Unedited
----Chapter 10: Handrew and Andrew.
Autumn's Pov
Maaga akong nagising dahil nananakit ang palad ko... Naligo muna ako at isinuot ang mga dapat kong isuot, bago ako lumabas ng kuwarto ko...
Wala ng benda ang kamay ko dahil tinanggal ko na
kanina... Napangiwi ako ng maramdaman ko na namang kumirot ang palad ko...Nasa salas na ako ng makita kong nagtatawanan sina Danica, Candice at Emerald... Napatingin sila saakin ng tumikhim ako at umupo sa tabi ni Danica.
"Anong pinag-- Ouch!" Napasigaw ako sa sakit ng bigla nalang kumirot ang sugat ko sa kamay..
"Autumn, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Candice..
"S-Sumasakit 'yung-- Aray!" Muli akong Napasigaw sa sakit ng bigla nalang pumiswit ang dugo sa kamay ko..
"Shit! Ang daming dugo!" Natatarantang sigaw ni Danica kaya nagsilabasan ang mga lalaki sa kuwarto nila..
"Anong nangyari-- ow shit!" Mura ni Phoenix ng makita niya ang kamay kong walang tigil sa pag dugo..
"Anong nangyayari sa kamay mo?" Nag-aalalang tanong ni Alexis..
"Bakit dumugo?" Takang tanong ni David..
"Epekto ng gamot... Nililinis ng gamot ang sugat ni Autumn... Inilalabas ng gamot ang maruming dugo sa kamay ni Autumn para hindi kumalat ang lason.." Seryusong paliwanag ni Damien at lumapit saakin...
Nanlaki naman ang mata ko ng mapagtanto ko ang sinabi niya.. Ibig-sabihin ay may lason ang blade ni Handrew?
"How come? Bakit sa dinami-dami ng sinugatan ni President, si Autumn lang ang may pinakamalaki at pinakamalalim na sugat? Bakit sa dinami-dami ng sinugatan niya sa kamay, bakit 'yung kay Autumn may lason?" Sunod-sunod na tanong ni Danica kay Damien..
"Planado ang lahat ng iyan ate." Seryusong sabad rin ni Emerald.. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya..
"Paano ka nakakasigurado, Emerald?" Takang tanong ko sakaniya.. Alam kung hindi ito magagawa saakin ni Handrew, kaya alam kong hindi planado ang lahat ng ito..
"I heard him and his bitch... Narinig ko sila kahapon na nag-uusap... Plinano ni Handrew na lagyan ng lason ang blade para mabilis ka nilang mapatay... And narinig ko rin sila noong nakaraan na, pinaplano nilang kunin ang mga mamanahin mo, ate..." Mahabang paliwanag ni Emerald..
"Kilala niyo si President?" Sabay-sabay nilang tanong..
"Handrew Balker a.k.a President, is my one and only Boyfriend." Mahinang sagot ko..
"Not anymore." Malamig na sabi ni Alexis..
"He's not only a President, Autumn... Siya ang leader ng RHG.. Siya si Andrew Balker.. Ang gustong pumatay sayo." Malungkot na sabad ni Candice.. Alam nilang gusto akong patayin ni Andrew dahil sinabi ko sakanila ang lahat..
"Anong ibig mong sabihin?" Naluluhang tanong ko kay Candice..
"Si Handrew at Andrew ay iisa... Nilagyan niya ng 'H' ang Andrew niya para walang maghinala na siya ang leader ng RHG.. Lagi siyang nag-susuot ng voice changer para walang makakilala sakaniya... Matagal na siya dito Autumn and I guess isang taon palang kayong magkakilala... Dahil isang taon palang siyang president.." Mahabang paliwanag ni Candice... Medyo nalito ako pero kalaunan ay na gets ko rin..
"Kapag naging officers ka or nakapasok ka sa top 10 ay pwede kang lumabas ng University, pero babalik ka rin ulit." Sabad ni David..
"Tumigil na ang pagdugo ng sugat mo, ate." Turo ni Emerald sa kamay ko...
BINABASA MO ANG
K.I.A.H UNIVERSITY (On-going)
ActionPaano kung dalhin ka ng paa mo sa isang masikip at madilim na gubat dahil sa curiosity? Paano kung mapadpad ka sa isang hindi kilalang paaralan? Paano kung mapadpad ka sa isang paaralan na ngayon mo lang nakita at nalaman? Paano kung hindi ka na ma...