"Ms. Eli" katok ng isa maid namin.
"Yeah! I'm awake already" sagot ko
"Ms. Pasabi po ni Mr. Ethan na si Mr. Emman daw po muna ang maghahatid sainyo sa school" sabi ng maid sa may pinto ng kwarto ko
"Got it po! Thank you" habang gumugulong gulong pa ako sa kama kong itim dahil nangingibabaw sa grey and black theme na kwarto ko. Nakakatamad naman kase pumasok, puro aral bahay lang. Ni wala akong makausap na kaibigan dahil wala akong mga kaibigan dahil ayaw nila sakin.
Habang nag iisip isip ako narinig ko ang boses ni Kuya Emman sa may pinto ko.
"Princess! I know you're still on your bed, take your time love! Di ako nagmamadali HAHAHA. Just knock on my room if you're already ready okay? sabay na tayong mag breakfast sa canteen 'cause I want something for a change" daldal ng baliw kong Kuya Emman.
Tinakbo ko ang pinto para barahin sana ang Kuya kong madaldal pero nabwiset lamang ako dahil bumungad ang malapad niyang ngiti ng buksan ko ang pinto -.-
"Aray Eli! Ano ba" sigaw niya ng hampasin ko siya sa braso
"Kuya naman eh! Baka gusto mo kumain sa canteen dahil may babae ka nanamang popormahan don! Kilalang kilala ko na ang mga galawan mo! Lagot ka talaga sakin! Susumbong kita kay Kuya Ethan and Dad will surely cut off your cards!" Sigaw ko sakanya
"Kalma princess! HAHAHA kakain lang talaga tayo dun swear! And what are you talking about? those girls are the ones who keeps on bugging me, I'm just being nice to them" nakangiting sabi niya na tinataas taas pa ang kilay.
"Nice? Nice ba na almost all of the girl in town has already been bedded by you? Kuya makakahanap ka din ng katapat mo! Sinasabi ko na sayo!" Sagot ko sakanya
"What? San mo nakuha yang paratang na yan? HAHAHA. I'm a good man young lady. Chismis lang yang nasagap mo" sabi niya habang hinahawakan ang batok niya
Biglang umakyat ang isa sa matandang maid namin na 20 yrs mahigit ng naninilbihan samin.
"Iho, iha maghanda na kayo at kayo ay may mga pasok pa, Emman may mag aantay daw sayo sa Airsoft Corp. dahil di nakausap ni Ethan dahil may importante siyang inaasikaso. Ikaw din daw kasi talaga ang sadya ng kliente. Mag aantay daw yun sayo hanggang alas dose."
Hindi na natuloy ang pagtatalo namin ni Kuya dahil pinangaralan kami ni Manang.
"Opo Manang Letty" halos sabay naming sagot ni Kuya.
Pumasok ulit ako sa kwarto ko para maligo at makapag ayos. Pagkatapos ay umalis na nga kami sa bahay. By 7:30 pinapark na ni Kuya ang sasakyan niya sa parking ng school namin. 8:30 pa ang first class ko buti nalang may naupuan agad kami dahil konti nalang ang kumakain sa canteen malamang ang ibang estudyante ay nasa respective classes na nila.
"Love, ano sayo? Don't tell me greenyyy grassssyyy food again and I'll shoot you to death" si Kuya Emman
"Magtatanong tanong ka tapos pag babantaan mo ako? You're sort of a weirdo Kuya!" singhal ko sakanya bago tumungo sa counter para makapag-order.
Ng nakabalik siya nakangisi na siya at di ko alam kung bakit, nung tinignan ko naman ang direksyon kung saan siya galing, nakita ko yung isang babae na di alam ang kanyang gagawin ng nahuli niya akong tinititigan siya. Mukha siyang takot na ewan kaya bigla niyang naagaw ang pansin ko. Ang cute niya.
"Kuya, who is she? One of your flings?" Tanong ko
"No, nakipagkaibigan lang ako sakanya but she refuse to HAHAHA. Di tinablan ng charms ko" at nagkibit balikat nalang ang baliw.
"Baka naman kase hinarass mo, Kuya not all girls will fall for your trap, everyone has their own differences." Sabi ko sakanya.
Di na siya sumagot at nagsimula ng kumain sa harap ko. Nasapul ko ata siya masyado HAHA.
"Now that she got my attention earlier, Kuya do you think she will like me?"
"Tomboy ka?!" Halos masuntok ko siya sa sigaw niya tssss.
"Fuck, Kuya are you nuts? What I am saying is I want her to be my friend! She seems so nice ang cute niya kase HAHAHA"
Bigla nalang siyang nabilaukan kaya dumeretso ako dun sa babae at humingi ng bottled water. At halos magpanic siya pag dating ko.
"Ahm eto po Miss, ahm sige na po bigay niyo na sakanya" manginig nginig na sabi niya
"Ah thank you! I'm Eli by the way you are?" Pagpapakilala ko
"Cristelle, cristelle miss"
At nung naalala ko si Kuya kumaripas ako ng takbo papunta sakanya. At inabot ang tubig.
"Ahhhhckk- whaaktt- the *cough*"
"Sorry kuya, I forgot about you when I've got to see her eyes nakita ko sakanya si Kuya Ethan HAHAHA, Diba sabi nila pag magkamukha yun yung nagkakatuluyan diba? Kaso kambal kayo so may chance na baka pwedeng kayo din ang magkatuluyan nun ni Elle." Asar ko kay Kuya Emman.
"Who's that bitch? Ella? Saan mo naman yun nakilala? And princess hindi ka manghuhula bat ba ganyan mga sinasabi mo? Damn both Ethan and you are the same. Magkapatid nga kayo tssss"
"Hey! She's not a bitch! She's my friend! So don't call her that! Si Elle, yung kausap mo kanina sa counter. At lahat tayo magkakapatid kaya wag mo kong inaaway!" Sabay nguso ko sakanya
Nanlaki ang mata ni Kuya sa mga sinabi ko, I felt weird and uneasy dahil sa naging reaction niya pero pinalagpas ko nalang.
"You want her to be your sister?" Tanong ni Kuya
"Huh?"
Sister? Ang sabi ko friend, ang advance masyado mag isip ng babaero kong Kuya tss.
"What I mean is pag naging kami non gusto mo siyang maging kapatid? Sister in law ganon HAHAHA ?" Nakangiting sabi niya.
Nabigla ako sa swisyon ni Kuya, he's unbelievable. Ang laki ng pagkakaiba nila ni Kuya Ethan.
"Walang sinuman sainyo ang gusto ko para sakanya! Pareho kayong siraulo, she don't deserve any one of the two of you" sabi ko
Sasagot pa dapat siya ng mag ring na ang bell. For sure late nanaman ang Kuya ko dahil kahit malapit lang ang school niya sa school ko, di siya makakapagdrive na papunta don dahil panigurado mahihirapan lang siya sa pag park kaya wala siyang choice kundi maglakad. HAHAHA. Buti nga, masyado kasing babaero tss. Di ko na lang siya aalalahin at aalalahin ko nalang kung pano ko ba kakaibiganin si Elle. Habang nag iisip ako na- excite ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/223798890-288-k972598.jpg)
YOU ARE READING
Our Twisted Story
RomanceBook 1 is like an introduction of Characters that the reader will encounter for the next books I'll be writing. Happy Reading! And Godbless 😊