magusap. My mom trusts my friends kaya lahat sila ay talagang nakakapasok sa room ko.

“Okay. Shoot. What happened? Si Tita na naman ba? What did she do to you this time?” Sunod sunod kong tanong. Pinanood ko siyang ayusin ang chips sa coffee table ko. Nilabas niya mula sa bag ang dalawang beer. He’s going to drink.

“She did it again. Jez, I’m so tired hearing her words.” He opened his beer at nilagok iyon. I can see how tired he is. “It’s his death anniversary tomorrow.”

“Nico, intindihin mo na lang si Tita. She’s still mourning sa pagkawala ni Tito.”

Umupo ako sa tabi niya at binuksan ang chips sa harap namin. While doing that, napansin ko yung braso ni Nico na dumudugo. Inangat ko para tignan pero agad niyang binawi sakin ang braso niya.

“Nico, did she hurt you this time? Gosh, oo naiintindihan ko si Tita pero hindi sa part na yan!” I almost exclaimed.

“She...tried to hurt me pero pinigilan ko kaya nadaplisan ako sa braso. I came here because I’m tired and scared. Jez, tuwi ba ganito, isisisi niya sakin ang pagkamatay ng asawa niya? I’m her only son. Ako na lang ang nasa tabi niya and I’m hurting too everytime I see her like this. Pero pagod na ako.” Mabilis niyang inubos yung beer na hawak niya at binuksan ulit ang pangalawa.

“Let me treat your wound. Hindi pedeng hayaan yan.”

Kinuha ko ang first aid kit sa cr ko at ginamot ang sugat niya. Medyo malaki yung sugat pero hindi naman malalim. Hindi ko inaasahan na may ganito na. Dati kasi ay sinisigawan lang ni Tita si Nico, telling him na kasalanan niya kung bakit nawala yung asawa niya.

I can’t imagine my Mama saying those words to me kaya sobra akong naaawa kay Nico dahil alam ko na nasasaktan siya nang sobra. It’s her mom, after all.

We watched a movie habang kumakain. Tapos na siya uminom at ubos ko na rin ang coffee ko. Inayos namin yung couch para maging komportable siya mamaya sa pagtulog. Nasa kalagitnaan na kami ng film nang bigla siyang nagtanong.

“Jez, may problema ba kayo ni Gus?” I can’t look at him after that. Hindi ko alam ang isasagot ko.

“Wala.”

“Walang group work sila kanina. Charles told me na wala silang ganon. So he’s just making excuses.” Alam ko Nico.
  

“I think, he’s mad. Pero hindi ko naman alam kung bakit.”

I told him na hindi ako sumabay sa kanya kaninang lunch at sinabi ko rin na iniiwasan ko si Gus dahil sa mga nararamdaman ko ngayon na dapat mawala.

“Siguro naramdaman niyang umiiwas ka. He told me once na parang lumagpas na raw siya sa limit at baka hindi ka na komportable sa kanya. Pero Jez. You two have been bestfriends since junior years. If you are falling, tingin mo ba hindi ganon si Gus? Takot ka lang sa rejection na makukuha mo. But what if pareho kayo? I know, no one will make the first move. Especially si Gus dahil sobrang pinapahalagahan niya yung friendship niyo

“But Jez, think about the things na maaring mawala if you will not take the risk. You’ll lose the chance. Kung hindi naman kayo pareho ng nararamdaman, tsaka ka humingi ng space. Pede niyo naman ituloy yung pagiging magbestfriends niyo e. Mahal ka nun at maiintindihan ka niya. Tell him, Jez. It’s now or never.”

FaultTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon