Unedited
----Chapter 7: lipstick.
Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari kagabi.. Buti nalang ay dumating ang dalawang lalaking misteryuso... Kung hindi sila dumating ay paniguradong naliligo na ako sa sarili kong dugo.
Bumangon na ako sa pagkakahiga ko at dumiretso na sa banyo... Papasok ako ngayon dahil malapit na ang exam namin..
Nang matapos akong maligo ay nagbihis na ako ng uniform ko.. Inilugay ko lang ang buhok ko at naglagay ng kaunting lipgloss..
Lumabas na ako ng kuwarto ko habang dala-dala ang bag ko... Inilagay ko muna sa sala ang bag ko bago ako pumunta ng dining area..
"Maupo ka na Autumn kakain na tay-- What the?! Bakit ka naka-uniform?!" Malakas na sigaw ni Candice kaya agad na tumingin saakin sina Danica..
"Gusto kong pumasok ngayon... Malapit na ang exam at kailangan kong humabol sa mga lesson na nalagpasan ko para maka-pass ako." Agad na paliwanag ko ng samaan nila ako ng tingin..
"Fine." Sabay-sabay nilang sagot at kumuha na ng kanin nila..
Lumapit ako sa lamesa at kinuha ang nakahanda kong plato doon.. Nilagyan ko iyon ng kanin at ulam... Umupo na ako sa upuan ko at nagsimula ng kumain..
Ilang minuto lang ang itinagal namin Ay agad rin kaming natapos... Mamaya na lang daw huhugasan ni Danica ang pinagkainan namin..
Kinuha na namin ang bag namin at lumabas na ng dorm.. Hindi naman siguro ako nito mahihirapan dahil kasama ko naman sila sa mga subject ko..
Nang makarating kami sa english room ay agad na kaming dumiretso sa dulo, kung saan kami umupo noon..
Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ang English teacher namin.. Focus lang ako sa mga itinuturo ng teacher namin dahil kailangan kong humabol..
Nasa kalagitnaan kami ng lesson ng may biglang pumasok sa room namin...
"President? What are you doing here?" Takang taning ng teacher namin kay Handrew..
"I just want to talk to Autumn." Malamig na sabi niya.. Natigilan ako dahil sa sinabi niya...
May kailangan ba siya saakin? Kung meron ano iyon? Hindi kaya, hinahanap niya 'yung lipstick niya?
"Ms. Autumn, the president want--"
"Yes sir." Bored na sagot ko at tumayo na.. Lumapit ako kay Handrew at hinintay siyang magsalita..
"Sa labas tayo mag-uusap." Malamig na turan niya at hinila na ako palabas ng room..
"Anong gusto mong sabihin, President?" Seryusong tanong ko kay Handrew..
"Nasaan ang lipstick?" Diretsong tanong niya saakin..
"Anong lipstick?" Maang-maangan ko.. Gusto kong malaman kung kanino ang lipstick na iyon..
"Yung lipstick ko! Wala ka bang nakita--"
"Bakla ka?" Gulat na tanong ko.. Sinasabi ko na nga bang bakla itong boyfriend ko!
"I'm not! I-ibibigay ko kasi iyon kay--"
"Kanino?" Kunot noong tanong ko sakaniya..
"Basta! Sabihin mo nalang kung nasaan ang lipstick!" Mariing bulong niya saakin..
"Hindi ko alam ang sinasabi mo! Wala akong nakitang lipstick!" Inis na sabi ko sakaniya... Ganon na ba talaga kaimportante sakaniya 'yung lipstick?!
"Fine! Bumalik ka na sa room niyo." Inis na sabi niya at iniwan na ako..
Nakangising bumalik ako ng room at dumiretso sa upuan ko... Walang nagtanong saakin dahil lahat sila ay seryusong nakikinig sa teacher namin...
Nang matapos ang English at iba pa naming subject ay pumunta na kami ng cafeteria para kumain... Kanina pa kumukulo ang tiyan ko..
"Ay ang taba!" Natatawang sigaw ng babaeng lumapit sa table namin..
