9. Sweet 16

1 0 0
                                    

It's exactly 3 weeks simula nung nahospital ako. The moment I opened my eyes I saw the three of the most especial persons in my life aside from my parents. Si Kuya Ethan na nasa gitna samantalang nasa magkabilang gilid naman niya sila Kuya Emman at Ate Elle. Pareho silang nakasandal kay Kuya Ethan kaya mas lalo akong natawa. Aabutin ko sana ang phone ko para makuhaan sila ng litrato ng sumakit ang kamay kong naka benda.

"Ahhm" daing ko ng nahulog bigla ang phone ko.

Nagising si Kuya Emman kaya wala siyang ginawa kundi ang alaskahin agad ako.

"Love, na love at first sight ka ba don sa nakabundol sayo? Ha? HAHAHAHA. Grabe epekto sayo ah bukod sa nahimatay ka tatlong linggo ka pang di gumigising. Ano akala mo datating siya tapos hahalikan ka tapos magigising ka? Ah? HAHAHAHA." pang aasar niya

"Tsss, ingay" at nagising na nga din si Kuya Ethan at Ate Elle.

Medyo nagulat si Ate Elle sa position nila kaya umayos agad siya ng upo at bumaling sakin. Ang cute nilang tignan. Bigla nalang siyang lumapit saakin.

"Sis, okay ka na ba? Wag mo intindihin yang si Emman, kulang lang yan sa aruga. Palibhasa, alam mo ba nakahanap na  yan ng katapat niya HAHAHAHA" habang tinataas taas niya ang kilay niya.

Nung una natawa at nabigla ako, bat ganon parang mas nagiging close na sila. Ayoko naman siyang pagselosan kaya hinayaan ko nalang at tinawanan sila. Tatanungin ko nalang si Kuya Emman pag kami nalang dalawa. Siya kase ang tipo na direkta sumagot kaso pag alam niyang may masasaktan minsan tumatahimik lang siya. And that's why I think I'm more fond of him. Mga 1% na lamang lang naman  kay Kuya Ethan.

"Totoo ba yun Kuya? HAHAHA ikaw ah. Seryoso na ba yan?" Pang aasar ko

"Love, wag ka ngang makinig diyan kay Elle, puro naman yan fake news. Mas paniniwalaan mo ba siya kesa sakin?" Halos pagmamaktol ni Kuya

"Are you excited?" biglang singit na tanong ni Kuya Ethan.

"Excited about what?" Nagtatakang sabi ni Ate Ella

"HAHAHAHA. Ako dapat last dance ah, the sweetest among the 16 handsome men na makakasayaw mo"- Kuya Emman

"Tssss childish" - Kuya Ethan

"Wow, dalaga na kapatid ko HAHA, paniguradong ang ganda mo sa araw na yun" Ate Ella

Nung una nahiwagaan ako, nung napagtanto ko, oo nga pala malapit na ang kaarawan ko. At makikita ko na ulit sila mommy at daddy. Once in a blue mood ko lang sila makita kaya mas dun ako na excite kesa sa kung ano pang ibang bagay. I just want to see my complete family then I'm more than fine. Off course with Ate Ella, lalo na now na best friend ko na. Gusto ko nga sana yung kami kami lang sama-sama kahit sa bahay lang. Pero mukhang malabo kaya no choice ako.

Our Twisted StoryWhere stories live. Discover now