1 New message
Kay aga-aga may text agad? Sus alam ko na kung sino 'to. Kaya agad binuksan ko ang message niya. Number pa lang niya kilala ko na.
From: +63 909 099 9099
Good Morning :-) I hope you know na kasing ganda mo ang sikat ng araw ngayon. Can't wait to see you <3
Alam ko namang maganda ako hindi na niya kailangang ipaalala pa. Hinding-hindi ko kaya makakalimutan iyon. Kagandahan ko pa ba?
Napangiwi na lang tuloy ako nang mabasa ang text na bumungad sa akin. Ganda-ganda ko pero yung text niya... gandang bwisit naman sa umaga!
To: +63 909 099 9099
Lulumu!
Napangisi na lang ako nang makitang sending na ito.
Message sent ✔
Araw-araw na lang siya ang ka-text ko. Mula umaga hanggang gabi walang palya. Tsk tsk!
From: +63 909 099 9099
Nasa langit :-)
Aruy ko po! Wala akong mapapala dito. Kailangan ko nang pumasok at baka ma-late pa. Alam niyo naman masipag ako. Kaya dapat kilos na agad!
Isang matamis na mura muna ang ibibigay ko sa kaniya. Hilig pa naman niya sa sweet dreams. Para na rin ganahan siya. Matamis kasi ang sweet dreams, buti na lang alam ko na iyon. 'Di mo gets, 'no? Bobo ka kasi!
Nireplyan ko na agad siya para naman masabing sweet din ako.
To: +63 909 099 9099
GAGUUUUU U!
Message sent ✔
Napangiti na lang ako nang makitang mag-sent ang nakakakilig kong text para sa kaniya.
From: +63 909 099 9099
How sweet... Love you too :-*
Oh, 'di ba? Ang sweet ko daw. Same na kami. Iz thiz destiny na ba? Sabi ko sa inyo, e, matamis ako kasi maganda ako. Oh, ano? 'Di mo pa rin gets? Haysss... Yaan mo na. Bobo ka naman, e.
Hindi ko na siya nireplyan. Kahit naman kasi hindi ako magtext sa kaniya. Magte-text at magte-text pa rin 'yan.
Kapag hindi naman ako nagrereply magugulat na lang ako na may text sa akin si SMARTLoad at sinasabing...
P1,000.00 Regular Load successfully loaded to 639987654321 from 639123456789 valid for 1 year. Ref:7CT7ODIKFH
Pero ewan ko ba kung paano naman nakuha ni SMARTLoad ang number ko, hindi ko naman siya kilala para ibigay ang number ko.
Minsan magugulat na lang din ako na may text si TNT sa akin. Ang sabi niya lagi...
Ka-Tropa! Your balance is P0.00. Huwag kalimutang mag-load para hindi ma-deactivate ang iyong SIM.
Isa rin 'yang si TNT, e. Ka-Tropa daw? Hindi ko naman siya tropa. Paano niya nasabi na tropa kami? Close ba kami? Duhh! Hindi ko rin alam kung kanino niya nakuha number ko kaya hindi ko na lang siya nirereplyan.
Kasi dati sinubukan ko siyang replyan pero ang sabi niya lang...
You're trying to access sites not included in your package OR haven't subscribed to one yet.
Tas may pahabol pang...
Para i-check ang balance at iba pang exciting offers, dial *123# NOW! It's FREE and as EASY as 1-2-3!
Na-badtrip tuloy ako. Ang tinatanong ko lang naman kasi ay kung kanino niya nakuha ang number ko pero kung ano-ano na ang pinagsasabi. 'Di ba ang bobo lang?
BINABASA MO ANG
Mr. Unknown Number
Teen FictionBabaeng namuro kabobohan Navandal ang number sa CR ng kalalakihan Ngunit sa hindi inaasahan Makikilala niya ang kaibigan ni Tarzan ~•~ Enjoy Reading! (◠‿◕)