Ilang segundo kong pinakatitigan ang sulat. Iniisip kung paanong si Lucas ang nag-abot nito sa akin. Madalas naman kasing kung kani-kanino ko lang natatanggap ang mga pinapabigay ni Unggoy noon.
Habang patuloy ako sa paglalakad, makailang ulit kong pinukpok ang ulo dahil hindi ko makuha ang sagot kung bakit kay Lucas ko natanggap ito.
Binasa ko ulit ang nakasulat. Sinisigurado ko lang na galing nga ito sa kaibigan ni Tarzan.
"Kay Unggoy nga galing 'to," bulong ko. "Ibig-sabihin..."
Napahinto ako saglit sa paglalakad nang mapagtato ang isang bagay.
"Ibig-sabihin lang kilala niya si Lucas, o kaya naman ay kilala siya ni Lucas... Pero pwede ring magkakakilala silang dalawa."
Napakamot tuloy ako sa inis at nagpapadyak. Hindi ko kasi sigurado kung tama ba ako sa kutob ko.
Nang mapansin kong pinagtitinginan ako ng ibang estudyanteng pabebe at chismosa, napaayos ako ng tayo at agad na dumiretso sa room namin. Pinag-iirapan ko pa sila bago lagpasan. May pabulong-bulong pa kasi, naririnig ko naman. Mga bobo rin.
Naupo na ko sa pwesto ko, dumungaw na lang sa bintana at seryosong pinag-iisipan kung sino nga ba ang dakilang unggoy na textmate ko. Kaso nabadtrip lang ako dahil natandaan kong hindi nga pala gumagana utak ko sa klase kaya mamaya sa bahay ko na lang iisipin.
"What's that?"
Dumating na pala ang bruhang hipon. May inabot siyang xerox copy ng lecture sa PE. Kinuha ko naman at sinalpak na lang sa loob ng bag, hindi na inintindi kung malulukot ba dahil wala namang pakinabang iyon kapag may katabi kang matalino at mapagbigay.
"Sulat," tipid kong tugon.
"From who?" Naupo siya nang biglang maintriga.
Inabot ko sa kaniya ang hawak at agad naman niyang binasa. "Sa katext ko galing."
"Unggoy?" Humagalpak siya. "Let me guess, mukha siyang unggoy, 'no?"
Hinampas ko siya at binawi ang sulat mula sa kamay niya. "Kaibigan kasi siya ni Tarzan." Kumunot ang noo niya.
"Gorilla kaya ang kaibigan ni Tarzan," saad niya pa at nagpangalumbaba. Hindi rin nawala ang nakakaasar na pagtawa niya at nagmukhang bobong hipon.
"Bakit ba nagingialam ka! Humanap ka rin ng isa pang kaibigan ni Tarzan tapos pangalanan mong gano'n." Inirapan ko siya at humalukipkip sa inis.
Bumungisngis lang siya sa reaksyon ko. Napakaepal naman kasi lagi. Gusto kong Unggoy ang tawag, e. Nagingielam!
"So he just admitted na unggoy nga talaga siya dahil d'yan sa sulat." Tuloy pa rin siya sa pagtawa. "How would you react kaya if mukha ngang literal na unggoy 'yang katext mo in person?"
Hinarap ko siya at pinaningkitan ng mata. "Sana naisip mo rin 'yan bago mo pinamigay sa mga nagtetext sa akin number mo, ano?"
Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Salbahe ng bibig mo, ano?"
"Oo nga, e," pagsang-ayon ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Unknown Number
Teen FictionBabaeng namuro kabobohan Navandal ang number sa CR ng kalalakihan Ngunit sa hindi inaasahan Makikilala niya ang kaibigan ni Tarzan ~•~ Enjoy Reading! (◠‿◕)