6. Airsoft

1 0 0
                                    

5 pm na lagpas ng naaninag ko si Ate Elle palabas ng last subject niya dahil nga nag aantay ako sa tapat ng building nila. Lumapad agad ang ngiti niya ng magtama ang mga mata namin.

"Inantay mo ako?" Tanong niya sakin

"Obvious po ba? HAHAHA Ate may trabaho ka pa ba? Sama ka sakin sa bahay nuod tayo movie" ngiti ko sakanya

"Ah sige, tuwing umaga lang naman ako pag Lunes at Byernes sa Canteen Myerkules at Hwebes naman pag hapon. Yun lang kase ang oras na wala akong klase" sagot niya

Sa wakas napapayag ko din siya.
Alam ko naman na nandito lang ang sasakyan kaya panigurado si Kuya Emman ang susundo sakin ngayon. Ilang minuto na wala pa siya taliwas sa nakasanayan kong maaga siyang sumusundo dahil alam niyang ayoko ng pinagaantay ako. Sa sobrang inip ko nga tinawagan ko na ang mokong.

"Kuya, where the hell are you, it's pass 5 already. My patience is not getting any longer" pagmamaktol ko

"Love, ahmm, I'm still- Asshole! Can you just separate your personal stuff first? Ahhh! Love can you just call Eth— *toot" sabi ni Kuya

At ayun binabaan niya na nga ako, nung sinubukan kong tawagan ulit di ko na siya ma reach. At sino ang babaeng yun? I like her na for being hard on him. Kaya lang pano to wala naman akong personal driver kase maliban sa gusto nung dalawa safely guarded ako, ayaw magtiwala ng mga magulang ko sa driver lang at baka madali ko lang daw malinlang tssss. Kala naman nila tatakas pa ako hays. Napansin ata ni Ate na namomoblema ako kaya nagsalita na siya.

"Elise, pwede naman tayong mag tricy nalang ano address niyo?" Tanong niya

Namutla ako, bukod sa di ako marunong mag commute, di ko alam ang address namin. Well alam ko pero di ko alam ang eksakto dahil lagi lang ako hatid sundo at di ko sinusulat eksaktong address sa mga papers ko kase okay na daw yun sabi ni Dad para di ako madaling mahanap. Hays may lahi ata talaga kaming sira ang ulo. Mag eexplain na dapat ako kay Elle ng bumusina na si Kuya Ethan sa harap namin. Pumasok na kami ng sasakyan pero di ako naging kumportable ng paminsan ninsan nahuhuli ko si Kuya na tingin ng tingin kay Ate Elle. Napaisip ako, actually bagay sila dahil nga magkahawig sila pero di lang talaga nararapat si Kuya kay Elle kase wala lang he's just a boring and serious type of man pag nagkataon naiimagine ko na halos magmumukha silang parang mga pipi pag nagdate sila dahil bukod sa mahinhin si Elle may pagka seryoso talaga masyado si Kuya na kung di ko lang kapatid mabibigwasan ko na.

"Kuya bat di si Kuya Emman ang sumundo sakin ngayon?" Pangbabasag ko ng katahimikan

"He's busy with his life princess, don't mind him. Nandito naman na ako diba?"  Sabi niya

"I'm just curious Kuya, I don't want to meddle with his things but I want to know, is he with someone?"

"You jealous?" Deretsong tanong niya

"Off course not, gusto ko nga siya eh! Kase naman narining ko mukhang nagtatalo sila ni Kuya, kaso bigla akong binabaan ng phone" nakangusong sabi ko

"He needs to win against her, kase kung hindi di macoclose ni Emman ang deal. We both know that he's fond with women pero yung kanina pure business yun, tsaka di yun magsasakripisyo ng oras para sa isang babae lalo na at alam niyang may responsibilidad siya sayo"

"Ah ganon ba, sayang kala ko pa naman nakahanap na siya ng katapat niya. But seriously Kuya I think both of you need to stop getting the full responsibility of taking care of me, I can take care of my own I'm already fifteen" sabi ko

"It's not about responsibility, it's about love I know Emman and I are in the same page this time. Hindi namin hahayaang may mangyaring masama sayo. Mahal na mahal ka namin, bunso nag iisang kapatid ka namin eh" sabi niya

Nabother ako nung tinignan ko si Ate Elle mukha siyang wala sa kaniyang sarili at nakatingin lang sa salamin ng kotse

"Ate? Okay ka lang?" Tanong ko sakanya.

"Oo naman sis! Okay lang ako HAHA naiinggit lang ako sa turingan niyong magkakapatid. Lola ko lang kasi ang nag-aalaga sakin, meron din akong kapatid na lalaki sila lang ang mayroon ako. Unlike you you have your parents and may dalawa ka pang Kuya." Nakayukong kwento niya

"Nako! ganon ba sorry po Ate. Don't worry andito lang naman ako pati sila Kuya para sayo. Diba kuya?" Sabi ko kay Kuya

"Yeah, sorry about what I said earlier. And oo nga Chistelle, andito lang kaming magkakapatid para sayo" sabi ni Kuya

"Nako! Okay lang yun HAHAHAHA nainggit lang talaga ako. Don't worry about me. Di naman kami pinabayaan ni Lola" ngiti niya

Our Twisted StoryWhere stories live. Discover now