Art materials
Agad ko pinatay ang alarm clock ko. Inaantok pa akong bumangon dahil late na kami nakauwi ng bahay kahapon. Tapos ngayon five A.M ay dapat nasa school na ako. Ako ang inutusan na mag hawak ng mga ticket para sa zumba because I'm the president in our room.
Pagkatapos ko maligo ay sinuot ko ang zubma attire ko. Pagkababa ko ay nakita kong gising na si Manang kaya pumunta na ako agad sa kusina. Cereal lang kinain ko kasi wala pa akong ganang kumain.
Inaantok parin ako.
Nagpapahatid na din ako sa aming driver at binuksan ang data ng phone ko. Sunod sunod ang mga mensahe ang nakuha ko kaya iilan lang ang binasa ko.
Ako: Saan na kayo papunta na ako.
Leahn: Toothbrush muna ako bye.
Cristy: Papaalis na ako ng bahay.
Kathy: Kakagising ko lang.
Reign: Otw.... On the water hahaha:))
In-off ko agad ang data ko. Pagdating talaga sa oras, ako ang palaging early bird. Hindi ko na din binasa ang ibang reply ng kaibigan ko dahil hindi na ako aasa na dadating sila ng maaga. Bumaba na ako ng sasakyan at pumunta sa gilid ng barbeque station.
Sa Sports Center parin gaganapin ang zumba kaya marami ng mga estudyante ang narito. Ala sais ng umaga magsisimula na. Marami na din akong mga kaklase ang narito at yung iba ay pumasok na pagkatapos nilang kunin ang ticket nila.
"Julianne!" Awtomatiko akong napalingon sa aking likuran dahil doon nagmumula ang tawag. Nakita ko kaagad si Laxus na papalapit sa akin. Napatingin din ako sa likuran niya dahil siya yung student police kahapon.
"Oy L-laxus!" Bigla akong naninibago dahil hindi naman ako nauutal noon. Napalaki din ang aking mata dahil bigla niya akong yinakap. Napatingin ako sa sa lalaki at doon ko nakita ang pagkunot ng kanyang kilay.
"Mag-isa ka lang ba?" Tanong nito. Agad ko naman binawi ang aking tingin sa lalaki saka tumingin kay Laxus.
"Hindi... N-Nasa loob na ang mga kaklase ko, hinihintay ko nalang mga kaibigan ko dito." Tumango ito at sabay ngiti.
"Ay....Ito pala," tumingin ito sa kanyang likuran at hinarap ang lalaki. Bakit sila magkasama? "Julianne ito pala si Kuya, at Kuya ito din si Julianne na nililigawan ko yong kinukwento ko sayo noon."
Magkapatid sila? Kaya pala may ibang parte nito sa mukha na pareho sila. Si Laxus ay grade eleven pa habang ako naman ay grade twelve. So ibig sabihin nito same level lang kami ng kuya niya?
Nakita kong ngumisi ito at nangingilabotan ako. Naglahad ito ng kanyang kamay kaya napunta doon ang aking atensyon.
"Nice to meet you again, miss Julianne. I'm Hezekiah the brother of your suitor. " Maydiin niyang sinabi ang again kaya nakitang kumunot ang noon ni Laxus.
"Nice to meet you," sabay tanggap ng kamay niya. Agad ko naman binawi ang aking kamay dahil mas hinigpitan niya pa ito sa paghawak. Nakita kong may binulong si Hezekiah kay Laxus saka umalis na din. Sinundan namin ng tingin ang kanyang kapatid hanggang hindi na naming makita ang bulto nito. Tingin ako ng tingin sa aking relo dahil ilang minuto nalang ay mag sisimula na ang zumba.
"Tayo na sa loob?" Sumulyap ako kay Laxus saka umiwas muli ng tingin.
"Mauna kanang pumasok, Laxus, susunod na ako hihintayin ko lang mga kaibigan ko." Naglapat ang aking labi pagkatapos ko magsalita. Nagdadalawang isip pa ito saka dahan-dahan tumango. Agad ko bunuksan ang data ko sabay punta sa messenger ko.
BINABASA MO ANG
FLOWER GIRL (Cagayan de Oro/Girl Series 1) [COMPLETED]
Teen FictionCagayan de Oro Series #1 We already know that the main duties of the flower girl are to walk down the aisle looking adorable and to sprinkle petals along the way. But Julianne Mendoza is the flower girl for the Buenavinida brothers. Will being a flo...