07

63 14 0
                                    

"Anong bang problema mo, tol?!" sigaw na tanong ni kuyang basurero kay Sean.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Agad niya itong sinuntok sa mukha. 

Mayamaya pa ay naggantihan na sila ng suntok kaya naman nagkagulo na ang lahat. 

Nakisali na rin sa suntukan ang ibang kasamahan ng lalaking sinuntok ko kanina. Nagulat na lang ako dahil bago pa nila pagtulungan si Sean bigla na ring dumating ang ibang kaibigan niya at tinulungan siya. 

Hinanap ko si Lucas at agad naman akong nalungkot dahil wala pa rin pala siya. Nasaan ba kasi siya? Bakit hindi siya pumapasok?

Nakita kong sunod-sunod na sinusuntok si Sean. Hindi siya makabawi kaya agad na bumagsak ang katawan niya. Hindi na rin siya matulungan ng iba niyang kaibigan dahil pati sila nahihirapan kalabanin ang grupo ng mga trying hard bad boys. 

Mga TVL student talaga ng school na 'to! Mukha na ngang basurero pinangangatawanan pa nila ang pagiging basagulero. Kahit sino pinapatos ng away. Lahat binabangga.

Nang bumagsak ang katawan ni Sean sa sahig, muli namang lumapit si kuyang basurero sa kaniya. Hinawakan nito sa kwelyo si Sean na hindi makalaban sa panghihina. Kita na rin dito ang hiwa sa gilid ng kilay at kaunting dugo na lumabas mula sa ilong.

Susuntukin muli sana niya ito nang biglang nanlaki ang mga mata ko sa pagdating ni Lucas at sinipa ng malakas papalayo si kuyang basurero. Nang makatayo siya doon na nagsidatingan ang ibang teachers at doon pa lang din pumito itong si Bato. 

Umakyat tuloy sa tuktok ng maganda kong ulo ang galit at inis. "Ano, Bato, late reaction?!"

Kung kailan naman kasi tapos na ang live show, doon pa lang siya pumito at umawat. Galing! Kakalbuhin ko na rin talaga ang coconut niya. Kabobo siya!

Pinapunta na muna ng ibang teacher si Sean sa clinic dahil medyo napuruhan ito ni kuyang basurero, kasama na rin ang ibang nagalusan. Naiwan naman ang ibang hindi gaanong nasaktan sa gulo pati na rin si Lucas my crush.

Feeling ko tuloy dumating siya para iligtas din ako. Kinikilig tuloy ang pwet ko. Isa pa... namiss ko siya.

"Mr. Onoya, what happened here?" Walang sumagot kahit isa sa amin, kaya lalong nagalit si ma'am Solomon. "Walang sasagot sa inyo?!"

"Uh, m-ma'am, k-kasi po iyang si Azi nanggulo na naman," sagot ni Rain kaya gulat akong napatingin sa kaniya. 

Azi? Sino 'yon?

"Totoo ba iyon, Mr. Mañaqiz?!" Bumaling naman si ma'am Solomon sa lalaking nasuntok ko. Bigla tuloy akong napabulalas ng tawa dahil doon.

Shetengene naman kasing pangalan 'yan! Nakiki-Dao Ming Zi pa. Hindi man lang ba naisip ng nanay niya kung babagay ba sa pagmumukha ng naging anak niya ang pangalang Azi? At sino ba tatay niya? In fairness, apelyido lang niya ang bumagay sa kaniya.

"Why are you laughing, Ms. Viray?" takang tanong naman sa akin ni ma'am Solomon kaya napatigil ako sa pagtawa. 

Nakatingin silang lahat sa akin. Nahiya tuloy ako bigla kay Lucas my crush, nakatingin din kasi siya, e.

"A-ah w-wala po, ma'am." Yumuko na lang ako sa kahihiyan, pasimpleng siniko si Rain at binulungan. "Kilala mo pala 'yon?"

"Oo, palaaway talaga 'yan."

Mr. Unknown NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon