Malapit na ang first quarter examination namin. Todo review na kaya bihira kami mag hangout magkakaibigan. Kami lang nila Nico ang halos nagkakasama dahil sa mga group works at reports.
Naging consistent din sa pagdadala ng snacks sakin si Gus kahit di kami masyadong nagkikita. Bukod kasi sa exam ay nagstart na rin ang mga tryouts sa iba't-ibang sports para sa darating na intramurals.
"Mae, ikaw muna bahala sa list of participants sa intrams ha?" Tumango ang vice namin.
Hindi ko na ata kakayanin kung ako pa rin ang mag aasikaso non. Ang daming paperworks na reports ang pinapagawa ng supreme government.
"President, uso mag pahinga." Tiningala ko si Hiro na nakatayo sa tabi ko ngayon at sinisilip ang tinatype ko sa laptop.
May dala siyang pagkain. Siguro galing na naman kay Gus. Mas close na sila ngayon dahil sa kinahihiligan nilang online game. Umupo siya sa bakanteng armchair sa tapat at inayos ang mga pagkain sa harap ko.
"Time-out muna, pres. Lunch time na oh. Ikaw na lang hindi kumakain."
Tumingin ako sa paligid at lahat nga ay kumakain na, ang iba ay bumaba para bumili sa canteen. Niligpit ko ang gamit ko para magkaron ng space para sa pagkain.
"Galing kay Gus?" Tanong ko nang ibigay niya sakin ang isang lunch box.
Umiling siya. Inayos niya ang kubyertos sa harap ko. Binigyan niya rin ako ng tubig.
"Hindi. Luto ni nanay. Nagpadagdag ako." Nagsimula na siyang kumain kaya ganon rin ang ginawa ko.
Japanese food ata ito dahil nung sinabi niya kung ano ang tawag dito ay hindi ko naintindihan. Tonkatsu?
"Masarap?" Tanong niya na tinanguan ko lang dahil puno ang bibig ko.
After lunch ay free cut kami dahil sa faculty meeting at tryouts na rin. Pinili kong magstay sa library para tapusin ang reports at para makapagreview na rin. Sila Beth naman ay nagpaalam manonood sa gym para suportahan si Lorie sa badminton.
Isinama ko si Hiro dito para may katulong ako. Sipag din kasi nito magtype e. Tsaka para may magreview sakin. Last time na ni-review niya ako noong may quiz kami, nakaperfect score ako kaya tingin ko effective kapag kasama siya magreview.
Tinatype na niya ang huling report na ipapasa ko kaya nagbasa na lang ako ng libro. Ang tagal na nito sa to-read list ko pero ngayon ko lang naisipan basahin.
Hiro glanced at me kaya napatingin din ako sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay at binaling muli ang atensyon sa binabasa.
"Mahilig ka pala sa mga ganyang libro." Bumalik ang tingin ko sa kanya bago sa cover page ng book ko. Necktie. Nag-init ang pisngi ko at agad kong itinago ang libro sa bag ko. He chuckled and then continue typing.
"Uh, I love to read, kahit anong book. Uh, that book, yun yung naka-schedule na babasahin ko kaya yun ang dala ko." Pagpapaliwanag ko.
"Uhuh." Tumatango-tango siya habang nagpipigil ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin, pinipigilan ang sarili na hampasin siya. "So how's the book?"
"It was okay. I haven't watch the movie adaptation pero tingin ko mas maganda 'tong libro. Ganun naman lagi."
"So may balak ka panoorin yung film?" Mas lalo ata akong namula sa sinabi niya. Hindi na niya napigilan ang pag tawa kaya nasita agad kami ng librarian.
"N-no! Hindi sa ganon. I mean, of course I'm going to watch the film pero hindi sa rason na nasa isip mo."
Inilabas ko na lang ang notes ko at nagsimulang magreview para hindi na siya magtanong. Hindi naman maalis ang ngiti niya hanggang sa matapos siya sa ginagawa.
BINABASA MO ANG
Fault
Teen FictionThis story is about love, friendships and the hardships in between those two things. It's about conquering challenges, acceptance, and learning how to set someone free even if it hurts.