Nakauwi na ako ng bahay. Nagsisimula na naman ang giyera. Kailangan kong makatakas kaya agad akong nagtago sa aking k'warto.
Balik na ulit kami sa dati ni nanay. Nasa mood na ulit siya kabubunganga. Anong oras na daw kasi bakit ngayon lang ako umuwi.
Mga alas-10 na kasi nang makauwi ako. Layo kaya ng nilakad ko, 'no! Halos limang oras pala ako naglalakad pauwi kanina.
May mga bastos pa sa daan na namamaswit. Tapos may mga naging tropa rin ako doon bago umuwi. Habang naglalakad kasi ako biglang may tumawag.
"Hi, miss." Tinungga niya isang basong puno ng alak at kumindat-kindat pa.
Kung makikita niyo lang kung gaano kadugyot mukha nito, jusko! Mga wala pang suot na pang-itaas at nag-iinuman pa sila sa mismong gilid ng kalsada. Mga tambay talaga, batugan na nga puro paglalasing pa lagi ang inaatupag!
"Ay, snob si ate," pagtukoy niya sa akin kaya lumingon ako. Nagsalubong ang magagandang kilay ko.
"Problema mo, kuyang dugyutin? Wala ka na bang ibang makitang pangit kaya magandang kagaya ko naman?"
Bahagya siyang tumawa. "Magaganda lang naman kasi tinitignan ng mga mata ko, ate," sagot naman niya.
Aba, nahiya naman ako sa kaniya! Wala sigurong salamin sa kanila kaya hindi niya nakikita mukha niya.
"Ah, sa bagay." Napatango-tango ako. "Kawawa ka naman pala, ngayong ka lang siguro nakakita ng maganda." Hinawi ko ang buhok ko papuntang likod ng aking tainga.
"Tagay ka muna bago ka umalis, ate." Inalok niya ako ng isang baso. Kaya lumapit naman agad ako.
"Ay, sorry, hindi ako umiinom ng red horse, e. Tanduay lang." Binalik ko ang basong binigay niya.
"Ganun ba, ate? Sige, sa susunod Tanduay na bibilhin namin."
"Iyon, oh! Basta bibigyan niyo ko, ah?"
"Oo naman, ateng maganda, basta makikitagay ka."
"Syempre ako pa ba mag-iinarte?" Tinuri ko ang sarili. "Maganda lang ako at hindi maarte, masipag din. Tandaan niyo 'yon," pangangaral ko sabay turo ng hintuturo ko sa kanila.
"Yes ma'am!" sagot naman nilang lahat.
"Good! Isa pa pala." May nalimutan pala akong sabihin. "H'wag na kayong mag-iinom na hindi ako kasama. Dapat isasama niyo ako lagi. Basta tawagin niyo lang ako sa bahay namin. Understood?" panggagaya ko sa mga teacher ko. Lagi naman kasi nilang sinasabi 'yon pagkatapos magklase.
"Yes, boss!" Sumaludo sila na parang alam nila kung saan ako nakatira. Mga lasing na nga.
"Babye na, mga kuyang dugyutin,
Baka may giyera na sa bahay namin, e," paalam ko sa kanila.
"Bye, boss na maganda." Kumaway pa sila.
Oh, 'di ba, may tropa na akong mga tambay. Sa susunod magwawalwal pa kami. Sama ka? H'wag na pala! Bawal bobo do'n.
Nasa kusina ako at naghahain ng hapunan nang tumunog ang phone ko. Si hipon nag-reply na.
BINABASA MO ANG
Mr. Unknown Number
Teen FictionBabaeng namuro kabobohan Navandal ang number sa CR ng kalalakihan Ngunit sa hindi inaasahan Makikilala niya ang kaibigan ni Tarzan ~•~ Enjoy Reading! (◠‿◕)