13. 16th

2 0 0
                                    

Busy ang lahat ng paghahanda para sa aking kaarawan. Halos isang linggo na din ng umalis ang dalawa kong kapatid. Nalulungkot ako kase malapit na ang kaarawan ko pero wala ni isa sakanila parin ang nakakauwi.

Habang nagtatype ako ng research ko sa laptop biglang tumawag si Kuya Emman through skype.

Kuya Emman: "Hi love! How are you?!may surprise kami sayo!" At kitang ko kita ang malawak niyang mga ngiti.
Me: Nagtatanong ka pa kung okay ako, pano ako magiging okay kung wala kayo dito? Isang araw nalang magbibirthday na ako wala parin kayo.
Kuya Emman: Just wait and see princess, I need to go HAHAHA chineck lang talaga kita. I miss you love! mwa

Pagkaflying kiss ni Kuya na end na din ang call. So yun na yun? Tumawag siya para lang icheck ako? His ass is weird.

Kinabukasan maaga akong kinatok ni Manang.

"Iha, gising na riyan at marami pang kelangan ayusin para sa party mo mamaya" Manang

"Manang, andyan na po ba si Mom and Dad?" Walang ganang tanong ko sakanya.

"Tumawag dito ang sekretarya ng Ama mo at sinabing andito na nga sila sa Pilipinas at sa party nalamang daw kayo magkikita kita"

"Sila Kuya po?"

"Hahabol daw sila, lalo pa at kasama sila sa 16 roses mo, ang mga mag aayos pala sayo ay nasa ibaba na nag seset up na para sa photoshoot mo. Mag ayos ka na at para mapa akyat ko na sila dito"

"Opo maliligo na po ako"

Pagkatapos kong maligo, nagsimula na nga ang mahabang araw ko sa araw na ito. Kinukuhaan ako ng mga kilalang photographer habang minamake-upan ako ng artist na alam kong galing pang Italya. Habang tinitignan ko ang gown ko sa repleksyon ng aking salamin, wala akong madama kundi ang lungkot. Darating pa kaya sila Kuya? Totoo bang makikita ko ang mga magulang ko mamaya?

Pababa na ako ng hagdan at natanaw ko na si Ate Elle sa dulo ng hagdan. Ang ganda ng berdeng gown na suot niya. Bagay na bagay sa katawan niya lalo na at maputi rin siya.

"Ang ganda naman ng kapatid ko, maligayang kaarawan sis" nakangiting bati ni Ate

"Thank you Ate, dumaan ka pa talaga dito, dapat dumeretso ka na sa venue" nag aalalang sabi ko.

"Nako, okay lang dinaanan ko din kase si Lola dito sasabay na kami sayo papunta dun" Ate Elle

At gaya nga ng sabi ni Ate sabay-sabay na nga kaming pumunta sa venue nila Manang. Nauna na siyang pumasok dahil sa ibang daan ako dumaan para raw di ako makita ng ibang guest para daw bongga ang entrance ko. Hays.

Ng nasa taas na ako, naririnig ko na ang ingay sa baba. Inaantay ko nalang na tawagin ako ng MC hudyat para bumaba na ako. Ilang minuto nga lang ay tinawag na ako.

"Let's give our celebrant around of applause" Mc

At nagpalakpakan na nga ang mga guest ko na kulang kulang limang daan.

Habang pababa ako parang may introduction pa sakin ang Mc na parang pang Ms. Universe, grabeng pakulo talaga ng pamilya ko. Sabi ko intimate dinner nga lang kase mag gaganto naman ako sa debut ko, pero sa huli di parin ako napagbigyan.

"Elisse Jayl Alferez is the youngest among her siblings Emmanuel and Emman. Love, Princess and Eli is her nickname according to her love ones. She's a young lady who loves the shade of white, gray and black~"

Madami pa siyang sinabi habang pababa ako ng hagdan, di ko ininda ang haba ng lalakarin ko dahil nakuha ang atensyon ko sa lugar napagdadausan ng kaarawan ko. May naglalakihang chandelier, nasunod ang theme na gusto ko na shade of white gray and black. Para akong nasa fairytale sa natatanaw ko, glass garden ito at napakaganda ng ambiance dahil sa mga halaman, pero ang naka nakaw talaga ng atensyon ko ay ng matanaw ko si Daddy na nasa dulo ng hagdan na naghihintay saakin.  Gusto ko ng tumakbo papunta sakanya pero naalala kong napaka formal pala ng celebration na to at di na ako bata. Ni hindi ko napansin na nay ilan ilang artista at sikat sa larangan ng business akong natatanaw dahil nakatuon lang ang pansin ko kay Daddy.

Ng narating ko ang dulo halos maiyak ako ng naglahad si Dad ng kamay pero dahil sa di ko talaga makonrol ang sarili ko dahil sa pagkamiss ko sakanya niyakap ko siya ng sobrang higpit. Di ko rin napansin na may dala pala siyang mic.

"Baby, happy birthday babawi kami nila mommy at Kuya mo sayo. Enjoy this night. Iloveyou" habang yakap niya ko kiniss niya ako sa cheeks.

Kaya din pala siya may dalang mic dahil kakantahan niya pala ako hanggang sa makarating ako sa pinakaunahan ng stage.

Gaya ng normal na celebration may candles, treasure and roses ako. Hindi ko masyadong nadama yun dahil yung iba ay sila Mom at Kuya ang pumili dahil wala naman talaga akong mga close na kaibigan maliban kay Ate Elle.

"Sis, happy birthday. Alam kong dapat nasa candle ako pero dahil bugok ang kuya mo naging treasure ako, kase isa daw ako sa treasures mo sabi niya nako HAHAHA. Always remember na andito lang ako lagi para sayo. Always na lagi pa! HAHAHAHA Dahil sayo di lang ako nagkaroon ng kaibigan nagkaroon din ako ng nga kaibigan na masasandalan. Bless you always sis. Iloveyou. Pag pasensyahan mo na itong regalo ko at ito lang kinaya ng allowance ko HAHAHA pero wag kang mag alala babawi ako sayo pag mayaman na ako" Sabi niya bago inabot sakin ang regalo niya

Medyo nagulat ako sa paraan niya ng pagtawag kay Kuya, alam kong mga respetado ang mga kabilang sa imbitado at paniguradong magugulat sila sa inasal ni Ate pero dahil nga siya si Ate Elle, she doesn't give a damn.

Sa candle naman kay mommy lang talaga ang na appreciate ko at nag iisang tumagos sa puso ko.

"Anak, as I light this candle. Note that this will be like a guide to your future. There will always be darkness ahead of you that symbolises your struggles in life, keep in mind that there will always be a light that will lead and help you to pass that darkness. Always seek for Gods help and forgiveness. Don't loose yourself because the greatest enemy you would face is no other than your self, learn to fight for good and off course  for your happiness. Iloveyou princess" mangiyak ngiyak na speech ni mom.

Our Twisted StoryWhere stories live. Discover now