Chapter 14:)

114 59 8
                                    

Bumalik na kami dito sa Manila, siguro mga madaling araw na kami nakadating dito.

Rinnnngggg.......

Pagtingin ko sa caller its Pia.

"Hello?"

"Hi maam, how's your bonding thingyyy.?"

"Masaya! I didn't thought that it would be this good!"masayang sabi ko sa linya.

"Ngayon ka lang yata naging masaya!? That was good!"

Palagi naman akong masaya sa bahay a?

Ahhh dito pala ang tinutukoy niya.

"Can I have a leave Pia?"

"Sure thing! Marami naman ang mga nakaantabay na Reporters atsaka Anchors... so pwede."

"Salamat Pia ha?"

"Pangalawa mo ng pasalamat yan! Is it a good thing?!"gulat niyang sabi.

"Well, maybe...."hindi ko sure na sagot sa kanya.

"But make sure na babawi ka Maam!"

"And drop the Ma'am Pia"

"O----M-----G!!!!! Ayaw na ayaw mo na hindi ka tinatawag na Ma'am!!!!!!????"

"Talaga ba! Well it's all different now."

"Well okay Theresse... See you soon!"

FC na agad to? Char di naman.

"Tatawagan pa naman kita Pia para makapag-usap ganon ng personal... pretty please?"

"Sure Theresse just call me and I will spare that time."

"Thank you Pia!"

At inend call ko na ito. Gagawin ko kasi ang duty kong maging mabuting asawa at ina ngayon kaya wala na muna ang trabaho.

Napag-isip-isip ko kasi na siguro it's time to make a change hihihihihi at makabawi na rin sa mga sala ko kung hindi pa kasi eh baka mapupunta na sa impyerno tong katawan na to pati na ang magandang mukha ko. Kaya hindi pwede.

Kahit na hindi ako ang may sala, eh para naman makabawi ako sa mga taong ginawan ko ng masama.

Hindi gaya sa totoong buhay ko na palagi kaming minamaliit, dahil alam namin ang sakit na dulot nito sa isang tao, parang nawalan ka ng parte sa buhay mo dahil lang sa mga taong ganon ang pagtingin sa kapwa nila tao.

Kaya sa mga taong nasaktan ko...pumunta na sa akin...

Bibigyan ko ng jacket yan!!!!!!hihihihi...

Pasok na naman sa school si Zeb kinaumagahan and as usual ang asawa ko na gwapo na nakabusiness attire! Ang gwapo niya. Napapatulala na lang ako sa kanya na inaayos-ayos pa ang kanyang suit. Gwapo!!!!!

"Hmmm" pagtikhim ko na lang para mawala na yung mga mapagpantasyang isip ko!

Nakuha ko naman yung paningin niya sa akin.

"Don't you have work today?"tanong niya sa akin! Kailan pa siya naging interesado sa akin?

Ngayon!?

"Uhmmm.... wala nag-leave kasi ako."sabi ko sa kanya habang naglilinis sa sala.

"Don't you think, its already time to stop this nonsense?"nabigla naman ako sa mga salitang lumalabas mula sa kaniya.

Akala ko ba okay na kami!?

"Why Caleb? Do you think I'm still pretending?"sabi ko rin sa kanya. Parang sasabog na ako! Hindi ko naman talaga siya masisisi dahil sa mga inaasal nitong katawan nato nung hindi pa ako ang nandito. Pero nasasaktan rin naman ako sa kanya!

"Stop it already Theressse! You are just hurting yourself!"

"No Caleb, this is me! This is who I am. It's up to you if you will believe it or not."talagang hindi na ako natutuwa sa kanya hambalusin ko kaya to para maramdaman niya yang mga sinasabi niya sa akin.

"Theresse nagmamakaawa ako sayo. Tigilan mo na to!"matigas na sabi niya sa akin at akmang aalis na sana siya.

"I will do everything Caleb, you can't stop me, not even your dreams."sabi ko sa kanya at tuluyan na niya na akong iniwan.

Parang nawalan ng buhay ang aking mga paa at napaupo nalang sa marble na sahig.

Kaya ko to!

Lilipas din to!

Kakayanin ko to!

"Fighting!"sabi ko nalang na nakapagpagulat sa mga manang na nandito.

"Fighting!"ulit ko na nakataas na ang aking mga kamay.

"Fighting" ulit naman ng mga manang kaya napangiti nalang ako dahil sa kanila.

"Mga manang nasaan na po si Zeb, ihahatid ko na po siya.

"Ah..binibihisan na po Ma'am"sabi naman ni Manang Delhia sa akin.

Nagbihis na rin ako ng komportable na damit atsaka ripped na pantalon atska kinuha ko na rin ang sling bag na naglalaman ng aking pera at mapa-atm. Paano kaya gamitin to? Pero alam niyo ba? Na kahit hindi ko alam ang magoperate ng vaccum, ng oven, at mga bagay-bagay pa dito sa bahay na wala sa amin pero kapag nasa harap na ako nito. Napapagalaw nalang kusa ang aking mga kamay na talagang bihasa na dito.

Kaya nagpapasalamat nalang ako hindi ako nagmumukhang ignorante dito.

Kaya oks na oks ako dito!

Bumaba na rin ako at nadatnan ko na si Zeb na nakauniporme.

"Tara na baby?"

"Yes mommy!"at hinalikan ko na siya sa pisngi at binuhat na rin palabas sa bahay at nakahanda narin naman yung kotse dito isinakay ko na lang siya at inilagay na rin ang kanyang seatbelt. Oh tignan niyo alam ko ang gamit nito kahit hindi pa ako nakakasakay sa tanang buhay ko noong nasa bukid pa ako!.

Meron rin naman sa Waze ang destination ng school ni Zeb. Kaya pinatakbo ko na ang kotse. Nagpamusic narin ako para hindi boring sumasabay naman sa kantang Endless Praise ng Planetshakers.

Hindi ko namalayan...

WE'RE HERE AT OUR DESTINATION!

Nagulat naman ako dun at nagsasalita pa talaga to! Sorry naman! Nagsasalita ba talaga to?!

Ipinunta ko nalang sa parking lot ang kotse at pumunta na sa loob ng school nila Zeb. Hindi pangkaraniwan ang school na ito hindi gaya ng pinasukan ko nung elementarya pa lamang ako!

Kakaiba to high tech pa dahil ipipindot mo pa yung I.D ni Zeb para makapasok ka, kaya hinatid ko na lang siya sa kwarto niya. Kinausap ko narin yung teacher niya na subaybayan ng mabuti si Zeb.

Pagkatapos ko duon ay....

Saan kaya ako pupunta?

Alam ko na!

Ano kayang lulutuin ko!

Maggo-grocery nalang muna ako para sa lulutuhin ko! Excited na ako!



Ipagluluto ko kasi si Caleb at idadala na lang sa office niya!!!!!!!

Napakamot nalang ako sa ulo ko nang mapagtantong.....








Saan nga ba ang supermarket dito!

****

Two Worlds Apart (ON-GOING)Where stories live. Discover now