May na pala, halos 3 weeks na simula ng tumigil ako sa mga gala ko para baguhin ang buhay ko. Kung iisipin pangalawang buhay ko na to, akala ko mamatay na ako sa araw na yun. Kung di lang ako niligtas ng lalaki siguro wala na kami. Oo kami dahil kung di ako nabangga di ko malalaman na buntis pala ako.
Habang patawid ako ng kalasada may nakita akong lalaking naka all black at cap. Familiar siya sakin kaya sinundan ko. Di ko aakalain na may gustong bumangga sakanya kaya tinulak ko siya. Sabay kaming bumagsak pero nagulat ako ng may dugo na ang fitted white pants ko, tumakbo yung lalaking niligtas ko na tila di natuwa na niligtas ko buhay niya.
Pagkatapos niya akong tignan ng masama bigla nalang siyang nawala na parang bula. Bumaba yung lalaking nakabundol sakin at dali dali akong binuhat at sinakay sa kotse niya.
"Eli? Are you okay? Hang in there I'll take you to the hospital"
"You know who I am?" Tanong ko
"Yes, architect. Sinong di makakakilala sayo eh na feature ka sa ilang mga magazines"
"Oh, I just thought kilala mo ako"
"I'm Joseph, Architect btw"
Pag gising ko puro puti na ang nakikita ko at narinig ko ang usapan nung Doctor at nung Joseph na nakabunggo sakin. Mukhang familiar yung lalaking yun pero di ko alam kung saan ko ba siya nakita. Kakaiba ang naramdaman ko nung nakita ko ang almond at seryoso niyang mata
"Congratulations Mister, she's 3 weeks pregnant. Reresetahan ko nalang siya ng mga vitamins na kelangan niya and she's good to go" Doc
"Thank you Doc" Joseph
Pagkatapos ng insidenteng yun, iningatan ko na talaga ang sarili ko dahil nga ulila na ako, ang batang dala dala ko ay magiging pamilya ko na. Gagawin ko ang lahat para sakanya.
"Architect, nandon na daw po si Engineer sa site. Dun nalang daw po kayo mag usap" sabi ni Olive na kasamahan ko sa trabaho.
"Thanks live, I'll go now"
Wearing a black fitted pants white top and gray coat, nag drive na ako papuntang site sa Cebu. Hindi pa naman ako na bobother kase di pa naman lumulobo ang tiyan ko ng husto.
"You have just arrived to your destination" ways
Pagkababa ko ng sasakyan kitang kita ko na ang progress sa site, and seeing Engineer Sy waiting, kinabahan ako.
"Architect Alferez, come inside the owner of the building wants to discuss you something"
"Lead the way Engineer" sagot ko.
Pag pasok ko ng building pumasok kami sa tingin ko pansamantalang opisina ng may ari ng building sa unang palapag.
"Mr. Joseph this is Ms. Alferez the Architect of this building" pakilala sakin ni Engineer Sy
Nagulat ako ng nakita ko si Joseph, di ko aakalain na ang taong gustong bumunggo dun sa lalaking weirdo na taong nagligtas din samin ng anak ko ay nasa harap ko ngayon na tila di nabigla na ako ang nasa harap niya.
"Mr. Joseph" lahad ko ng kamay sakanya.
"We've met again, Ms. Alferez" deretsong pakilala niya.
Akala ko hindi na niya ako maaalala but I was wrong.
"Ahm Joseph maiwan ko na muna kayo dito iho, may ichecheck lang ako sa taas" paalam ni Engineer Sy
"No worries Mr. Sy, Architect sit down" ng bumaling sakin si Joseph pagkalabas ni Engineer
"May mga suggestion lang ako dito sa gawa mo, don't get me wrong. I'm truly impressed by your designs. It's just that I need you to re-design the top floor and I need you to design it with your own ideas, ideas that you think you would love if you're working on my company" sabi ni Joseph ng direkta akong tinitignan sa mata.
"Mister gusto mo ba akong lumipat dito sa firm mo? At may pa ideas ideas ka pa? Bat di mo nalang ako direktahin?" Pagtataray ko sakanya.
"I love your attitude Architect HAHA but it's a no. It's up to you kung gusto mong lumipat sa firm ko. Hindi ako yung taong namimimilit, gusto ko yung mga taong may kusa" natatawang sagot niya.
"Okay I'll send you the designs on weekend just check your mail around 10pm"
"Wag kang magmadali Architect pagandahin mo ah, yung magugustuhan m- ng magiging impleyado ko. At para ganahan silang mag trabaho" natatawa niya paring sagot
"Okay, I need to go it's getting late" paalam ko.
"Take good care love, Don't skip your meals and drive safely" rinig ko bago ako makalabas ng pinto.
Akala ko ako kausap niya pero nung nakita kong nakayuko ito at may airpods sa tenga, nagkibit balikat nalang ako ng napagtanto kong may ibang kausap siya. At bat naman niya ako tatawaging love diba?
My moods are killing me, gustuhin ko mang magtagal dahil naakit ako sa amoy ng opisina niya hindi naman pupwede. Elyse get your shit all together.
YOU ARE READING
Our Twisted Story
RomanceBook 1 is like an introduction of Characters that the reader will encounter for the next books I'll be writing. Happy Reading! And Godbless 😊