Unedited
----Chapter 6: Secret.
Autumn's Pov
Nagising ako bandang 3:00 ng madaling araw.. May naririnig akong kumakalampag sa bintana ko kaya kinakabahang tiningnan ko iyon..
Hindi ako tumayo sa kama ko dahil sa takot na baka kung sino ang nasa labas ng bintana.. Nandito lang ako sa kama ko habang nakatingin sa bintana...
Nanlaki ang mata ko ng bigla bumukas ang bintana at pumasok ang napakalamig na simoy ng hangin.
Mas lalo akong kinabahan ng may makita akong kamay na nakahawak sa bintana.. Parang hinihila nito ang katawan niya papataas sa loob ng kuwarto ko..
Wala sa sariling napatayo ako ng makita ko ang isang taong nakamaskara habang nakatingin saakin.. Kalahati palang ng katawan niya ang naitatatas niya..
Dahil sa sobrang kaba ko ay mabilis akong tumakbo palabas ng kuwarto ko...
"Oh no!" Hindi ko na alam kung saan ako tutungo dahil nakita kong nakatayo na ang lalaki sa pintuan ng kuwarto ko..
Tumakbo ako sa pinakadulo ng second floor at malakas na kinalampag ang pintuan ng kuwartong iyon.....
"W-wag kang lalapit." Naluluhang sabi ko ng unti-unti na siyang lumapit..
"Fuck! O-open the door.. Please." Ngayon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at napa-iyak na ako..
Pilit kong iniinda ang sakit ng mga palad ko dahil sa malakas na pagkalampag ko sa pinto..
"Ahhhhh!" Malakas na sigaw ko ng tumakbo na papalapit saakin ang lalaki habang nakatutok ang kutsilyo niya sa gawi ko..
Isang malakas na pwersa ang humila saakin kaya't hindi natuloy ang akmang pagsaksak saakin ng lalaki..
"Shit! Anong nangyari sayo?"
Napataas ako ng tingin ng marinig ko ang boses na iyon.. Muli ay napa-hagulgol ako.. Akala ko'y matutuluyan na ako kanina...
"D-Damien." Humahagulgol na tawag ko sa pangalan niya..
"Shhh. Don't cry." Pagpapatahan niya saakin at inalalayan akong maka-upo sa kama niya..
"Stay here." Aniya.. Hindi na ako nagtanong pa dahil hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako sa takot..
Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik na si Damien.. Lumuhod ito sa harap ko at hinawakan ang kamay ko..
"Nakita mo ba kung sino--"
"Hindi ko na siya nakita.. Wala na akong naabutan sa labas." Mahinahong sabi niya at bumuntong hininga..
"N-Naka mask siyang yellow at may t-tattoo s-siya sa leeg." Nanginginig na sabi ko sakaniya...
"May tattoo sa leeg?" Nakakunot noong bulalas niya.. "May nakita ka bang necklace na Flower?"
"Meron." Sagot ko..
"Maliit or malaki?"
"Malaki." Pagkasabi ko nun ay bigla nalang siyang napatayo at nagpaikot-ikot sa harap ko..
"Fuck!" Mura niya at muling humarap saakin.. "Dito ka nalang matulog sa kuwarto ko.. Doon nalang ako matutulog sa kuwarto mo."
Akmang aalis na siya ng pigilan ko siya..
"N-Natatakot ako." Naluluhang sabi ko sakaniya..
"Kailangan mong masanay Eve... Dahil hindi sa lahat ng oras, nandito kami sa tabi mo." Pangaral niya saakin.. Napabuntong hininga ako at tumango nalang...

BINABASA MO ANG
K.I.A.H UNIVERSITY (On-going)
ActionPaano kung dalhin ka ng paa mo sa isang masikip at madilim na gubat dahil sa curiosity? Paano kung mapadpad ka sa isang hindi kilalang paaralan? Paano kung mapadpad ka sa isang paaralan na ngayon mo lang nakita at nalaman? Paano kung hindi ka na ma...