chapter 1

25 7 9
                                    

Nova Pearl POV

"HINDI na nga sabi kita Mahal!! Naiintindihan mo ba!?" Naglakad na ako paalis dahil hindi ko na kaya pang makita ang luha nito na tuluyan ng tumulo sa kanyang gwapong mukha.

Ngunit hindi pa ako nakalalayo ng bigla kong maramdaman ang marahang paghawak nito sa kamay ko at iniharap ako sa kanya. Matiim ako nitong tinitigan habang hilam ang mukha ng luha.

Ayoko na...

Nahihirapan na ko...

Alam ko namang hindi ako ang nararapat sa isang katulad nya. Marami pang magmamahal sa kanya bukod sakin. Ang sakit na kasi ng dibdib ko. Naguiguilty ako sa gagawin ko ngayon. Napaka-selfish ko!

"Please Nova, don't leave me like this! Hindi ko kakayanin... Mamamatay ako! Please baby. Don't leave me.. please." May pagmamakaawa ang tono ng pananalita nito. Lalo din itong lumapit sakin at hinawakan ng mahigpit ang dalawang kamay nito. "Please baby, wag mo kong iiwan... Please... Baby?"

Oh God!

Habang nakatingin ako sa taong pinakamamahal ko. Naisip ko na....

Bakit ba ganito ang nangyari sa amin ng taong mahal ko? Bakit ba kami pinaparusahan ng ganito!? Wala naman kaming ginawa kundi ang mahalin ang isa't-isa...

Pero bakit hindi pwede?

Pinipigilan kong wag maiyak sa sinasabi nito. Nararamdaman ko na rin ang pagsikip ng dibdib ko dahil sa pagmamakaawa nya na wag ko syang iwan. Kailangan kong maging matigas sa kanya para naman tigilan na nya ang pagpapahirap ko sa sarili ko. Sa aming dalawa.

Dahil hindi nga pwede...

Huminga ako ng malalim at inisip na pagkatapos ng pangyayaring ito ay makakamove-on din agad siya. Makakalimutan nya agad ako. Hinding hindi ko sya makakalimutan kahit masakit para sakin. Dahil mahal na mahal ko sya.

Mahal na mahal ko.

"Hindi na nga sabi tayo pwede! Pagod na pagod na ko sayo! Ang higpit mo lagi sakin kahit hindi pa naman kita asawa! Nakakasakal ka na!!" Nakita ko ang pagbalatay ng lungkot at pagkamuhi sa kanyang dalawang mata. Tama yan... kasuklaman mo ko. Kasuklaman mo ang selfish na katulad ko. Dahil hindi ako disserve na mahalin mo.

Bigla nalang humigpit ang hawak nito sa dalawang kamay ko.

"Ganun ba!? Y-your leaving me because of money? My mother's money!!!" Gigil na gigil nitong sigaw. Pero kahit nasasaktan na ko tiniis ko na maging matatag at matigas sa harapan nya.

Pinakita ko na wala na akong pakealam pa sa kanya. My face is emotionless now while staring at him with confidence... Na parang proud na proud ako sa sinabi nya.

But the truth is... Gustong gusto ko ng umiyak at yumakap ng mahigpit sa kanya.

Sasabihin na...

Joke lang lahat ng sinabi ko. Anu ka ba. Hinding hindi ko iiwan ang fiancee ko... Ang baby Lexus ko...

Na sya pa rin ang mahal ko..

Na hindi ko kayang mawala sya sa buhay ko..

Pero hindi yun mangyayari... Dahil nandito ako sa reyalidad. Wala na akong magagawa pa kundi ang maging matatag sa mga mangyayari dahil ito ang tama.

I stared at him with no emotion. Nanlilisik ang mata nito na tumingin sakin. Tingin na nang-uuyam. Tingin ng isang lalaking nasasaktan.

"Sumagot ka!! Totoo ba ang sinabi ni mommy!? Ha! SUMAGOT KA!" Hinawakan nya ng mahigpit ang balikat ko at niyugyog ito na parang ginigising ako ngayon. "I-It is because I'm sick!... K-kaya mo ko iiwan!? Dahil ba ganito ako? Dahil ba nasasaktan kita!? Nova please... Answer me.." niyakap ako nito ng mahigpit at ibinaon ang kanyang mukha sa leeg ko. Nararamdaman ko ang pagkabasa nito kaya naman lalo akong nasasaktan.

NOVALEXUSWhere stories live. Discover now