Unedited
---Chapter 2: Dead
Kakatapos lang ng lesson namin sa englis at math.. Break time na namin ngayon at sama-sama pa rin kaming apat na babae..
Ang apat na lalaki naman ay hindi namin kasama dahil history ang pangalawa nilang subject.
Pumunta na kami ng cafeteria at humanap ng table... Nang makahanp kami ay umupo na kami sa upuan..
Akmang tatayo ako para umorder ng pigilan aki ni Candice..
"Nasa special dorm tayo, kaya pagsisilbihan nila tayo." Ani Candice..
Muli akong umupo at hinayaan siyang tawagin ang isang may edad na babae..
"Four order of fried chicken, adobo, rice, pork steak and juice." Nakangiting order ni Candice..
Akmang aalis na ang matandang babae ng pigilan ko siya..
"Pakisamahan na rin po ng gulay." Nakangiting sabi ko.. Tumango lang siya saakin at lumakad na paalis.
"Para saan ang gulay na inorder mo?" Takang tanong ni Candice..
"Diet ako ngayon--"
"Ano?! Diet ka pa niyan?! Ang payat payat mo na nga eh." Gulat na sigaw ni Danica..
"Ang taba ko kaya--"
"So?" Pambabara saakin ni Candice..
"Mag Dadiet ako--"
"So?" Pamumutol niya saakin..
Wala na akong nagawa kaya pumayag nalang ako. "Fine."
Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na ang order namin.. Hindi nila saakin binigay ang gulay dahil sila mismo ang kumain nun.
Habang kumakain kami ay bigla namang dumating ang apat na lalaki.. Halos maibuga ko ang kinakain ko ng makita ang mga mukha nila.
"What happened to--"
"Shut up!" Inis na pamumutol ni Phoenix kay Candice..
"Ano ba kasing nangyari sa mukha niyo?" Natatawang tanong ni Danica.
"It's because of Ashley and her bitch!" Galit na sagot ni Damien..
"Her again?" Malamig na tanong ni Candice..
Sabay sabay na tumango ang apat na lalaki at umupo sa apat na bakanteng upuan..
Nag-order na rin sila ng pagkain nila kaya nanahimik nalang kami..
"Bakit may gulay?" Nakangiwing tanong ni David..
"Shut up!" Pananaray ko kay David.. Nakakainis naman kasi! Bakit pinandidirian niya ang gulay? Ang sarap-sarap kaya ng gulay!
"Easy." Natatawang sabi niya at inilayo ang gulay..
Napatingin ako sa katabi kong si Danica ng kalabitin ako nito at tinitigan sa mata.. Na gets ko naman ang ipinapahayag niya kaya napangisi ako.
"David, May dare ako sayo." Nakangiting sabi ko kay David..
"Game! Ano ba 'yan?" Matapang na sagot niya..
"I dare you to kiss that girl." Turo ko sa babaeng papalapit saamin.. "Kapag hindi mo nagawa, kakainin niyong apat ang gulay na' to."
"What?!" Sabay-sabay nilang sigaw..
"Damay-damay na 'to." Natatawang sabi ni Candice..
"Bro! You know what to do." Kinakabahang sabi ni Alexis..
BINABASA MO ANG
K.I.A.H UNIVERSITY (On-going)
AksiyonPaano kung dalhin ka ng paa mo sa isang masikip at madilim na gubat dahil sa curiosity? Paano kung mapadpad ka sa isang hindi kilalang paaralan? Paano kung mapadpad ka sa isang paaralan na ngayon mo lang nakita at nalaman? Paano kung hindi ka na ma...