Deal
Titig na titig ako ngayon sa test paper ko. At paminsan-minsang tumitingin sa kisame. Punyeta. Ba't konti lang ang lumabas sa in-study-han ko kagabe? Pucha madaling araw na ako nakatulog kakaaral nitong lintik na major subject na 'to.
Napatingin ako sa harapan ko ng marinig ang pagbubulongan ni Emily at Yna.
"Nakatingin si ma'am 'wag mo munang ibigay sa akin." Bulong ni Emily kay Yna.
Sumingkit ang mata ko nangmakita ang maliit na piraso ng papel sa kamay ni Yna.
Biglang napatingin ang aming striktang teacher kaya mabilis naman itong itinago ni Yna sa kanyang kamao.
"Are you done?" pormal na tanong ng aming titser.
"Not yet ma'am"
"No ma'am"
"Wala pa ma'am"
Sabay sabay naman naming sagot na halos hindi na maintindihan.
"Cali pakikuha nung Kodigo kay Emily" pasekretong bulong ng katabi kong si Alison.
I almost rolled my eyes. Nadadamay pa ako dito sa kalokohan na 'to.
Pagkatingin ko kay Emily ay nakatingin na pala to saken. Hinulog niya sa sahig ang maliit na papel at pinulot ko naman ito ng kunwari.
"Here." binigay ko agad ito kay Alison. Medyo nahirapan pa ako sa pagbigay nito dahil naka one seat apart kami.
"Thanks" bulong nito.
Hindi nalang ako sumagot at nag focus na sa aking test paper.
"Focus on your paper miss Santillan!"
The voice of our teacher roared. Medyo napatalon tuloy kami sa gulat. Napatingin ako sa kaklase kong pinagalitan ni ma'am. Nasa may window-glass ito banda nakaupo at medyo nanginginig pa ito.
My eyes widened a little bit when I saw my cousin in the window. Nasa labas ito at bahagya kaming sinisilip dito sa loob. Nagkibit balikat ako. Ano nanaman kayang trip ng isang 'to.
I look at Santillan again and she's still shaking. Nakakatakot tuloy pumuslit ng sulyap sa test paper ng katabi ko. Yes nangongopya din naman ako minsan. It's my least option though dahil kadalasan I let batman take care of my answer. Kagaya ngayon. Napag desisyonan ko na sagotin nalang itong mga tanong na hindi ako masyadong sigurado sa sagot.
I was about to stand para sana ipasa na ang test paper ko nangbigla nalang sinipa ni Alison ang paa ko.
"pucha..." pabulong kong mura at hindi nalang nilingon si Alison dahil baka makita pa ni ma'am.
"Cali 10 to 25 please..." Mahihimigan ang pag mamakaawa ni Alison kahit na sobrang hina ng kanyang boses.
Napabuntong hininga ako. Just like me, Alison is also maintaining her grades para sa scholarship. Mahirap lang ito at s'ya ang panganay sa apat na magkakapatid. Siya din ang inaasahan na makakapag-ahon ng kanilang pamilya sa kahirapan. I know she studied hard but I guess, 'di niya talaga alam ang sagot.
Sinulatan ko ng sagot ang scratch paper ko na ginamit ko sa essay kanina. Nilagay ko dun ang sagot ko from number ten to twenty-five. I crumpled the paper slowly so it won't create a noise.
Tumayo ako para ipasa ang papel ko sa table ni ma'am. Duon ako dumaan sa harapan ni Alison at pasekretong nilagay sa kanyang desk ang scratch paper.
Nasalabas na ako ngayon hinihintay na matapos mag exam ang lahat para ang second subject naman ang i-take. Tatlo palang kaming natapos kaya sobrang tahimik namin dito sa gilid ng corridor. Plus, both nerds pa itong kasama ko. Wow grabe legit yung saya dito. Wuhoh.

BINABASA MO ANG
Swap
Fiction généraleOnce upon a time, there was a girl named Cali who went to a bar for her friend's birthday celebration. There she met a creepy bartender who smiles at her from time to time and a drop-dead gorgeous male stranger with who she had a drink. Little did s...