Kabanata 1

18 2 0
                                    

Senior High School. They said it's fun. 2 years pa kami sa highschool na dapat ay college na. Some are happy kasi di pa raw sila ready sa college. Some are not dahil dagdag gastos daw. Pero para sakin? It's two more years with my squad. Two more years para makasama sila at masulit dahil sa college, we will have our own paths to take.

"Listen new students! This is another journey for you...." Halos hindi na ako nakinig sa sinasabi ng Principal sa unahan. Maingay ang paligid kasi excited ang Grade 12 students sa mga bagong estudyante habang kami namang mga Grade 11 ay nakikipagusap sa mga kaibigan namin.

After ng orientation, pinaakyat na sa rooms ang Grade 12 habang pinapila naman ang new students sa designated sections. Naghiwahiwalay kaming magkakaibigan dahil iba ang section nila. Mabuti na lang at kasama ko si Beth, Jill at Nico.

Dahil first day, hindi muna regular class. Hinayaan kami na maglibot muna sa buong campus para maging pamilyar sa lugar. Hindi naman kalakihan ang school na 'to pero ito kasi ang pinaka malapit kaya dito kami nagenroll. Pati magagaling naman ang faculty dito.

"Hanap tayo ng fave spot!" excited si Jill habang nagiikot kami. Gusto niya kasing humanap ng matatambayan namin ditto kapag vacant. Sabi ko nga ay sa library na lang kaso ayaw niya dahil bawal daw ang maingay roon.

"Doon tayo sa gazebo! Madalas daw don ang STEM. Maraming gwapo!" Kinikilig naman si Beth. Napakahilig kasi niya maghanap ng gwapo. Kapag naman naattached na, iniiwan na niya. I don't know but she loves to play with boys.

"Guys, nasa gazebo na raw sila Lorie. Doon na tayo." Aya ko sa kanila. Kanina ko pa kasi kachat si Lorie dahil inaasar na naman siya nila Charles.

Pagkarating sa gazebo ay naabutan namin si Lorie na hinahampas si Charles ng bag niya. Si Gus naman ay nakaupo at busy sa phone niya. Nang napansin niya kami ay agad siyang tumayo at sinalubong kami. Kinuha niya ang bag ko at hinila ako paupo sa bench na inuupan niya kanina. Sina Jill naman ay nakisali sa asaran nila Lorie.

"Okay ka lang ba sa section niyo? Gusto mo magpalipat ako para classmates tayo?" tanong ni Gus na agad kong inilingan. Ayos naman ako sa section namin. Kahit mga bago ang classmates ay okay lang dahil nandun din naman si Nico, Jill at Beth.

"I'm fine. Masasanay din naman ako. Wag ka na magpalipat." Sagot ko. Masyado kasing protective sakin si Gus. Since grade 8, siya na yung nasa tabi ko.

"Sure? If you're uncomfortable, just tell me. Okay?" tumango na lang ako at sumandal sa balikat niya. Inaantok pa ako dahil ang aga ng gising kanina. Inayos niya ang pwesto ko sa mas komportable. He's always like this. Gusto niya ay hindi ako nahihirapan. Gusto niya palagi akong komportable.

Normal naman ang unang week sa school. Puro introduction pa lang sa mga subjects at nagkaron na rin ng election of class officers. Naging president ako ng section namin. Okay lang naman dahil may experience na ako sa pagiging leader. Hindi rin naman masyadong magulo ang classmates ko kaya tingin ko naman hindi ako mahihirapan.

Lunch time at nandito kami sa cafeteria ng co-officers ko. Sila ang palagi kong nakakasama dahil mas close ko sila. Officer din naman si Nico kaya madalas ko rin siya kasama. Palagi namin pinaguusapan yung nalalapit na acquaintance party.

Medyo busy yung mga sumunod na linggo dahil naging isa ako sa mga committee sa party. Ang daming kailangan asikasuhin kaya hindi na ako nakakasama sa mga kaibigan ko. Palagi naman akong dinadalhan ng pagkain ni Gus dahil nakakalimutan ko na kumain sa dami ng pinapagawa ng Student Government.

"Kaya pa ba?" Gus asked. Nandito kami sa field. Ginagawa ko yung invitation na ipapadala sa mga stakeholders ng school.

"Kaya pa po. Naeenjoy ko rin naman." Sagot ko. Inabutan niya ako ng sandwich. Free cut kami ngayon dahil busy rin ang faculty. Sinamahan ako ngayon ni Gus kahit na sila Nico dapat ang kasama niya ngayon. Ayaw niya kasi na mag-isa ako kaya hindi niya ako maiwan.

Habang nagtatype ako sa laptop ay napansin kong nakatitig sakin si Gus. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. He smiled and shrug.

"Bakit?" tanong ko habang nagtatap sa keyboard ang mga daliri ko. Alam niyang naiilang ako kapag tinititigan pero heto siya ngayon, mukhang tanga na nakatitig habang nakangiti sakin.

"Wala lang. Ngayon alam ko na yung sinasabi ng mga kaklase mo about you." Nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya tinitigan ko rin siya pabalik. Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. "Narinig ko lang kay Nico. Sabi raw ng mga kaklase niyo, 'Ang hot ni President lalo na kapag seryoso'" napanganga ako kaya lalo siyang tumawa. Hinampas ko siya ng papel na hawak ko.

"Sira! Wala naman ganon! Binibiro ka lang ni Nico!"

"Totoo! Sinabi rin sakin ni Jill at Beth 'yon. Mas kailangan pala kita bantayan ngayon."

"Bakit mo naman ako babantayan?"

"Syempre, marami pa lang interesado sa'yo sa section niyo. Baka may maglakas ng loob na pormahan ka. Hindi naman ako papayag. Dapat dadaan muna sakin. Baka paiyakin ka lang nila. Ayoko non. Baka may magawa lang ako na hindi mo magustuhan. Ayokong pinapaiyak ka lang ng iba." He said that while looking at me and I fell. Akala ko wala na 'to pero bakit ganito?

I promised to not fall again but why are you like this, Gus? Not again, Jez. Not again.

FaultTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon