Last week of June. Sa Friday na yung party at hindi ko pa rin makalimutan yung sinabi ni Gus. Palagi pa rin siya sa tabi ko pero bihira ko siyang kausapin dahil natatanga ako. Hindi ko alam kung iiwasan ko ba siya o ano para lang mawala uli itong nararamdaman ko. He’s my bestfriend at normal lang naman na maging ganon siya because he cares for me. Bakit ba iba ang nasa isip ko?
Hindi ko na dapat isipin yon lalo na ngayon na hindi ako makapagfocus sa quiz namin. Nakakainis! Walang pumapasok sa isip ko kundi yung sinabi niya lang.
“Pst. President. Di ka nakapagreview?” napatingin ako sa kalapit ko. Kanina pa pala siya nakatingin sakin.
“Hindi e. Shit. Wala akong maisagot.” Pagkasabi ko non ay may papel siyang inabot. Kinuha ko iyon agad dahil baka makita ng teacher. “Ano---shit, bakit?” nagulat ako sa nakasulat sa papel.
“You’re welcome.”
He winked at me bago tumayo at pinasa ang paper niya. Tinignan ko ulit yung papel at nagdalawang isip kung ipapasa ko ba o hindi. Nakasulat sa papel ang kumpletong sagot sa quiz.
Nakasulat na rin ang pangalan ko. Is he serious? Talagang siya na ang gumawa ng quiz ko!
I re-write the answers on my paper dahil kung yung binigay niya ang ipapasa ko ay mahahalata na hindi ako ang nagsulat. Ako ang huli sa nagpasa ng papel. Nakahinga ako nang maluwag dahil lunch break na. Kaso naalala ko na pupuntahan na naman ako ni Gus! I need to make an excuse para hindi ako makasabay sa kanya.
“Jez, kanino ibibigay yung payment para sa party?” tanong ni Ales. Isa sa mga kaklase ko.
“Saakin niyo muna ibigay.” Maiiwasan ko si Gus kung busy ako sa payment!
“Nah. Kaya nga may treasurer. Sakin niyo ibigay. Nakagawa na ako ng list. Lapit lang sakin yung magbabayad na.” Napatingin ako sa nagsalita. Siya yung nagbigay ng sagot sakin! Wtf Hiro!
“Uh, okay. Kay Hiro niyo na lang ibigay.” Matamlay kong wika. Nakikita ko na si Gus sa labas ng room. Hindi na talaga ako makakaiwas.“Pakibigay na lang sakin ng list ng paid na para maikuha ko na ng waiver at ticket.”
“Okay, President!” masiglang wika ni Hiro.
Palabas na ako ng room nang may naisip akong dahilan para hindi makasabay ngayon si Gus. Lumapit ako kay Hiro na busy sa pagtanggap ng pera.
“Mamaya na yan. Lunch muna tayo. My treat.” Napatingin siya sakin pati na rin yung iba na nakarinig sa sinabi ko.
“Huh? Inaaya mo ako mag lunch?” tanong niya.
Mukha naman na sasama siya dahil agad niyag niligpit ang gamit niya. Nakatingin na samin ang mga kaklase ko. This is new to them dahil hindi naman ako nag-aaya ng lunch kung kanino.
“I’m starving. Let’s go.” Hinila ko na agad siya palabas ng classroom.
Tumigil kami sa harap ni Gus. Napatingin siya sa kamay ko na hawak ang kamay ni Hiro at kumunot ang noo niya.
“San ka pupunta?” He coldly ask. Galit ba siya?
“Lunch. Hindi ako makakasabay. May gagawin kasi kami ni Hiro kaya sa kanya muna ako sasabay kumain.” Mabilis kong sabi. Tumango lang siya at umalis na. Teka, galit ba talaga siya?
Puno na ang cafe kaya sa gazebo kami kumain ni Hiro. Siya ang nanlibre dahil hindi raw siya sanay na babae ang nagbabayad para sa kanya. Hindi naman kami masyadong close. Malapit siya sa mga babae, yun ang napansin ko. Marami siyang binabati kanina at marami rin ang kumakausap sa kanya na puro babae. Kahit sa section nila Gus, may lumalapit sa kanya.
