A/N: HELLO! WHEN I MET YOU WILL BE PUBLISHED SOON. I HOPE YOU WILL SUPPORT ME. THERE WILL BE SPECIAL CHAPTERS. THANK YOU SO MUCH AND GOD BLESS YOU! <3
.
.
.
.
.
Accept
Sa nag daang araw ay hindi ako umalis ng bahay. Nasa kuwarto lang ako buong mag damag. Wala akong kinausap ni isa dito sa bahay.
Ang ibang kaibigan ko ay nagaalala sakin dahil sa kanilang nabalitaan ngunit tanging I'm okay lamang ang tanging sagot ko. Hanggang ngayon ay hindi parin maalis sa aking utak ang nangyari sa amin, sa akin. Hindi ko na alam kong saan ako maniniwala.
Sa pamilya ko ba? Sa mga kaibigan? Sa kanya? Gulong gulo na ako!
Pagkatapos ko siyang iwan mag isa ay parang mas lalo akong nasasaktan nong sa aking nakita. Totoo nga. Totoong wala na akong babalikan pa.
Tumayo na ako para maligo at makabihis na. Pagkatapos ko mag linis ng katawan at mag ayos ay napatingin ako sa isang folder kong saan nandoon lahat ng papelis para sa huling linggong trabaho ko sa kanya.
Ngunit hindi ko parin kaya na makita o makasama siya. Nasasaktan parin ako sa mga pangyayari.
Bumuntong hininga ako bago ko kinuha ang folder sa mesa. Kailangan kong taposin ito. Isang linggo nalang matatapos ko na din ito at wala ng dahilan pa na mag kita kami. Trabaho ay trabaho. Kung anong meron man sa amin noon ay wala na 'yon. Nakaraan na.
Nakaraan naman talaga, 'di ba?
Habang nagmamaneho ay dumaan muna ako sa isang fastfood bago tuluyan pumunta sa grand Europa. Habang papasok sa village ay dahan dahan na ang pagmamaneho ko. Hindi ko alam ngunit kinakabahan ako.
As I approached the exact place ay napahinga ako ng malalim. Nasa harapan ako ng magiging bahay niya. Ni isang sasakyan ay wala dito kundi akin lamang. Lumabas na ako at sinalubong ako agad ng isang hangin. Napapikit nalang ako habang dinadamdam ko ito.
Pag mulat ko ay lumakad na ako para makapasok. Ngunit ako'y napatigil at tumingin sa aking likuran. Naalala ko na naman ang nangyari. The sticky notes na nasa sasakyan ko nakapikit at sa likuran ng sasakyan niya, ang surpresa.
"Hindi." Umiiling ako dahil sa mga pinag iisip ko. Kinuha ko na sa aking bag ang isang susi ng bahay. Tahimik akong pumasok at napapangiti dahil kompleto na ang lahat ng bagay dito. Ginawa ko ang pag check ng bagay at pag tingin kong may mali ba o kulang pa.
Pagkatapos ko gawin ay umuwi na din ako. Buong araw ng linggo ay ganoon ang ginagawa ko tuwing pumupunta ako sa Grand Europa.
Ngayon ang araw kong saan magtatapos ang aking trabaho. Hindi ko mapigilan na hindi malungkot dahil nararamdaman kong ito na ang huling araw na makita ang kanyang bahay. Nakakahiya naman kong imbitahin pa nila ako pag blessing ng bahay, 'di ba?
Dahan dahan kong isinira ang pintuan at napakapit ng maiigi sa door knob.
'"Ito na. Ito na ang huling araw ng trabaho ko. Dapat maging masaya ako 'di ba dahil matagal ko na itong hinintay. Ngunit bakit ang sakit? Para bang ipapakita talaga sa akin na ito na ang huling tapak ko sa kanyang bahay."
Sa paglipas ng ilang araw ay wala na akong ibang natanggap ni isang balita tungkol sa kanya. Nahihiya na din akong mag tanong sa mga kaibigan ko dahil alam kong mang aasar 'yon bago ako tulungan.
BINABASA MO ANG
FLOWER GIRL (Cagayan de Oro/Girl Series 1) [COMPLETED]
Teen FictionCagayan de Oro Series #1 We already know that the main duties of the flower girl are to walk down the aisle looking adorable and to sprinkle petals along the way. But Julianne Mendoza is the flower girl for the Buenavinida brothers. Will being a flo...