Unedited
---Chapter 1: Gubat.
Autumn's Pov.
Isang malakas na iyak ang una kong narinig.. Hindi ko maimulat ang mata ko dahil sa pagod na nararamdaman..
Ngunit bigla akong napabangon ng marinig ko ang hagulgol ng kapatid ko..
"Ate!"
"Bakit?" Nag-aalalang tanong ko kay Emerald... Mabilis niya akong niyakap at humagulgol sa balikat ko.
"I thought you're dead-"
"Shhh.. Don't say that, okay?" Pagputol ko sakaniya at inalalayan siyang tumayo..
Nang makatayo kami ay bumitaw na siya sa pagkakayakap saakin...
Wala sa oras na napayakap ako sa sarili ko ng makaramdam ako ng lamig..
"Oh Ghad!" Mahinang bulalas ko ng mapagtanto kung nasaan kami.. Hindi ako natatakot sa lugar na ito.. Natatakot ako para sa kapatid ko..
"Ate, paano nila nagawa saatin ito?" Walang emosyong tanong ni Emerald.. Ito na nga ba ang sinasabi ko!
"Just forget about them... Hindi sila kawalan.. Mabubuhay tayo kahit wala sila." Wala ring emosyong sagot ko.
Sa lahat ng pwedeng trumaydor saamin ng kapatid ko ay ang magulang pa talaga namin... Ipinatapon nila kami ni Emerald sa lugar na ito para sa pera.. All they want is money!
Ipinagpalit nila ang sarili nilang anak alang-alang sa pera! What a crazy parents we have!
Napatingin ako sa a loob ng gubat ng may maramdaman akong prisensiya doon.. Parang may taong nakatingin saamin ni Emerald..
"Buhay pa kaya ang dalawang iyon?" Nagpantig agad ang tenga ko ng marinig ang boses ng dalawang taong nagtraydor saamin ni Emerald.
Mabilis kong hinila si Emerald papasok ng gubat.. Tumago kami sa isang malaking puno ng makita ko si mommy na nakangisi..
"They're not here.. Siguro pinatay na sila ng mga--"
"Shut up Sweetheart.. Baka may makarinig sayo." Pamumutol ni Daddy kay mommy at hinila na ito paalis..
Akmang lalabas na kami ni Emerald sa pinagtataguan namin ng mapahinto ako..
Napatingin ako sa maliit na daan.. Parang may kakaiba sa gubat na ito..
"Ate--" Hindi ko na pinatapos pang magsalita si Emerald at hinila na ito papasok ng gubat..
Parang may nagsasabi saakin na tama ang ginagawa kong pagpasok sa gubat..
Malayo-layo na ang natakbo namin ni Emerald kayo huminto muna ako sa pagtakbo..
Napakunot ang noo ko ng may makita akong kumikinang sa paanan ko.. Walang pag-aalinlangang pinulot ko iyon at tiningnan..
"Kwintas?" Sabay naming bigkas ni Emerald... Somethings wrong with this Necklace..
Mas lalong napakunot ang noo ko ng mapagtantong napakapamilyar ng kwintas na hawak ko ngayon..
Ibinulsa ko nalang iyon at muli ko nanamang hinila si Emerald at tumakbo ulit kami papasok ng gubat..
Siguro mga nasa isang oras na kaming patakbo-takbo lang dito sa gubat at hanggang ngayon ay hindi parin kami tumitigil..
Napatingin ako sa relos ko at doon ko lang napansin ang oras.. Dalawang oras nalang ay mag-uumaga na..
"Teka, pahinga muna tayo ate." Hindi na ako umangal ng hilahin ako ni Emerald paupo sa isang malaking ugat..
BINABASA MO ANG
K.I.A.H UNIVERSITY (On-going)
ActionPaano kung dalhin ka ng paa mo sa isang masikip at madilim na gubat dahil sa curiosity? Paano kung mapadpad ka sa isang hindi kilalang paaralan? Paano kung mapadpad ka sa isang paaralan na ngayon mo lang nakita at nalaman? Paano kung hindi ka na ma...