Hindi ako yung tipo na unang nangaapproach sa mga kaklase ko kaya nagulat siya nang inaya ko siya kumain. Pero natutuwa rin daw siya dahil napansin ko siya. Close kasi siya kay Nico, Beth at Jill pero sakin ay hindi.
“Bakit mo nga pala ako inaya?” tanong niya habang inaayos ang pinagkainan namin.
“Wala lang. Bayad sa answers na binigay mo kanina. Ayaw mo ba? Sana tumanggi ka.”
Natawa siya sa sinabi ko kaya napatingin ako sa kanya. Sinalubong niya ang tingin ko habang nakangiti. Tinapon niya sa basurahan ang paper plates at disposable spoon na ginamit namin bago siya muling umupo sa tabi ko.
“Paano naman ako makakatanggi e hinila mo na ako.” Sinamaan ko siya ng tingin kaya tumawa ulit siya. Seriously,ano bang nakakatawa?
“Sorry if napilitan ka lang.” pagkasabi ko ay inirapan ko siya na lalo niyang ikinatawa. Isa pang tawa nito, ihahampas ko na yung bag ko sa kanya.
“I’m just kidding. Papayag naman talaga ako sa kahit anong gusto mo. Nagtaka lang ako dahil hindi ka naman nag-aaya talaga.”
“Ganun? Edi sige, lagi na tayo sabay maglunch. If it’s okay with you. At kung walang magagalit.”
Naramdaman kong nagpipigil siya ng tawa kaya tinignan ko siya. “May nakakatawa ba?”
“Wala naman. Pero kung makapagsalita ka ay parang crush mo ako e.” nanlaki ang mata ko at hinampas ko na talaga siya ng bag ko. “aw!”
“Hindi kita crush no. Ayoko lang isipin niyo na snob ako!” hinampas ko ulit siya pero kinuha niya sakin yung bag ko at inilagay sa gilid niya.
“Binibiro lang kita. Masyado ka naman seryoso. Kaya hindi kita malapitan sa room e. Ang sungit mo. Walang magagalit kung sabay tayo maglunch. I’m single, miss.” Kumindat pa!
“Hindi halata. Malandi ka e.” and with that, iniwan ko siya sa gazebo at nagpunta na sa next class namin.
Class dismissal na at agad akong nilapitan ni Jill at Beth habang nakasunod sa kanila si Nico. Para silang mga excited na ewan dahil sa napakalaking ngiti sa mga mukha nila.
Niligpit ko na ang gamit ko at sinukbit na sa likod ang bag ko. Akmang aalis na ako nang pigilan ako ni Jill.
“Opps, Jez. May sasabihin ka pa samin dibaaa.” Hinila niya talaga yung bag ko hanggang sa makaupo ulit ako. I looked at them with bored eyes. Gusto ko na umuwi at matulog pero heto sila at hinaharang pa ako.
“Oo nga Jez, bakit hindi si Gus ang kasabay mo kaninang Lunch?” tanong ni Beth. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanila na iniiwasan ko bestfriend ko.
“I’m with Hiro kanina. May inasikaso kasi kami. Okay na? Pede na ba umuwi? I’m tired na po.” Alam kong hindi sila naniwala sakin pero pinalagpas na nila ako at umuwi na kami. Pero habang palabas ng campus ay inaasar nila ako na naglunch date daw kami ni Hiro. Bahala sila.
Nakita ko si Lorie at Charles sa gate na nagiintay samin. Wala si Gus. Anong problema nun? Kanina ay parang galit siya tapos ngayon, hindi siya sasabay samin umuwi?
“Ah, wala si Augustus. May group report daw sila na gagawin kaya hindi muna makakasabay.” Sinagot na ni Lorie ang tanong sa isip ko.
Mukhang busy lang pala si Gus. Hindi dapat ako magoverthink.
BINABASA MO ANG
Fault
Teen FictionThis story is about love, friendships and the hardships in between those two things. It's about conquering challenges, acceptance, and learning how to set someone free even if it hurts.