7. Girlfriend

1 0 0
                                    

Ilang minuto lang nakarating na kami sa mansion. Pagpasok namin sa bahay pinauna ako ni Kuya, gustohin ko man umangal dahil baka kung ano pa ang gawin niya kay Ate Elle, wala akong nagawa kundi sinunod ko nalang ang gusto niya.

Pagka ilang minuto umakyat na din si Ate kaya kumalma ako, nang naset up na ang movie tsaka ko lang naman naalala yung gamot ko. Nagpaalam muna ako kay Ate ng saglit kaya nginitian niya lang ako. Bumaba muna ako para kumuha ng tubig dahil puro gatas lang ang laman ng ref ko sa kwarto ko. Habang umiinom ako bigla nalang sumulpot si Manang Letty sa kitchen at kinausap ako.

"Iha, sino yung kasama ng Kuya mo pumasok?" Ang ganda ganda niya" sabi niya

"Ni Kuya Ethan po ba?" Tanong ko

"Oo, wala pa naman si Emman diba? Syempre si Ethan tinutukoy ko Iha"

Abat pilosopo tong si Manang hays. Kalma self gumalang sa nakakatanda. Inhale Hmmm Exhale Whooo.

"Ah si Ate Elle po ba? Kaibigan ko po yun, inaya ko mag movie nandon po siya sa room ko kase mukhang napagod siya sa trabaho. Working student po kase siya" paliwanag ko

"Abay akalain mo nga naman napakabait pala ng girlfriend ng kuya mo" Manang

"Nako! Manang di po girlfriend ni Kuya yun, kaibigan ko po siya" sabi ko

"Iha, wag mo namang pagselosan yang bagong girlfriend ng Kuya mo, wag na sana maulit ang nangyare dun sa unang dinala dito ng kuya mo, alam ko namang may pinagdadaanan ka iha pero lagi mong tandaan mali ang manakit ng kapwa" pangaral ni Manang

"Opo manang, hindi na po. Tsaka mabait po yun si Ate Elle. At di ko po siya kayang saktan. Siya ang kauna unahang naging kaibigan ko sa school" sabi ko

Iniwan naman ako ni Manang matapos niya akong pagsabihan. Anong akala niya sakin, warfreak? Hays. Matanda na talaga si Manag.

Naging maganda naman ang naging bonding namin ni Ate Elle ng gabing yun. Sabay-sabay kaming kumain nila Kuya. Di parin ako makapaniwala na meron na akong napakabait na Ate. Maganda siyang impluwensya kesa sa mga bugok kong Kuya. Kung magiging girlfriend nga siya ni Kuya Ethan di ko siya sasaktan. Wala naman kase siyang ginagawang masama sakin. Unlike dun sa unang babae na tinutukoy ni Manang baliw kase yun. Akala nila nagseselos ako dun. Pero yung totoo siya ang nagseselos dahil love ang tawag sakin nila Kuya. Gusto niya nasakanya lang yung atensyon ng dalawang Kuya ko. Lagi niya akong sinusungitan kahit anong sabi ni Kuya Ethan na mabait yun ni isang beses hindi niya napatunayan sakin yun. Well too bad for her mas mahal ako ni Kuya kesa sakanya. Buti na nga lang di sila nagtagal non tsss.

From this day onwards, I promise myself that if I can do anything to make my family happy, I'll do it for them.
I will do everything, even if it's sacrificing my own happiness. Because there is no more important thing than family.

Our Twisted StoryWhere stories live. Discover now