"Sino?" Kunwaring tanong ng mga kasama niya.. Alam ko namang ako ang pinaparinggan nila...
"Siya." Natatawang turo saakin ni Ashley.. Tinarayan ko lang siya at Muling kumain..
"Yucks! Gulay na nga lang kinakain mo, tumataba ka pa rin?" Nandidiring sabi ni Ashley..
Inubos ko muna ang pagkain ko at uminom ng tubig, bago ko hinarap ang pangit na si Ashley..
"Hoy!" Malakas na tawag ko kay Ashley.
"What taba?" Pang-aasar niya saakin kaya naikuyom ko ang kamao ko..
"Huwag kang mangialam kung mataba ako. Noong nakita ko bang panget ka, nagsalita ako?" Malamig na taning ko kay Ashley.
"What the? HAHAHA." Natatawang sabi ni Emerald... Pati ang iba kong kasama ay tumatawa na rin.. Ang iba naman dito sa cafeteria ay tumatawa rin..
"Excuse me?!" Pikong sigaw niya..
"Wait, gigilid lang ako." Nakangising sabi ko at tumayo. "Daan ka na." Sarkastikong aniko..
"You-- Arghhhh!" Inis na sigaw niya at naglakad na paalis...
"Galing." Natatawang sabi ni Candice at pumalakpak..
"Ako pa." Nakangiting turan ko at muling bumalik sa pagkaka-upo...
"Autumn, saan ka nga pala galing kahapon?" Takang tanong ni Danica.... Napa-iwas ako ng tingin at lumunok ng laway bago sumagot..
"S-sa--"
"Sa dorm namin." Singit ng kung sino.. Sabay-sabay kaming napatingin sa maputing babae..
"Sino ka?" Takang tanong ni Emerald..
"Oh cousin, nakalimutan mo agad ako?" Nakangusong saad ng babaeng pamilyar ang boses.
"Paano kita makikilala? Eh may maskara ka?" Inis na sabi ni Emerald..
"Oo nga pala." Natatawang aniya't hinubad na ang maskara..
"Amulet?" Nakangiting sambit ni Emerald sa pangalan ng pinsan namin..
"Your one and only beautiful cousin--Aray!" Daing niya ng may biglang tumampuyong sakaniya..
"Kapal talaga ng mukha mo ate! Hindi ka na nahiya sa mga kasama ng pinsan natin." Singhal ni Devine sa ate niya...
"Edi wow!" Pananaray ni Amulet kay Devine... "Hi Alexis." Baling niti kay Alexis...
"Hello." Nakangiting bati ni Alexis kay Amulet..
"Magkakilala kayo?" Takang tanong ni Candice..
"Of course, we're co--"
"Co-member namin siya at si Devine." Putol ni Alexis kay Amulet at sinamaan ito ng tingin..
"Hehe, oo.. Tama yung sinabi niya.." Kamot ulong sabi ni Amulet..
"Btw, kailangan na naming umalis eh.. See you next time.. Tara na ate." Paalam ni Devine at hinila na si Amulet...
------
Someone's Pov."What?! He lost that thing?!" Malakas na sigaw ni Headmaster..
"We're sorry Headmaster... Hindi namin alam--"
"You lost 3 important necklace, and now you two lost the last important thing we have?!" Galit na talagang sigaw niya..
"Headmaster, ipapangako ko po sainyo na makikita po namin--"
"Get lost Diana!"
Wala na akong nagawa pa kaya umalis na ako sa loob ng office ni Headmaster at tinungo nalang ang hideout namin ng boyfriend ko..
Sisiguraduhin kong magdudusa ang kung sino mang kumuha ng apat na importanteng bagay na iyon saamin..

BINABASA MO ANG
K.I.A.H UNIVERSITY (On-going)
AçãoPaano kung dalhin ka ng paa mo sa isang masikip at madilim na gubat dahil sa curiosity? Paano kung mapadpad ka sa isang hindi kilalang paaralan? Paano kung mapadpad ka sa isang paaralan na ngayon mo lang nakita at nalaman? Paano kung hindi ka na ma...