Unedited
---Chapter 11: Diet
Ilang araw na rin ang nakakalipas simula ng mangyari ang ginawa kong pagsipa sa batok ng dalawang iyon.. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin binibigay ang cellphone ni Damien sakaniya...
"Damien." Tawag pansin ko sakaniya... Kunot ang noong binalingan niya ako..
"Bakit?" Tanong niya..
"Tulungan mo naman ako oh." Nakangusong sabi ko sakaniya...
Kami lang kasi ang nandito sa dorm dahil wala ang mga kasama namin... Nandoon sila sa underground dahil wala na daw silang pera.. Sabado kasi ngayon kaya naboboring ako..
"Tulongan saan?" Takang tanong niya at itiniklop ang librong binabasa niya..
"Mag diet." Nahihiyang sabi ko..
"Mapayat ka naman ah." Natatawang sabi niya at muling binuksan ang libro..
"Ang taba ko daw eh... At saka feeling ko hindi na ako papayat." Nakangusong aniko... Ang dami na kasing nagsasabi na ang taba ko daw...
"Hindi ka mataba." Seryusong sabi niya..
"Wag nalang nga.. Wala na rin naman akong pag-asa.. Hindi na ako papayat." Aniko't akmang aalis na ng hawakan niya ang braso ko..
"Fine."
"Wag na... Wala na akong pag-asa." Nakangiting sabi ko..
"Meron." Seryusong sabi niya... "Tuwing sabado at linggo tayo mag-w-work out."
"Hindi na nga ako papayat." Inis na sabi ko sakaniya...
"Papayat ka nga." Pinanlakihan niya ako ng mata at mas hinigpitan ang pagkakakapit sa braso ko..
"Hindi." Giit ko..
"Oo!"
"Hindi!"
"Oo!"
"Hindi!"
"Then let's make a bet." Seryusong turan niya..
"A-ano namang bet?" Kinakabahang tanong ko.. Ewan ko ba, bigla nalang akong kinabahan ng ganito katindi..
"Kapag pumayat ka, akin ka na.. Kapag hindi, sayo nalang ang cellphone ko." Nakangising sabi niya..
"Game!" Nakangising sagot ko.. Kala niya ha! Kakain ako ng maraming karne para hindi ako pumayat... Para maging akin na rin ang cellphone niya..
"Sige.. Ngayon na tayo magsimula." Aniya't hinila na ako palabas mg dorm..
---
Hindi ko alam kung saan kami dumaan.. Basta ang alam ko lang ay nandito kami sa bahay niya... Pinayagan kami ng principal na lumabas ng University..Nag wish kasi si Damien na lalabas kami ng University.. Kaya dalawa nalang ang wish niya... Ako naman ay nag wish ako na tuwing sabado at linggo kaming lalabas... Kaya ngayon ay isa nalang ang wish ko.
Tumuloy kami sa mini gym niya.. Napanganga ako ng makita ko kung gaano kalaki ang sinasabi niyang MINI GYM!
Pinabihis niya ako ng sports bra at black short-shorts.. Namula ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin..
"May bilbil ka talaga self!" Kausap ko sa sarili ko.. Hindi naman kalakihan ang bilbil ko.. Parang katulad lang ni Anne Curtis ang katawan ko..
Nang lumabas ako ng cr ay nakita kong namula si Damien ng makita niya ang katawan ko...
"Let's start." aniya..
Nagsimula na kaming mag stretching, work out, zomba dance at marami pang iba... Ako lang naman ang sumayaw dahil ayaw niyang sumayaw..
BINABASA MO ANG
K.I.A.H UNIVERSITY (On-going)
ActionPaano kung dalhin ka ng paa mo sa isang masikip at madilim na gubat dahil sa curiosity? Paano kung mapadpad ka sa isang hindi kilalang paaralan? Paano kung mapadpad ka sa isang paaralan na ngayon mo lang nakita at nalaman? Paano kung hindi ka na ma...