Suitor
I immediately wear a cool black leather jacket that fits me just right. Underneath, I have on a plain white tube top. My jacket has a high collar and shiny zippers, giving it a cool look. The sleeves are rolled up a bit, showing some of my arms. I wear tight black jeans that fit snugly and white shoes. My hair is simple, maybe loose waves or a ponytail. I stand confidently with one hand in my pocket.
Bawal ang mga sexy na damit sa loob school. Pagkatapos kong magbihis ay automatico na akong lumabas ng kwarto.
"Manang, saan sina Daddy at Mommy?" Tanong ko sabay upo.
"Nasa Bukidnon ulit sila ulit, hija, nagka-problema raw doon," sagot nito. Tumango nalang ako sabay sandok ng mga pagkain nasa mesa. Mga magulang ko talaga pagdating sa trabaho ay subrang aktibo nila. Mabilis lang akong natapos kumain kaya lumabas na ako ng bahay para mahatid na sa school.
Pinagbuksan ako agad ng pintuan ng sasakyan nong nakita ako ni manong Mario—driver ko. Habang papaalis pa kami sa mismong village namin ay nilagay ko sa aking tainga ang earphones ko at nagpatugtog ng mga musika ni Taylor Swift.
Mabilis lang kaming nakarating ng school dahil sa ibang daan dumaan si manong Mario. Marami ng mga estudyante sa labas ng gate, siguro may hinihintay. Pagkapasok ko ay nakita ko kaagad ang mga kaibigan ko naka upo sa waiting shed.
Hindi kami naka uniform ngayon dahil may school activites. Sa gate palang ay mga mga student police na ang nagbabantay. Nong akmang aalis na sana kami ay may pumigil sa akin. Tinignan ko ito at kinunotan ng noo.
"What the hell?" Walang ekspresyon ng mukha ang nasa harapan ko. Naka suot din ito ng uniporme ng mga student police.
Agad niya hinawi ang buhok ko kaya agad ko pinigilan ang kamay niya.
"Pwede ko bang tingnan ang tainga mo?"
"At bakit naman?" Masungit kong tanong sa kanya. Nakita kong nagkasalubong ang mga kilay nito at umiigting ang panga. I really like it the way he move his jaw. His sexy look could hold my breath. Ano na naman ba ang iniisip ko?!
"Bawal ang maraming hikaw sa isang tainga, ibigay mo yan sa akin," he said calmly. Bigla ko naalala na bawal pala ito tuwing school activites. Agad akong yumuko dahil sa kahiyaan na inasta ko. Bakit ba kasi nakakalimutan ko? Nahihinayang akong ibigay ang hikaw na ito sa kanya.
"Puwede ba akin nalang ito? Promise itatanggal ko sa tainga ko," agad sumilay ang hilaw kong ngiti.
Sana um-effective.
"You violated the rules, miss Julianne." Agad ko hinawakan ang school ID ko dahil doon siya sumulyap. Nakita ko kaagad ang kanyang palad sa ere na para bang naghihintay na ibigay ko sa kanya. "My time is precious, lady." Bumuntong hininga ako dahil wala akong nagawa kundi ibigay.
Bigay 'yon ni Mommy, eh.
I rolled my eyes nong pagtalikod niya. Kahit naglalakad lang siya ay subrang astig niya tingnan. Huminga ako ng malalim dahil marami na ang napuri ko sa kanya. Pagkatapos naming nakuha ang yellow t-shirt ay pumunta na kami kaagad sa Sports Center Complex, tabi lang ito ng school namin.
Marami na ang mga estudyante narito at subrang ganda tingnan nong nasa itaas. Iba't iba ang kulay narito mula sa pula hanggang dilaw na kulay. Suot ko ang yellow na t-shirt at hawak ko sa kamay ang black leather jacket.
Yellow t-shirt para sa mga senior high na gaya ko. Subrang hirap dumaan dahil nasa dulo pa ang area namin. Nagsisimula na ang program kaya subrang ingay na. Halos hindi ko na naririnig ang boses ko sa kaka-excuse dito.
Hapon na pero hindi parin tapos ang programa dahil hanggang gabi pa ito. Agad ko kinuha sa sling bag ko ang phone ko dahil kanina pa itong nag va-vibrate. Sinenyasan ko ang mga kaibigan ko na sasagutin ko lang ang tawag. Bumaba ako mabilis at dumaan sa exit door.
"Daddy?" Hingal na hingal kong tanong.
"Papauwi na kami diyan sa Cagayan, anak, baka magabihan kami kaya magkita nalang tayo sa SM Downtown later to eat dinner." Narinig ko sa kabilang linya ang ingay ng mga trabahante doon. Siguro nagawa ng paraan ang problema doon.
"Sige po, i-text niyo nalang po ako, Dad kapag nandoOn na kayo. Malapit lang naman dito sa school. Take care," Pagkatapos niya magpaalam ay agad na nawala ang linya. Binalik ko na ang telepono ko sa sling bag habang naglalakad. Napahinto ako nong may nakita akong dalawang pares na sapatos sa harapan ko.
"L-Laxus." Nakita ko ang pagguhit ng kanyang ngiti sa labi. Napasulyap ako sa hinawakan niya at napatitig doon. Binigay niya ito sa akin kaya hindi ko mapigilan hindi mapangiti. "Thanks you," nahihiya kong sabi.
Laxus is my suitor. He has been courting on me for over two years now. Hindi siya mahirap mahalin pero lahat ng bagay ay kailangan ng oras para pag-isipan ng maayos.
Napatingin ako agad sa likod ni Laxus. Siya 'yong lalaki na nagbawi ng mga hikaw ko. Nakatingin lang ito ng diritso sa amin na walang ekspresyon man lang sa mukha. At bakit naman siya titingin sa amin? Tinignan ko ang akinglikuran nagbabakasakali na may tao pero wala. Kaming tatlo lang ang narito.
"What are you looking at Julianne?" Laxus asked me.
"H-Huh? W-Wala." Tinignan ko ulit ang puwesto kung saan kanina 'yong lalaki ngunit wala na siya doon. Hindi ko alam pero nahihinayang ako. Huminga nalang ako ng malalim at bumalik sa loob. Kailangan ko pang magpapaalam sa mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
FLOWER GIRL (Cagayan de Oro/Girl Series 1) [COMPLETED]
Fiksi RemajaCagayan de Oro Series #1 We already know that the main duties of the flower girl are to walk down the aisle looking adorable and to sprinkle petals along the way. But Julianne Mendoza is the flower girl for the Buenavinida brothers. Will being a flo...