Jowa
Ala syete na ng natapos ang aming klase pero hindi pa pwedeng umuwi dahil may kailangan pang gawin para bukas. Nagtipon-tipon kaming lahat ng kaklase ko para sa darating na araw na contest para sa cheerdance.
Maraming kaming nagpag-uusapan tungkol sa anong dapat at hindi dapat gawin sa ganoong bagay. Nagsisiuwian na kaming lahat pagkatapos mag usap. Mag isa nalang ako narito sa room namin at ko 'yong may hawak ng susi . Habang hinihintay ko muna ang aking driver ay lumabas ako saglit at tumingin sa ibaba kung anong mayroon.
Wala ng katao-tao dahil anong oras na din. Nahagip ng aking mata ang may liblib na lugar. Para bang may tao doon na nag-uusap. Hindi naman ako pakialamera kaya hinayaan ko nalang. Baka mag jowa 'yon. Agad ko sinagot ang tawag, kumunot ang aking noo dahil unregister number ito.
"Hello?" Walang ingay ang aking narinig sa kabilang linya. Akmang ipapatay ko na sana ay bigla itong nagsalita.
[Bakit nandiyan kapa?]
Sa boses palang ay kilala ko na. Bakit alam niya ang number ko? Tumingin-tingin ako sa paligid nagbabasakali na makita ko siya. Pagtingin ko sa aking kanan ay nadoon siya nakatayo. Suot parin niya ang lower bottom ng unipormeng pang student police habang yung upper bottom naman niya ay puting t-shirt. Subrang simple lang ang suot niya pero iba ang epekto nito sakin.
[Baka matunaw ako niyan,] he giggled.
Agad ko iniwas ang aking tingin at pinatay ang kanyang tawag. Pumasok ulit ako sa loob para kunin ang bag ko. Sa labas nalang siguro ako maghihintay kay manong. In-off ko agad lahat ng ilaw nandito at sinirado ang pintuan. Kinuha ko sa loob ng bag ko ang susi at nilock iyon.
Pagkatalikod ko ay katawan agad ni Hezekiah ang aking nakita. Mas mataas pa ito sa akin kung totoosin. Humakbang ako patalikod at naramdaman ko agad ang pintuan sa likuran ko. Bakit ba kasi sinirado ko agad ang pinto?!
"H-Huwag ka ngang humarang harang diyan!" Hindi ko alam kong naririnig niya ang sinabi ko o sadyang nabibingi lang ako dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Kinabahan lang ako, oo kinabahan lang and nothing else.
Nakita kong hinawakan niya ang wrist ko kaya umangat ito sa ere. Bigla kong nakita doon ang isang bracelet na suot ko, oo nga pala bigay ito ni Laxus nong kaarawan ko. Bigla kong na-miss ang lalaki na 'yon. Bakit ganoon, simula nong nakilala ko si Hezekiah ay hindi ko na din nakita ng madalas si Laxus.
Na-miss ko ang kakulitan niya tuwing magkasama kami. Napangiti ako nong naalala ko ang panahon yung sumama siya sa akin mag practice sa Mc Arthur park at pinalibutan ng mga bata doon. 'Yong mukha niya subrang saya dahil sa daming tanong na tinanong sa kanya.
"Why are smiling while looking on that bracelet?"
Nasa bracelet parin ang tingin ko. Hinawi ko ang kanyang kamay para mahawakan ko ang wrist ko kung saan nandoon ang bracelet.
"Bigay kasi ito ng kapatid mo sakin nong kaarawan ko." Tumingin ako sa kanya at blangko ang mukha. "Where's your brother by the way?"
Nagtagis ang kanyang panga habang tinignan niya ako diritso sa mata. Walang kahirap hirap niyang ginawa, dahil nandoon parin ang blangko niyang ekspresyon. Agad ko naalala ang nangyari kanina.
"Bakit mo pala ako sinagip nong na late ako kanina sa subject ni sir, and you lied on him." Agad siya umiwas ng tingin sa sinabi ko kaya nakuha ko ang pagkakataon na lumayo sa kanya.
"You should be grateful to me for doing that," matamlay niyang sabi. Pumikit ito sandal saka huminga ng malalim.
"May utang loob ako tuloy sa'yo, ano ba gagawin ko para makabayad ha?" Tumingin ito ulit sa akin at dahan-dahan lumapit sa akin.
BINABASA MO ANG
FLOWER GIRL (Cagayan de Oro/Girl Series 1) [COMPLETED]
Teen FictionCagayan de Oro Series #1 We already know that the main duties of the flower girl are to walk down the aisle looking adorable and to sprinkle petals along the way. But Julianne Mendoza is the flower girl for the Buenavinida brothers. Will being a flo...