Dumating ang araw ng party for freshmen. Walang klase dahil binigyan ng oras upang makapag-ayos ang mga estudyante. Nandito sila Jill sa bahay para makisabay saakin papunta sa venue. Sila Charles naman ay magiintay na lang doon.
Kumuha kami ng ilang pictures bago tumulak sa town plaza kung saan gaganapin ang party.
"Ayos lang ba 'tong suot ko? Yung make-up? Hindi ba makapal?" Paulit ulit na tanong ni Beth. Nacoconcious daw kasi siya sa itsura niya.
Nakita namin sila Nico sa tapat ng gate, nagtatawanan at nagbibiruan. Napatingin sila sa amin at lumapit. Agad na humawak sa bewang ko si Gus. Napatingin ako sa kamay niya bago siya tiningala.
Nagkibit-balikat lang siya at iginiya na kami sa lamesang para sa amin sa loob.
Makulay ang paligid. Marami na rin ang mga estudyante na nagkukumpulan para sa pictures. Hindi naman required na magkakasama ang magkakaklase kaya nandito kami ng mga kaibigan ko sa pinakagitnang table.
Sa gitna ay may dancefloor. Maingay ang music at napapahead-bang ang ilan sa beat.
Nagsimula ang program nang hindi tinatanggal ni Gus ang kamay sa akin hanggang sa ihanda sa amin ang dinner. Habang kumakain ay nagsimula rin ang ibang contest tulad ng dance revo at singing contest.
"Lahat tayo ay kasali sa rarampa sa gitna hindi ba, Jez?" tanong ni Jill habang kumakain kami.
"Oo. Sa ganong paraan pipili ng special awards ang faculty."
Hindi nag-tagal ay rumampa na ang mga estudyante sa gitna. Sa harap ay nanonood ang mga teachers. Nakapila kami nila Jill sa kanan at sa kaliwa naman ang mga lalaki. Tuwang tuwa sila Beth dahil gusto nila ang ganito.
Magkasabay na maglalakad ang babae at lalaki na magkatapat sa pila. Binibilang ko kung sino ang makakatapat ko nang nakita ko si Gus na nakatitig sa akin. Ngumiti ako at ngumiti rin siya pabalik.
Nauuna sa akin si Jill at Beth. Kasabay nila si Charles at Nico. Sa likod ko ay si Lorie. Nakita ko na hindi ko makakatapat si Gus kaya nakipagpalit ako kay Lorie. Mabuti at pumayag siya kaagad. Pagkatapos niya ay sunod akong naglakad.
Pagdating sa gitna ay naglahad sa akin ng kamay ang lalaki. Nagulat ako na hindi si Gus iyon!
"H-hiro"
"Jezreel" ngumiti siya at inilagay ang kamay ko sa braso niya. Sabay kaming naglakad sa unahan. Hindi ko maiwasang ngumiti dahil sa ngiti rin ng mga teachers namin.
Pagdating namin sa harap, inikot ako ni Hiro at biglang hinabit ang bewang ko dahilan ng pagkakahawak ko sa dibdib at braso niya para mabalanse. Narinig ko ang tilian ng mga estudyante.
Hinatid ako ni Hiro sa table namin pagkatapos ay bumalik na siya sa lamesa nila.
"Jez! Ang cute niyo ni Hiro!" sabi ng ilan sa mga kakilala na nakaupo sa malapit. "Bagay kayong dalawa!"
Umiling na lang ako at hindi na nagsalita.
Pagkaupo ko ay siya ring dating ni Gus. Nakatingin siya sakin ng mariin.
"Akala ko makakapareha kita kapag nagpalit kami ni Lorie." wika ko sa kanya. Kinagat niya ang kanyang labi at pumikit saglit bago tumingin muli sa akin at ngumiti.
"Akala ko rin ganoon kaya nakipagpalit ako kay Hiro." nagulat ako sa sinabi at natawa. Pareho pala kami ng iniisip at gusto namin na kami ang magsasabay dapat.
"I'll take you home later." bulong niya na sinangayunan ko.
Natapos ang awarding at nanalo si Lorie bilang Face of the Night pati rin si Charles. Prince and Princess naman si Gus at ang babaeng kausap niya noon sa classroom nila.
"And our King, please come up on stage, Mr. Hiro Yoshizawa!"
Agad naghiyawan ang mga kaklase namin. Lalo na ng tinawag ang pangalan ko bilang Queen of the Night.
Hinintay ako ni Hiro sa baba ng stage at inalalayan niya ako paakyat. Binigay ang sash at boquet samin. Pumwesto ang camera man sa gitna upang kuhanan kaming mga nanalo. Nasa kanan ko si Hiro at sa kaliwa naman si Gus. Ngumiti ako at bahagyang nabigla ng hinapit ni Gus ang bewang ko palapit sa kanya.
Pagkatapos non ay nagsimula na ang sayawan. Groups pictures, party dance sa gitna, at makikita talaga na sobrang nag-eenjoy ang bawat estudyante.
Natapos ang gabi at hinatid nga ako ni Gus sa bahay. Nagpaalam kami sa mga kaibigan namin bago tumulak pauwi. Hindi naman nagkakalayo ang bahay nila sa amin kaya ayos lang na siya na ang maghatid sa akin. Sila Lorie ay nakisabay kila Charles.
"You look beautiful, even after the party."
Napalingon ako sa sinabi niya. He's smiling dahilan kung bat nag-init ang pisngi ko. Ang gwapo talaga ni Augustus Delos Reyes.
"Salamat. Ikaw rin, you still look good."
He chuckled with my reply. it's almost 1am at naglalakad pa kami. Hindi alintana ang curfew dahil alam ng lahat ang party na ginanap sa plaza.
Nang makarating kami sa tapat ng gate namin ay hinarap ko siya at nagpasalamat sa paghatid. Sa kabilang kanto lang ang sa kanila kaya kampante ako na makakauwi siya kaagad.
Before I could turn my back at him, he held my hand. Nabigla ako sa ginawa niya at hindi agad nakapagsalita.
"I did not get a chance to dance with you kanina. So, can I have this dance, Jepot?" napatulala ako sa mukha niya. Ang bilis at ang lakas ng pintig ng puso ko na pakiramdam ko maririnig niya na iyon.
Inilagay niya ang mga kamay ko sa balikat niya bago hinawakan ako sa bewang. He dance slowly, rocking and swaying his body a bit at nadadala ako sa kilos niya.
"W-walang music?" tanong ko na nagpatawa sa kanya.
Nilagay niya ang takas na buhok sa mukha ko behind my ears and started singing a familiar song. I smiled at him. Himilig ako sa dibdib niya at niyakap niya ako habang sumasayaw pa rin sa himig ng boses niya.
"I'll be your crying shoulder,
I'll be love suicide.
I'll be better when I'm older.
I'll be the greatest fan of your life."He gently kiss my forehead at dahan dahan binitawan ako. Tinitigan niya ako sa mata at ngumiti.
"Pasok ka na, it's getting late." tumango ako at lumayo na rin sa kanya.
"Goodnight, Gus."
"Goodnight, my Queen."
BINABASA MO ANG
Fault
Teen FictionThis story is about love, friendships and the hardships in between those two things. It's about conquering challenges, acceptance, and learning how to set someone free even if it hurts.