03

75 17 0
                                    

Lumipas ang magdamag at nakatulog na ako lahat-lahat matapos kong kumain kagabi pero hanggang ngayon wala pa ring text galing sa kan'ya.

Shetengene mong unggoy ka! H'wag ka nang magpaparamdam! Hinayupak na kaibigan ni Tarzan! 

Baka busy siya kakakain ng saging niya. Ano masarap ba? Masarap ba? Mabulunan ka sanang unggoy ka!

Nagsimula na akong magligpit ng pinaghigaan at agad na pumunta ng banyo. Wala ako sa mood maligo kaya naghilamos na lang ako at bumalik ng k'warto upang magbihis ng uniform.

Lumabas na rin ako ng k'warto at nag agahan. Wala kaming pansinan ni nanay at laking pasalamat ko na lang dahil nagka-day off din siya kabubunganga. Baka masakit ang lalamunan niya kaya gano'n.

Nasa school na ako at medyo late na rin ako pumasok. Naabutan ko na ang bruhang Rain na nakaupo sa pwesto niya habang kumakaway sa akin. Agad naman akong umupo dahil kasunod ko lang dumating si Ma'am Solomon.

"Oy, what happened to your kilay?" tanong ng bruha sa tabi ko.

"Meron sa kilay ko?"

"Ba't isa na lang?" tanong niya ulit na ikinagulat ko naman. Shetengene! Baka naahit ng hindi ko alam!

Kapag wala pa naman akong magawa or kapag nag-eemote ako ginugupit ko ang buhok ko at naglalagay ng bangs. Minsan naman inaahitan ko o kaya naman bubunutan ko ng buhok ang kilay ko. Minsan din pati sa kili-kili ko. Wala share ko lang!

Hinanap ko kaagad ang salamin ko sa bag ko pero hindi ko pa rin ito makita. Kaya tinignan ko naman sa lumang pouch na brown na pamana pa ni lola sa akin. 

Kinalkal ko ang laman pero hindi ko makapa. Puro mga ballpen na walang tinta lang na napupulot ko kapag isa ako sa mga cleaners, at ang nag-iisang lips stick na kulay pula na bigay sa akin ni lola noong bata pa ako at mabantot na rin 'yong amoy.

Nang ibuhos ko na palabas ang laman ng pouch doon ko pa lang ito nakita. Shetengene kang salamin ka! Nakuha na nga lang kita sa lumang side mirror ng motor sa bakanteng lote, mawawala ka pa! 

"Kapag hinahanap kita magpakita ka, h'wag kang bobo!" Pinanggigilan ko pa ang sirang salamin bago itinapat sa bandang kilay ko.

"BWAHAHAHAHAHAHA!" Para pa siyang hindi makahinga sa katatawa. Lintek na hipong 'to. Problema niya?!

"Shetengene kang bruha ka! Dalawa naman, ah!" reklamo ko ngunit hindi pa rin siya matigil sa katatawa.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin at inirapan. Nakakatawa iyon? Hmp!

"Ayan na naman, isa na lang ulit," nakatawa niya pa ring sabi. Ah, gets ko na. Ikaw 'di mo gets? Bobo ka, e.

"Epal!" Inirapan ko siya.

"Aga-aga kasi busangot mukha mo. Kanina ka pa pagpasok, ah." Basta maganda ako iyon na 'yon! "What's your problem ba?" Nakatawa pa rin siya.

"Wala," tipid na sagot ko. Kabobo naman kasi kausap!

"Hindi ka siguro naligo, ano? Kaya in bad temper ka," asar pa niya. Syempre hindi. Wala nga ako sa mood kanina.

"Wala kang pake. At least kakaligo ko lang kahapon." 

Humagalpak ang bruha. Siya nga kahit naliligo araw-araw sa dagat mukha pa ring dugyutin. Itong hipon na 'to! Isumbong ko siya sa mga magulang niyang hito, e.

Hindi ko na lang siya pinansin at inirapan na lang. "Init ng ulo!"

Nakinig na ako kay ma'am sa pagtuturo kahit alam kong wala namang papasok sa magandang utak ko. Napapalatak na lang ako sa anak ng mga hito dito sa tabi ko dahil sa pangangalabit niya. Nang magsawa siya, itinuon na lang niya ang pansin sa nile-lesson sa harapan.

Mr. Unknown NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon