Unedited
---Chapter 5: President
Lunes na ulit ngayon at hindi ako pumasok sa unang subject namin.. Bigla akong tinamad.. Sumakit din ang puson ko..
Hindi na ako pinilit ng mga kasama ko dahil nauunawaan daw nila ako...
Nang malapit ng mag 9:00 ay pumasok na ako sa banyo para maligo.. Papasok ako sa second subject namin.. Ayaw kong bumagsak..
Nang matapos ako ay agad ko ng sinuot ang uniform ko at ang sapatos ko...
Nanlaki ang mata ko ng makitang late na ako.. Paniguradong nag-uumpisa na ang second subject..
Mabilis lang ang ginawa kong pag-ayos sa buhok ko.. Inilugay ko lang ang buhok ko at mabilis na lumabas ng kuwarto..
Inilock ko muna ang dorm bago ako tuluyang tumakbo ng mabilis patungong Math room..
Malayo ang Math room kesa sa English room kaya sigurado akong malapit ng matapos ang math bago ako makakarating doon..
Sa sobrang kakamadali ko ay may nakanbangga akong tao.. Tiningala ko ito at ganon nalang ang panlalaki ng mata ko ng makita ko siya..
"Babe?" Takang tawag ko sakaniya.. Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito?
"Autumn? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong niya saakin..
"Bigla nalang akong napadpad dito eh.. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Balik tanong ko sa boyfriend kong si Handrew Balker..
"I am the president here." Malamig na sagot niya..
"Paanong nangyari--"
"Shut up! Give me your hand." Malamig na utos niya saakin.. Kahit nag-aalinlangan ako ay ibinigay ko sakaniya ang kamay ko..
"Ahhh!" Sigaw ko sa sakit ng i-blade niya ang palad ko.. Ang lalim ng pagkakasugat ng kamay ko at wala ring tigil ang pag-agos ng dugo..
"That's the second warning." Malamig na sabi niya at akmang aalis na ng pigilan ko siya...
"Pero babe! Nalate lang naman ako ah! Bakit 2nd warning agad--ahhhh!" Napasigaw na naman ako sasakit ng bigla niyang hablutin ang kaliwa kong kamay.. Sinugatan niya rin ang kaliwa kong kamay, katulad ng sa kanan.
"That's the last warning!" Mariing giit niya at akmang aalis na naman siya ng tawagin ko siya sa pangalan niya.
"Handrew! Bakit--"
"Gusto mo ba talagang madagdagan ang sugat mo?! Don't fucking call me babe or Handrew! Wala tayo sa labas ng University! Pwede akong matanggal sa pwesto ko kapag may nakarinig sayo.." Malakas na sigaw niya at umalis na sa harap ko..
Wala sa sariling napa-upo ako sa damuhan at humagulgol.. First time niya lang saakin nagawa iyon.. Unang beses niya lang akong nasigawan.. Ngayon niya lang ako sinaktan ng ganito..
"What a wonderful wound." Humihikbing bulalas ko habang nakatingin sa kamay kong may sugat..
"Fuck! Your hands are bleeding!"
Napatingin ako sa sumigaw.. It's Alexis.. Mabilis siyang lumuhod at pinunasan ang luha ko..
"Who did this to you?" Malamig na tanong niya saakin..
"Si President." Pabulong na sagot ko... Nakita kong gumalaw ang panga niya..
"Dadalhin kita sa clinic." Walang emosyong sabi niya at binuhat ako ng pa-bridal style..
Hindi na ako nagreklamo ng buhatin niya ako.. Bigla akong nanghina.. Bigla akong inantok..
Bago pa man kami makarating sa Clinic ay bigla nalang dumilim ang paningin ko..

BINABASA MO ANG
K.I.A.H UNIVERSITY (On-going)
ActionPaano kung dalhin ka ng paa mo sa isang masikip at madilim na gubat dahil sa curiosity? Paano kung mapadpad ka sa isang hindi kilalang paaralan? Paano kung mapadpad ka sa isang paaralan na ngayon mo lang nakita at nalaman? Paano kung hindi ka na ma...