Weeks passed by mas naging kumportable kami ni Ate Elle sa isa't isa. Madalas kaming mag usap sa campus. Paminsan minsan ko din siyang inaasar kay Kuya Ethan pero sabay lang silang nababadrip ni Kuya Emman.
Biglaan nalang din kasi kami naging close na apat, naging magaan ang loob sa isa't isa.
Paminsan minsan na din kaming lumalabas puro tawanan at badtripan. At syempre di nawawala ang pagkapikon ng isa sakanila.
Habang inaantay ko si Ate Ell dahil nagpaalam siyang mag cr tumingin tingin din muna ako sa mga boutique na nadadaanan ko.
Ang saya saya ko dahil bukod sa nabili ko mga gusto ko may mga pinili din ako para kay Ate na alam ko babagay sakanya dahil halos mag kasing katawan lang kaming dalawa. Matangkad ako sakanya ng kaunti kahit na mas bata ako, nagpasalamat nalang ako dahil alam kong maganda talaga ang lahi ng mga magulang ko HAHAHAHA pinagpala na sa tangkad at kutis bonus pa na maganda. Hays lalalalala, pakanta-kanta ako habang naglalakad sa mall ng biglang-
"Aray!" Sigaw ko.
"Sorry Miss"
Biglang nagkalat lahat ng paper bags na dala ko at bukod pa don natapon yung mga bagong foundation at concealer na dala-dala ko dahil sa lakas ng impact ng pagkakabungo sakin ng lalaki.
"You!" Dinuro ko ang lalaking nasa harap ko. "Can't you see? Tsaka sorry? Magagawa bang mabalik ng sorry mo ang mga nabasag na gamit ko? ha?"
Talagang inuubos ng lalaking to ang pasensya ko.
"I'll pay for it, just not now! Someone's after me I need to escape I'm really sorry. If we see and meet each other again I'll pay you I promise but for now please let me go it's the matter of life and death. I'm sorry! Byeee"
"Hoy teka! Weird guy!" Sigaw ko
At kumaripas na nga siya ng takbo. Gunggong ba yun? Pano ba naman siya di makakakita maliban sa naka all black outfit siya with matching leather jacket na may hoodie naka cup pa siya tapos shades.
Ang peste naman ng lalaking yon ang weird talaga. Ni hindi ko namukhaan. Pano ko siya makikilala para mabayaran ako? Pero isa lang ang sigurado ako. Mayaman yung lalaking yun.
Simula ulo hanggang paa alam ko ang presyo ng mga suot niya at yung pabango niya, alam kong mamahalin yun.
Naamoy ko na kase yun dati sa mga Kuya ko. Nung nawala na siya sa paningin ko, dun lang ako bumalik sa sistema ko.
"Hala! Sis what happened?" Pag aalalalang tanong ni Ate Elle ng nakita akong nakaupo parin sa sahig.
"This random guy pushed me and this is what happened HUHUHU" halos maiyak kong sumbong kay Ate.
"Sis! You're bleeding. Asan ba sila Ethan?" Natatarantang tanong ni Ate
Di ko namalayan na nagkaroon na pala ako ng cut sa may gilid ng pulso ko dahil may mga bubog na bumaon dahil bigla nalang ako nakaramdam ng hapdi.
Naalala ko nanaman tuloy yung black ranger na yun. Magkikita din tayo weird guy, I swear.
Sa di kalayuan may mga nakita akong lalaking tumatakbo na tingin ko sila ang humahabol sa nakabangga sakin, samantalang yung dalawa na papalapit ay ang mga nakangisi at natatawa kong mga Kuya na akala siguro nadulas lang ako o ano dahil sa dami ng pinamili ko.
Tinulungan nila akong tumayo, napainda ako ng nahawakan ni Kuya Ethan ang palapulsuhan ko at
the moment I saw my own blood, parang may kumirot sa puso ko and the last thing I can remember went unconscious.
YOU ARE READING
Our Twisted Story
RomanceBook 1 is like an introduction of Characters that the reader will encounter for the next books I'll be writing. Happy Reading! And Godbless 😊