Chapter 8

5 1 0
                                        

Unedited
A/N: Si Handrew ay ang boyfriend ni Autumn at President ng school... Si Andrew naman ay leader ng Ripped Head Gang, na gustong pumatay kay Autumn..
----

Chapter 8: Library.

Bandang 5:30 pm natapos ang lesson namin.. At ngayon ay kasama ko si Damien.. Pupunta kami ng library dahil may gusto raw siyang kunin doon..

"Bakit ako pa kasi--"

"Just shut up... May kailangan akong kunin sa library." Inis na singhal niya at mas binilisan pa ang paglalakad...

Nang makarating kami sa Library ay pumunta kami sa pinakdulo at doon niya ako pina-upo..

"Stay here." Aniya't umalis na..

Napabuntong hininga ako at ibinaling nalang sa labas ng bintana ang paningin ko...

Namimiss ko na si Lolo at lola.. How I wish I could see them... Hindi talaga ako makapaniwala na nagawa iyon saamin ni mommy at daddy..

Malungkot na kinuha ko ang bag ko sa baba at kinuha sa loob nun ang pouch ko.. Nang makuha ko ang pouch ko ay binuksan ko iyon at kinuha ang picture ng lolo at lola ko..

"I wish you two are safe." Mahinang bulalas ko at malungkot na ngumiti..

"They are."

Napatingin ako kay Damien ng umupo ito sa harao ko habang bakatingin sa librong hawak niya...

"Huh?" Takang tanong ko sakaniya dahil sa sinabi niya..

"I'm not talking to you.. I'm talking to this book." Seryusong sabi niya at muling ibinalik ang tingin sa libro...

"Hindi naman nagsasalita 'yang libro para kausapin mo." Mahinang bulong ko... Napahiya ako don ah!

Nanlaki ang mata ko ng may maalala ako ng mapatingin ako sa librong hawak ni Damien..

"Ahm, Damien.. May I-itatanong lang ako." Naiilang na turan ko at kinuha ang notebook ko sa bag..

"What?" Taas kilay niyang tanong...

"Alam mo ba ang ibig-sabihin ng 12,9,2,18,1,18,25.. Find the K.I.A.H UNIVERSITY at the Section W?" Mahinang tanong ko sakaniya.. Napansin kong natigilan ito at kunot ang noong tinitigan niya ako sa mata..

"Library.. Find the K.I.A.H UNIVERSITY at the Section W.." Seryusong sagot niya at muling ibinaling ang tingin sa librong hawak niya..

Library? Ibig sabihin, kailangan kong hanapin ang libro ng paaralang ito, dito sa library? Ano naman kaya ang kinalaman ng librong iyon sa hidden gang?

Dali-dali kong ibinalik ang gamit ko sa bag.. Akmang tatayo na ako ng bigla akong pigilan ni Damien...

"Bakit?" Takang taning ko sakaniya..

"Samahan na kita." Walang emosyong sabi niya at nauna ng maglakad..

Wala na akong nagawa kaya sumunod nalang ako sakaniya.. Mas mabuti na rin iyon para may kasama ako... Baka bigla na naman sumulpot ang leader ng RHG..

Nang makarating kami sa Section W ay agad kong hinanap ang K.I.A.H UNIVERSITY book... Napansin kong naghahanap din si Damien..

"Here."

Napatingin ako kay Damien ng iabot niya saakin ang librong hinahanap ko... Agad ko naman iyon tinanggp..

"Thanks." Naiilanh na pasalamat ko at umupo sa sahig.. Umupo rin siya sa harap ko at hinintay ang susunod kong gagawin...

"K.I.A.H UNIVERSITY'S secret." Basa ko sa unang pahina...

"Wait... Ilagay mo sa bag ko ang libro.. Bilisan mo, may nararamdaman akong awrang papalapit saatin."

Agad kong sinunod ang sinabi niya at inilagay ko sa bag niya ang libro... Maya-maya'y sumulpot sa harap namin si President..

"D-Damien--"

"We're leaving." Malanig na turan ni Damien, kaya hindi natuloy ni Handrew ang sasabihin niya...

"S-Sure." Nauutal na sagot ni Handrew at gumilid para bigyan kami ng daan...

Agad na hinawakan ni Damien ang kamay ko at mabilis akong hinila palabas ng Library... Hindi alintana ni Damien ang mga taong nababangga namin..

Hindi niya rin pinansin ang librarian na tawag ng tawag sa pangalan niya..

Ngayon ko lang din napansin na madilim na pala ang langit... Napatingin ako sa wristwatch ko at doon ko lang napansin na 6:13 pm na pala..

Hanggang sa makarating kami sa harap dorm ay hila-hila niya pa rin ako..  Binitawan niya lang ang kamay ko ng buksan niya na ang pinto..

Nauna ako pumasok sakaniya kaya siya nq ang nagsara ng pintuan.... Pumunta ako ng sala at umupo sa tabi ni Danica..

"Nandito ka na pala... Give me your hands, lilinisin ko na ulit ang sugat mo." Nakangiting sabi niya at kinuha ang mga gamot pan'linis sa kamay ko.

Nang muli siyang bumalik sa tabi ko ay kinapitan niya ang kamay ko at tinanggalan iyon ng benda...

"After a week ay pwede ng tanggalin ang sinulid sa palad mo." Nakangiting sabi niya at nagsimulang pahidan ng kung ano ang kamay ko..

"Magiging peklay ba--"

"Nope." Putol niya sa sanang itatanong ko...

Ilang minuto ang nakalipas ay natapos niya ng linisin ang kamay ko.. Saktong pagtayo namin ni Danica ay siyang tawag saamin ni Emerald na kakain na daw kami..

Sabay na kaming pumasok ni Danica sa dining area at umupo sa upuan namin...

"Ate, mag diet ka na... Ang taba mo na." Natatawang sabi ni Emerald..

"Grabe ka naman! Hindi naman ako subrang taba... Tama lang ang taba ko.. Siguro mga kasing taba ko si Anne Curtis." Nakangusong sabi ko at muling sumubo ng Karne..

Paano ba naman ako makakadiet nito? Puros karne ang ulam namin... Hindi manlang sila nagluluto ng gulay!

"Ano nga palang ginawa niyo sa library?" Biglang tanong ni Candice...

"Kumain ng libro." Sarkastikong sabi ko na ikinahagalpak ng tawa ng mga kasama ko, maliban kay Candice at kay Damien

"Ewan ko nga say--"

"Joke lang... Sinamahan ko lang si Damien na kumuha ng librong gusto niyang basahin." Pigil ang tawang sabi ko..

"Ahhh... Btw, bakit ka nga pala kinausap ni President kaninang umaga?" Takang tanong ni Candice at muking sumubo ng pagkain..

"Hinahanap niya 'yung lipstick niya." Bored na sagot ki at uminom ng tubig...

"Lipstick? Don't tell me, bakla si President?" Nanlalaking sabad ni Danica..

"Ewan...' yun din ang gusto kong itanong sakaniya eh." Aniko't tumayo na.. "Mauuna na ako sa taas.. And Damien, kukunin ko na nga lala' yung libro."

"Nasa sala 'yung bag ko.." Sagot niya ng hindi tumitingin saakin at muling sumandok ng kanin..

"Okay." Aniko't umalis na sa dining area.. Pumunta ako sa salas at kinuha ang bag ni Damien..

Nang makuha ko na ang libri sa bag ni Damien ay tumaas na ako ng hagdan at pumasok sa kuwarto ko..

K.I.A.H UNIVERSITY (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon