Chapter 9

7 1 0
                                    

Unedited
---

Chapter 9: K.I.A.H UNIVERSITY

Nang makapasok na ako sa kuwarto ko ay inilapag ko muna sa kama ko ang libro.. Pumasok ako sa cr at nagsimulang maglinis ng katawan..

Nang matapos ako ay nagbihis na ako ng sando at maiksing short.. Hindi na ako nag bra dahil gabi na rin naman..

Nang matapos na ako sa lahat-lahat ay muli akong bumalik sa kama at kinuha ang libro..

"K.I.A.H UNIVERSITY, Written by Autumn Villareal." Basa ko sa title at sa author... Siya rin pala ang nagsulat ng librong ito..

Binuksan ko ang libro at binasa ang mga nakasulat sa librong hawak ko..

K.I.A.H UNIVERSITY is well know as 'Killing Is Allowed Here'... Pwedeng pumatay lahat ng estudyante, guro at punong guro... Kahit anong gawin mong pagmamaka-awa ay papatayin ka pa rin nila..

The 'K' from KIAH is for 'Killing'... Bukod sa killing ay may pinakamalalim pang kahulugan ang 'K' na iyon... Bawat letra'y maraming kahulugan...

The 'I' from KIAH is for 'IS'.. Hindi lang 'is' ang ibig-sabihin nun... Isa ito sa mga importante sa paaralang ito..

The 'A' from KIAH is for 'Allowed'... Pwede mong gawin ang lahat ng gusto mong gawin sa paaralang ito.. You are allowed to kill and summon..

And lastly, The 'H' for KIAH is for 'Here.'.. Ang ibang bagay na meron sa labas ng paaralan ay meron din dito sa loob...

This University is not really a University... Isa itong underground ng mga Assassins dati... Magmula ng mamatay ang supremo ng mga Assassin ay wala ng nagbalak pang bumalik sa underground na ito..

Pero kalaunan ay may apat na taong bumalik para muling buhayin ang underground... Binago nila ang lahat... Ginawa nila itong kulungan ng masasamang tao...

Ginawa nila ang K.I.AH JAIL na ito 30 years na ang nakakalipas kung isasama ang taon ngayon... Ngunit sa di inaasahan ay may nagtaksil sa mga tauhan nila..

"I wonder why they built this School?" Mahinang bulalas ko at nilipat ang next page...

"The top ten." Basa ko sa panibagong title..

The top ten.. Sila-sila ang pwedeng pumataw ng parusa kahit hindi sila officers... Kapag nakapasok ka sa top 10 ay pwede kang lumabas sa paaralang ito, NGUNIT kailangan mo pa ring bumalik... Hindi ka pa tunay na malaya kahit makalabas or makatakas ka sa paaralang ito... May magbabantay sayo kapag lalabas ka ng University...

"You may go, but you will comeback." Iyon ang motto nila dito...

Kung gusto mo na talagang makalaya ay kailangan mong talunin ang Headmaster.. You have to kill him.. Isang maduguang bakbakan ang mangyayari kapag napatay mo ang Headmaster..

"Hindi kaya, kasama si Handrew sa top 10 kaya nagagawa niyang lumabas at pumasok ng University?" Tanong ko sa sarili ko at muling inilipat ang page..

"The four powerful Assassin.. Ang apat na ito ang bumuo sa K.I.A.H JAIL... Ginawa nila ito para dito nila patayin at pahirapan ang mga masasamang tao... Pero sa di nila inaasahan ay nilinlang sila ni Jake; isa sa mga pinagkakatiwalaan nilang tauhan... Pinatay ni Jake ang pinuno nilang babae... Nagalit ang tatlo kay Jake, pero mga wala itong nagawa dahil hawak ni Jake ang pamilya ng tatlo.. Naging sunod-sunoran ang tatlo kay Jake... Ang mga pangalan ng tunay na bumuo ng University na ito ay sina-- Putol na naman?!" Inis na sinarado ko ang libro ng wala na akong mabasa doon..

Lagi nalang putol! Sindaya ba talaga iyon? O talagang hindi niya naituloy?

Napabuntong hininga ako at muling kinapa ang libro... And I found a letter..

"Find the meaning of this symbol 가을의 방.. And get the key that you found at the cover of the first book." Basa ko sa nakasulat sa letter...

Paano ko malalaman ang ibig-sabihin nun? May marunong ba ditong mag korean? Kung meron man, sino?

Napabuntong hininga ako at tumayo.. Pumunta ako ng walk-in-closet ko at dumiretso sa aparador.. Inilagay ko ang libro sa loob ng aparador..

Lumabas na ako ng closet ko at agad na ibinagsak ang katawan ko sa kama... Napaka boring dito kapag gabi! Hindi ako sanay ng hindi humahawak ng cellphone kapag gabi..

Ipinikit ko nalang ang mata ko at hinayaang kainin ako ng antok...

------
Diana's Pov

"Diana, kailangan mong magpanggap na ikaw si Alexus." Seryusong sabi ni Headmaster at inabot saakin ang maskarang katulad na katulad ng kay Alexus..

"Bakit?" Takang tanong ko...

"Para katakutan ka ng lahat.. At para mas mapabilis ang paghanap natin sa kwintas."

"Kinakatakutan naman ako ng lahat ah?" Nakataas ang kilay na turan ko..

Dapat nga'y ako ang mas katakutan nila kesa sa walang kwentang Alexus na iyon! She's just a slut who seduce Henry! Sana'y matagal na kaming kasal ni Henry kung hindi lang niya nilandi si Henry!

Pero ngayon ay wala na akong gusto kay Henry dahil balita sa buong University na nasunog raw ang mukha nito, kaya ayaw ko na sakaniya... I found a man who is more handsome and better than him..

"Ayaw kong magpanggap na si Alexus! Ayaw ko sa babaeng iyon dahil isa siyang malanding nilalang!" Mariing giit ko kay Headmaster at akmang lalabas na ng office niya ng mapatigil ako dahil sa sinabi niya..

"I will kill him, if you--"

"Fine!" Inis na pagpayag ko at walang pasabing umalis ng office niya.

I really hate you, Alexus! Nang dahil sayo ay kailangan kong magpanggap na ikaw... Kung hindi lang nakasalalay ang buhay dito ng boyfriend ko ay hindi talaga ako magpapanggap na ikaw.

K.I.A.H UNIVERSITY (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon