Chapter 2

23 3 0
                                    

Number

Tumaas ang kilay ko. Promise ang sarap basagin ng mukha nitong babaeng 'to.

"Simply lang naman eh, just make him fall for you and then I'll delete this video..."

"Mag ps-psychiatrist ka niyan? You look like a desperate idiot, thirsty for revenge." I mocked.

I knew it! She's into revenge with that Brix. Si Brix pala yung usap-usapang nambasted sa kanya? Hell yeah nakakahiya iyon. Madaming nanliligaw kay Hannah at ang katotohanang siya ang naghahabol kay Brix at binasted pa ito ay napaka laking sampal. Knowing her, napakatayog ng pride nitong babaeng 'to.

"And I'm overwhelmed, ang ganda ko ba talaga sa paningin mo to the point that you missioned me to make that Brix fall for---"

"Dahil malandi ka!" Putol nito. Tumaas ang boses niya at bakas sa mukha ang pagka inis.

I smirked at her. Alam kong naiinis parin ito sa akin dahil sa nangyari nuon. She had a boyfriend who broke up with her because of me. Yung boyfriend niyang yun ay may gusto sa akin, aba kasalanan ko ba yun? Akala mo naman sinalot ko. Ni hindi ko nga pinapansin yon.

Another thing why this girl is so insecure with me, is because of what happened two years ago... Grade eleven kami nun and I was selected as the SSG Vice President. She wanted that position too but she didn't won during the election. Hindi ko alam na tatakbo din pala siya nun, and I badly needed that position for the 90% scholarship. Hindi kasi sapat ang subsidy galing sa gobyerno.

Naiintindihan ko naman ang galit nito sa akin pero ang umabot na sa ganito? Baliw ba siya?

"Sorry but I'm not going to do it. Please delete that damn video." Sambit ko.

She suddenly laughed without humor. "Cali you know that I won't."

Marahas akong napabuntong hininga dahil sa inis.

"I am wasting my time here." Tumayo ako at akmang aalis na sana nangbigla itong magsalita.

"Try me." tumayo na rin ito. "I can report this video to the dean right now.

"Go girl. I can explain though." I fired back.

"Really?" bigla niyang hinarap ang screen ng cellphone niya sa akin, "how about this one?"

My eyes widened the moment I saw the video. Ito yung time na nagsusulat ako ng sagot sa scratch paper. Pati yung pasekreto kong paglagay ng papel sa desk ni Alison ay na-record din! Kaya pala nakasilip itong bruhang 'to sa aming bintana kanina!

The video clip ended. Halos manlisik ang mga mata kong nakatingin sa kanya and I swear I wanna punch this girl's face right now!

Nandito kami ni Uniece sa 7/11 ngayon. Dito nalang kami nag lunch dahil malapit lang ito sa eskwelahan. Dito nalang daw kami kumain ani Uniece dahil my production daw sila ngayong mga 1:30 pm.

Nasa may pinto banda ang pwesto namin kaya kitang kita ko ang mga lumalabas pasok. Kadalasan ay mga estudyante. Medyo marami ang tao ngayon kaya ang ibang stuff ay tumulong sa may cashier.

Tulala akong sumusubo ngayon nitong tuna sisig na in-order ko. Iniisip parin ang pag-uusap namin ni Hannah. The fuck. I never chase a guy in my entire life! Did I really agree with that stupid deal? Napahinga ako ng malalim. I have no choice though, I can't lose my scholarship. Hindi kayang tustosan ni lola ang bayarin sa eskwelahan. My mother and father both died because of car accident. Bata pa ako nun. Ni hindi ko na nga maalala ang mga mukha nila. Kaya ever since, si lola na ang nagpalaki sa akin. Si lola ay ang mama ni papa.

SwapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon