Chapter 3

9 1 0
                                    

Unedited
---

Chapter 3: The 3 gangs of K.I.A.H UNIVERSITY and the hidden Gang

Emerald's Pov

Kasama ko ngayon si Candice dahil pupunta kami ngayon sa cafeteria para kumain.. Hindi kasi namin gusto ang niluto nilang pagkain..

Nang makarating kami sa cafeteria ay pumila nalang kami dahil babalik rin agad kami sa dorm.. Ulam lang naman ang i-o-order namin..

"May bayad ba ang pagkain dito?" Tanong ko kay Candice..

"Yes." Mahinahong sagot niya..

"Paano 'yan? Wala akong dalang pera." Nakangusong sabi ko sakaniya na ikinatawa niya lang..

"Okay lang.. Ganyan din ako noong bago palang ako dito." Sagot niya..

"Paano ka nagkapera?" Takang tanong ko..

"Every Saturday, may games.. Makikipaglaban ka.. Hindi mo sila papatayin, kailangan mo lang silang maihulog sa ring.. First round, 500 php.. Second round, 1500 php... Third round, 3800 php.. And final round, 15,000 php with credit card ... Sa card mo ilalagay ang perang nakuha mo, may bank naman dito." Mahabang paliwanag niya at nag order na ng fried chicken..

Parehas na kami ng order, siya ang nagbayad ng order ko kasi wala naman akong pera..

"Yung final round, 15,000? Ang dali lang kung kailangan mo lang ihulog sa ring ang mg kalaban mo.. Ang laki naman ata ng premyo." Naglalakad na kami pabalik ng dorm dahil naibigay na saamin ang order namin..

"Ang final round ay kailangan mong mapatulog ang kalaban mo." Ani Candice..

"Matanong ko lang sayo... Kailan nagaganap ang patayan dito?" Mahinang tanong ko sakaniya..

"10:00 pm hanggang 4:00 am, lunes hanggang sabado lang iyon.. Kapag linggo naman ay kahit anong oras pwede kang pumatay." Sagot niya at binuksan na ang pintuan ng dorm namin..

Pumasok na kami sa loob at dumiretso na kami sa kusina... Inilapag namin sa harap nila ang inorder naming pagkain..

"Iyan din ang ulam natin kanina ah!" Nakabusangot na turo ni Danica sa fried chicken na binili namin..

"Sino ba nagsabing kakain ka niyan?" Pambabara ko kay Danica..

"Ang bad mo, hmppp!" Parang batang sagot niya at Nagpatuloy nalang sa pagkain..

Umupo na rin kami ni Candice sa tamang upuan namin at kumain.. May kanin na rin namang nakahanda kaya hindi na kami nag-abala pang kumuha sa kaldero..

Habang kumakain kami ay napapansin kong hindi mapakali si ate sa kina-uupuan niya..

"Ate, may problema ba?" Tanong ko sakaniya.. Napansin ko namang napalunok ito bago tumingin saakin..

"W-wala." Naiilang na sagot niya at muling kumain..

Natapos kaming kumain ng tahimik.. Kahit na gustong gusto ko talagang malaman kung bakit nagkakaganon si ate, nanahimik nalang ako..

Nandito kami ngayon sa salas, tatanungin daw nila kami kung paano kami dito napadpad.

"Pinatapon kasi kami dito ni mommy... Basta bigla nalang nila kaming pinatulog ng marinig namin ang pinag-uusapan nilang ipapatapon daw nila kami para sa pera... Tapos paggising namin, nasa gubat na kami." Mahabang paliwanag ko..

"Bakit nila kayo pinatapon?" Takang tanong ni David..

"Dahil sa pera.. Nalaman kasi nilang saamin ibibigay ni lola ang lahat ng mana, kaya pinatapon nila kami." Sagot ni ate..

K.I.A.H UNIVERSITY (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon