Chat
It's been three days since the coffee shop incident happened. At sa loob ng three days na yan, syempre halos araw araw kong nakikita si Brix dito sa campus. Hindi ko na ito pinapansin. Hindi naman sa titigilan ko na sya... Kailangan ko lang talaga munang magpa-refresh.
"Cali bilisan mo baka di na tayo makahabol sa attendance!" Ani Alison na panay kaladkad sa akin.
Nandito kami ngayon sa hallway naglalakad papuntang convention hall ng campus. May seminar kasi kaming mga first year Psychology student ngayon at as always, attendance is a must.
Kaya naman kasi medyo bumagal ang paglalakad ko dahil nakita ko si Brix sa may kiosk may kausap na babae.
The girl is familiar. I think she's that girl who kissed him in the bar.
"Caliii ano bang tinitingnan mo diyan?" Ani Alison na napatingin na rin sa tinitingnan ko.
"Wala." Sagot ko at ako naman ngayon ang nangaladkad sa kanya.
Nandito na kami ngayon sa convention hall at mabuti nalang nag reserve ng two seats si Yna para sa amin.
"Grabe girl ang tagal niyo! Kulang nalang mag split na ako sa mga upuan natin para lang di maagaw!" Bungad sa amin ni Yna na natatawa habang kunwari'y pinapangaralan kami.
The seminar started and as always ang boring. Maganda yung discussion kaso nga lang ang hinhin ng boses nitong speaker. Inaantok na ako pero nakakahiya naman matulog at baka ma-offend pa ang speaker. Kaya naman itong si Yna at Alison ay nanunuod na ng video. Nag share pa ng headset ang dalawa.
"Hoy baka makita kayo ng mga officers!" Bulong ko sa kanila.
"Hindi yan." Agad namang sagot ni Yna na naka tuon parin ang buong atensyon sa pinapanuod
"Oh tingnan mo Yna! Magpapalitan na sila ng espirito!" Ani Alison kahit na nakatingin naman si Yna sa video.
Tumaas ang kilay ko. Ano ba itong pinapanuod nila? Horror?
"Hala baka katawan nila ang nagpalit hindi ang kaluluwa!" Ani Alison.
"Ano ba yang pinapanuod niyo?" I curiously asked.
"Ewan, spirit swapping?" Sagot ni Yna na nakatutok pa rin sa screen.
Hindi na ako naki-usyuso at nakinig nalang sa speaker. After awhile, bigla kong naisip ang message ko kay ma'am Alarcon tungkol sa i-susubmit na research. I manipulate my cellphone carefully, baka may makakita sa aking officer. I open my messenger and then checked if ma'am replied already.
Hindi pa ito na-seen ni ma'am kaya in-exit ko na lang ang aking messenger. I am about to off the data when there's a notification pop-up in my cellphone.
Brix Suizo accepted your friend request.
I almost dropped my cellphone when I read the notification. Wait what?
Hindi pa nga ako nakakabawi sa pagkabigla ng biglang tumunog ang messenger ko at bumungad sa akin ang chat head na may pangalan ni Brix!
Brix Suizo:
Cali, I want to apologize about what happened. Sorry if I offended you with my words.
Napakurapkurap ako at hindi makapaniwala sa nababasa. Tinitigan ko pa ito ng matagal dahil hindi ko alam kung anong irereply.
"Cali, Yna, and Alison please keep your cellphones." Nagulat ako ng biglang may sumita sa amin. Napatingin tuloy ako sa society president namin na nasa gilid ko na pala.

BINABASA MO ANG
Swap
General FictionOnce upon a time, there was a girl named Cali who went to a bar for her friend's birthday celebration. There she met a creepy bartender who smiles at her from time to time and a drop-dead gorgeous male stranger with who she had a drink. Little did s...