5. Elle

1 0 0
                                    

"Class dismissed" sabi ni Ms Villaluna

Dahil sa pagka excited ko nagmadali akong makapunta sa canteen para mahanap si Elle. Habang tumatakbo ako palapit ng canteen nakita ko siya at laking gulat ko ng makita ko siyang hawak hawak sa balikat ni Kuya Ethan.

"Kuya! Bitawan mo siya!"

Sabay silang nagulat at tumingin sakin, mukha silang galing mag LQ kaya nabadtrip ako. Ayoko ni isa sa kanila for her mukha siyang mabait at di makabasag pinggan but she has that aura of a strong woman.

"Princess, I know what you're thinking stop it"

"Hell yeah! You know me too well so get your hands off her!"

Binitawan siya ni Kuya at ng naglakad ako lagpas sakanya taliwas sa akala niyang ibebeso ko siya, bigla ko nalang hinila si Elle sa may puno malayo sa Kuya kong pinaglihi sa kung saan.

"Ms, ahmm, sorry, kase ang kuya mo ahmm" Elle

Halos matawa ako sa expression ng mukha niya alam mo yung scene na nahuli mo kabit ng jowa mo tapos napakabait ng kabit tapos di mo masaktan o masampal man lang kase mukhang walang alam at biktima lang din HAHAHAHA.

"Elle, ahh, I mean Cristelle? Will you be my friend? And can I call you Elle instead?"

"Ah, Eh, ano kase okay lang naman, mas matanda ako sayo ng halos apat na taon pero okay lang na kahit wag mo na akong tawaging Ate" nahihiya at nagtatakang sagot ni Elle

"Ganon ba? Edi Ate Elle nalang! Kahit naman HEHEHE barumbado ang mga Kuya ko palagi parin kami rumerespeto sa mas nakakatanda"

"Ah, sure pero bakit gusto mo akong maging kaibigan?" Elle

"Wala kase akong kaibigan and the moment I saw you earlier sa canteen magaan ang loob ko sayo"

"Ah ganon ba, sige magkaibigan na tayo, matagal ko ng gustong magkaroon ng kapatid, ulila na din kase ako. May tatay pa naman ako pero ramdam ko na mag isa ako, until this day happened" masayang tugon sakin ni Ate Elle.

"Oo naman! Simula ngayon sisters ba tayo HAHAHA. Matagal na din kase ako nangungulila sa kapatid lalo na ng mas nakakatandang babae, kase alam mo na yung kambal ko lang na Kuya ang kapatid na meron ako. Nga pala what did those scum bag do to you? Did they hit on you? Flirt? What?"

Halos matawa siya na nagulat sa sinabi ko kaya medyo napaisip ako na medyo kumplikado siya mabasa.

"Kung tinutukoy mo yung kasama mo kanina na nabilaukan, nakipagkaibigan lang naman siya sakin, kaya lang Eli kase nasa trabaho ako. Mapapagalitan ako kapag nakipagusap ako masyado sa customer, yung sa kanina naman nagulat nalang ako ng hawakan niya ko may pinag usapan lang kami ng Ethan na yun tapos dumating ka" paliwanag ni Elle

"Anong pinag usapan niyo"

"Ahh, Kase" sasagot na dapat si Elle ng higitin ni Kuya ang braso ko at humarap kay Elle.

"J- ah Cristelle ano bumalik ka na sa trabaho mo para makapaghanda ka na sa klase mo" Ethan

"Oo Eth- ah opo" Elle

"What! You're a working student? Omg, let's go baka malate ka nga! Sabi ko Kay Ate Elle

Tumango lang siya at ngumiti.

At bumaling ako sa Kuya ko. "Teka, how did you know na may klase na siya Kuya? You ask for her sched?" Nagtatakang tanong ko.

"Both off you could you please~ agghh! Love~" at naputol ang dapat gusto niyang sabihin samin.

Sabay kaming nag aantay ng kadugtong sa sasabihin ni Kuya ng napansin ko na bat alerto si Elle sa Love ni Kuya? Anong meron? Are they really together or sort of dating stage?

"Love, take care okay? Sabay beso sakin ni Kuya tapos lumagpas lang siya kay Elle"

Tumango lang ako at hinigit ulit si Ate pabalik. Ang sarap pala sa pakiramdam na may Ate. Ayoko man sa set up na may magustuhan siya sa isa sa Kuya ko gustong gusto ko lang talaga siya maging Ate. And with that ramdam kong may masasandalan na ako. Aantayin ko nalang si Elle ng uwian, halos isang taong lang pala ang agwat niya sa mga Kuya ko. Grade 10 na ako at 2nd year college na siya samantalang 3rd year naman ang kambal kong mga baliw na Kuya sa school na malapit sa school namin ni Ate Elle na St. Louise High. Ibang school silang dalawa kase nakiusap ako kay Daddy na ihiwalay sila dahil baka konting galaw ko lang aawayin nila ang makita nilang kasama ko. Though wala naman talaga dahil wala namang may lakas ng loob kausapin ako dahil sa estado ng pamilya ko.

Our Twisted StoryWhere stories live. Discover now