KABANATA 9

57 2 0
                                    

Nandito ako



"Jul, may susuotin ka na ba?" Agad akong napatingin sa likuran ko kung saan naka upo si Phoebi. Tumango ako bilang sagot dahil nasa harapan namin ang guro. Siniko ako ng aking katabi kaya tinignan ko siyang nakakunot ang noo.

"Sabay tayo pupunta mamaya ah," agad akong napatingin sa harap nong narinig ko ang aking apilyedo na tinawag. Dahan-dahan akong tumayo at sabay kamot sa ulo dahil sa kahiyaan.

"Are you listening in my class ms. Mendoza?!" Nakakatakot tingnan ang kanyang itsura. Parang bampira na handa na kakain ng lamang loob.

"Y-Yes ma'am," kabado kong sabi.

"Then, what is senior high school's arts and design track?" Agad ko tinignan ang pisara para maghanap ng sagot pero wala akong nakita. Punyeta kasalanan to ng likuran ko.

"Ahm, the arts and design track is where you can harness your innovative thinking ma'am. This track allows you to discover your interests in fields such as media and visual arts, performance arts and literary arts. "

Tumango ito. "You can sit now," maawtoridad niyang sabi. Tinignan ko ang likuran ko habang nakakunot ang noo ko at nag peace lang ito.

Usap usapann ng school ang party mamaya. Halos lahat pala nandito ay imbitado. Nasa second floor kami ng canteen umupo. Busy ang lahat sa pagsasabi ng mga susuotin nila habang ako naman ay tulala. Napatingin nalang ako sa aking katabi dahil niyuyogyog niya ang aking balikat.

"Wala ka yata sa sarili, Jul." Pag-alala ni Leahn sakin.

"Biglang sumama pakiramdam ko," diritso kong sabi. Nong nag ring na ang bell para sinyalis na oras na ng klase ay agad na kami tumayo para pumunta ulit sa room.

Hindi ko alam pero bigla nalang sumama ang aking pakiramdam. Magkakasakit kaya ako? Lumipas ang ilang oras ay tapos na ang aming klase. Alas sais na ng gabi at mamayang alas otso ang party doon kina Nicole. Hinihintay ako ng aking mga kaibigan sa labas ng room habang inaayos ko ang aking mga gamit. Ni-lock ko na din ang pinto bago lumapit sa kanila.

"Nasa sasakyan ko ang aking damit," pagsasalita ni Critsy.

"Doon nalang mismo sa hotel tayo bibihis," ani Phoebi

"Nice idea," pagsasangayon ni Kathy.

"Ahm,guys, hindi ko dala ang damit ko eh," pagsisingit ko sa kanila.

"Why? Alam mo naman diba na ngayon ang party," pagtatanong ni Kathy.

Hindi din ako nasisigurado na makakapunta ako, gusto ko din sabihin pero di ko kaya. Baka magagalit sila.

"Susunod nalang ako sa inyo, magpapahatid din naman ako." Nakita kong tumango sila sa sinabi ko at nagpapaalam na. Ako lang ang kulang kung hindi ako pupunta. Agad na akong lumabas ng gate at nakita ko doon na naghihintay sakin si manong Mario. Agad na ako pumasok at agad din naman pinaandar ni manong.

Dapat pupunta ako ngayon para din mag saya. Kalimutan muna ng sandali ang mga problema. Agad na ako bumaba nong pagkadating namin sa bahay. Sinalubong ako agad nina Mommy ng isang yakap bago ko hinalikan ang kanilang pisnge.

"'My sa Jasaan po gaganapin ang party." Ang kanyang ngiti kanina ay dahan-dahan nawala.

"Hindi ako papayag kong ganoon ." Akmang tatalikuran ako ni mommy ay agad pinigilan ni Daddy ito.

"Hon, pagbigyan mo na minsan lang yan," napangiti ako sa sinabi ni Daddy. Nakita kong sinenyasan ako ni Daddy na pumasok na sa kuwarto ko para magbihis at agad ko na din sinunod. Minsan lang ganito si Daddy kaya susulitin ko na din.

FLOWER GIRL (Cagayan de Oro/Girl Series 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon