Kabanata 4

16 2 0
                                    

Kinabukasan, hindi na nagulat si Mama na sabay kaming lumabas ni Nico sa kwarto ko. Binati niya lang kami ng Goodmorning at bumaba na sa dining. Sanay na kasi si Mama sa presensiya ni Nico. Siguro ay alam niya na rin kung bakit nandito si Nico sa bahay.

Dahil may pasok kami ngayon, nagmadali kaming dalawa para hindi mahuli sa klase. Nagpahatid na rin kami sa driver namin dahil wala pa naman lisensiya si Nico. Naabutan namin si Jill at Beth na naglalakad sa hallway kaya sumabay na kami papunta sa room.

“Nics, bat ka tumawag?” Agad na tanong ni Jill. He just shrugged at nauna na samin maglakad.

Hindi kasi pala-usap si Nico. Sa akin lang dahil magkakilala na kami simula bata. Kung sa ibang kaibigan namin siya nagpunta, talagang matutulog lang yun at hindi magsasalita.

“Tumawag din siya sa inyo?” Tanong naman ni Beth. Mukhang dismayado siya. “Akala ko pa naman saakin lang siya tumawag.” Napangiti ako.

Matagal na kasing gusto ni Beth si Nico pero syempre hindi yon alam ng kaibigan ko. Ayaw din kasi ni Beth na ipaalam kasi baka makaapekto pa sa friendship nila. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Nico kagabi.

It’s now or never

“Uh guys, wait lang ha. Hanapin ko lang si Gus.”

Nauna na rin ako sa kanila para puntahan yung room nila Gus. Maaga rin kasi yon pumapasok. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya pero gusto ko pa rin siyang makausap.

Pagdating ko sa room nila, konti pa lang ang estudyante. There I saw him talking with someone. He’s smiling. Ang saya saya niya tignan. Hindi ko alam kung lalapitan ko pa ba siya o hindi. I was about to leave their room ng lumingon siya sakin. Halata sa mukha niya yung gulat. Iniwan niya yung babaeng kausap niya at lumapit sakin.

“Hey.” Tawag niya. “Lunch later?” tumango ako.

“Sige, una na ako. Baka magstart na class namin.” Nagmadali akong umalis sa harap niya. Shit. Tumakbo na talaga ako sa corridor kahit bawal. Mabuti na lang ay walang teacher akong nakasalubong.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan noong nasa harap ko na siya. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko! Jez, calm down.

“President.” Napasigaw ako ng biglang may kumalabit sa likod ko. Nandito na kasi ako sa classroom at hinihingal pa rin. “Huy, okay ka lang?”

“Gago ka e! Bakit ka ba nanggugulat?” hinampas ko siya sa braso. Siraulo! Mas lalo tuloy bumilis tibok ng puso ko!

“Chill, hindi ko naman intensyon na gulatin ka. Sorry.” Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Nakakainis. Hindi ko na siya pinansin kahit na naglagay siya sa armchair ko ng bottled water. Iniisip ko pa rin yung tibok ng puso ko noong kaharap ko si Gus kanina. Para itong sasabog. Shit, mas malala ako sa dati. Hindi dapat ganito.

Natapos ang morning subjects namin at tsaka ko lang narealize na lunch na at um-oo ako kay Gus kanina. Mukhang hindi ko naman siya maiiwasan. Hindi na pwede. Nasa labas na siya ng classroom namin at naghihintay. Ngumiti siya sakin at kumaway, ngumiti rin ako at nagsimula nang mag-ayos ng gamit.

“Hindi tayo sabay kakain, president? Nagiintay sayo yung boyfriend mo sa labas. Nagalit ba siya dahil kumain tayo nang sabay kahapon?” sunod-sunod na tanong ni Hiro. Hindi niya ako nilubayan hanggang matapos ako sa pagaayos.

“No, Hiro. He’s not my boyfriend, just a friend. At hindi siya nagalit. Gusto mo sumabay?” mabuti na ‘to para hindi awkward mamaya.

“Pwede? Sige president!” ngiting ngiti pa si Hiro habang sumabay sakin palabas ng room. Lumapit kami kay Gus na nakatingin lang saming dalawa.

“Gus, si Hiro, classmate ko. Sasabay siya sa atin kumain. Saan tayo?”

Sa labas kami ng school kumain. All expenses paid by Hiro. Aangal na sana ako but he insist.

Habang kumakain kami, si Hiro at Gus lang ang naguusap. Marami pala silang common interest. Buti naman at hindi dead air. Madali silang nagkasundo. Nagtatawanan pa at parang silang dalawa lang ang magkasama. Napansin lang nila ako nang masamid ako at binigyan ako ng tubig ni Hiro.

“Okay ka lang Jepot?” tanong ni Gus. Tumango ako at inubos ang tubig. Bumalik naman sila sa usapan nila.

Pagkatapos namin kumain, bumalik na kami sa school. Nasa unahan nila akong dalawa habang naguusap pa rin sila. Hinatid kami ni Gus sa room namin at grabe, sobrang close na talaga nilang dalawa. Tipong nagtatawanan pa sila sa corridor.

“Sabay ka lagi samin maglunch, Hiro.”

“Sige ba, Gus! Pero hindi na libre next time!” At nagtawanan na naman silang dalawa. Pumasok na ko sa room pero bago umalis si Gus ay may sinabi pa siya na ikinatigil ko.

“Kampante ako sayo. Ikaw na bahala kay Jepot ha.”

FaultTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon