Chapter 4

5 1 0
                                    

Unedited
---

Chapter 4: Skinless Body.

Autumn's Pov

Halos hindi ako makatulog dahil sa kaka-isip kung anong pangalan ng Hidden Gang..

Mag-aalas sais ng umaga ng lumabas ako ng kuwarto ko.. Napagdesisyunan ko nalang na mag luto ng agahan namin dahil mas lalo lang akong maboboryo sa kuwarto.

Pumasok ako sa kusina at dumiretso sa ref.. Nag-hanap ako ng pwede kong lutuin...

Kinuha ko ang isang buong manok at hinugasan iyon sa lababo.. Nang matapos ko iyon hugasan ay ginayat gayat ko na.

Mag-luluto ako ngayon ng maanghang na adobo.. Nakakamiss lang kumain ng may siling pagkain....

Mahigit isang oras bago ako natapos sa lahat.. Tapos na akong magsaing at maglinis ng lamesa...

Inihanda ko na ang pagkain namin at inilagay iyon sa lamesa.. Akmang tatawagin ko na ang mga kasama ko ng sabay sabay silang pumasok dito sa dining area..

"Ang bango naman." Puri ni Alexis sa niloto kong ulam at agad na umupo sa upuan niya..

Nagsi-upuan na rin ang mga kasama ko kaya umupo na rin ako at nag-simulang kumain..

"Marunong ka palang magluto." Manghang sabi ni Phoenix at sunod sunod ang ginawang pagsubo ng kanin at ulam...

"One of my hobbies." Nakangiting sagot at muling kumain..

Wala ng nag-abala pang magsalita dahil halos sila ay parang gutom na gutom.. Parang ilang taong hindi nakakain..

Nang matapos kami ay ako na rin ang naghugas dahil mukhang magtatalo pa sila kung sino ang maghuhugas..

Nang natapos ako ay naratnan kong bihis na bihis si Emerald at si Candice.. Ganoon din ang mga lalaki..

"Saan kayo pupunta?" Takang tanong ko.. Wala kaming pasok ngayon dahil sabado..

"May battle sa battleground... Kailangan naming pumunta doon para magkapera kami." Sagot ni David at inayos ang sapatos niya..

"Hindi ka ba sasama?" Takang tanong saakin ni Alexis..

"Hindi.. Dito lang ako.. Maglilinis nalang siguro ako ng dorm." Nakangiting sagot ko..

"Sasamahan ko nalang din dito si Autumn." Sabad ni Danica.. Napansin kong nakapambahay lang siya..

"Okay.. Sige, aalis na kami." Paalam ni Candice at hinila na ang kapatid ko palabas ng dorm.. Lumabas na din ang mga lalaki kaya kami nalang ni Danica ang naiwan dito sa loob.

"Mag-umpisa na tayo?" Nakangiting tanong ni Danica.. Tumango lang ako sakaniya at hinubad ko na ang suot kong t-shirt..

"Witwiw." Sipol ni Danica ng makita niya ang katawan ko..

"Witwiw ka dyan! May bilbil nga iyan oh!" Natatawang sabi ko at tinuro ang bilbil ko.. Naka croptop lang ako..

Nag-umpisa na kaming maglinis ni Danica.. Inuna namin ang kusina dahil napansin kong maraming sapot sa dingding...

Nang matapos kami sa kusina ay isinunod namin ang salas.. Pinunasan nanin bawat makikita naming bagay..

Nag punas din kami ng sahig.. Grabe, ang kakapal ng alikabok.. Lalo na sa ilalim ng sofa..

Nang matapos kami sa salas ay pinunasan naman namin ang nga Vase..

Nangunot ang noo ko ng may makita akong nakataob na picture frame... Pagkuha ko nun ay nalaglag ang panga ko sa nakita kong picture..

K.I.A.H UNIVERSITY (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon