Chapter 8

13 3 0
                                    

Water

Papunta na ako ngayon sa covered court. Napagkasundoan kasi namin ni Uniece na sa labas nalang ng court magkita. Galing ako sa faculty room galing nag submit ng research ko kaya medyo natagalan.

"Ang tagal mo!" Bungad sa akin ni Uniece.

"I told you nag submit pa ako ng research." Sagot ko naman habang papasok na kami sa loob.

"Whatever ang tagal mo parin. Here I buy you a mineral water. Give this to him later. Na i-istress ako sayo eh wala kang initiative. I knew it hindi ka talaga bibili ng kahit ano! Like hellooo lalandi ka po!"

"Sshh ano ka ba hinaan mo nga boses mo baka may makarinig." Sita ko dito baka kasi may tao diyan sa tabi-tabi.

Pagpasok namin ay nag wa-warm up palang sila. Agad naman kaming nakita ni mestizo boy kaya lumapit ito.

"Ah Eric doon na kami uupo." Turo ni Uniece sa may bleachers. Eric pala pangalan nito ha.

"Sige babe." Pilyo nitong sagot at iginiya na kami.

"Kasama mo pala si Cali. Paniguradong maraming gaganahan mag practice ngayon."

Ngumisi ito at bahagyang napalingon sa akin. Hilaw naman akong napangiti.

I saw some girls that are watching too. Nakaupo ang mga 'to sa kabilang bleachers.

Bumalik na sa gitna si mestizo boy or Eric. Kami naman ni Uniece ay naupo na.

Nag free-throw sila isa-isa. Yung ibang player ay napapasulyap dito sa banda namin at nagkakantyawan napagalitan tuloy ng coach nila. Samantalang si Brix ay parang walang pakialam sa paligid. Ni hindi nga ata nito alam na may mga nakatingin pala sa kanyang mga babae. May nanunuod parin pala kahit practice lang. First time ko kasi ngayong manuod ng practice lang.

Si Brix na ang nag fe-free throw at walang kahirap hirap niya itong nai-shoot.

Tumabi na ito para ang next player naman ang mag free throw.

"Galingan mo! Nanunuod si Cali!" Sigaw ni Eric. Ngumisi lang itong mag fe-free throw habang sina-sight na ang ring.

Nakita kong pasimpleng nilibot ni Brix ang paningin sa paligid. Natigil lang ito nang makita ako.

Tinaasan ko ito ng kilay. Naka busangot ito habang nakatingin sa akin. I rolled my eyes magagalit na naman siguro 'to kung bakit sinusundan ko nanaman siya. Tapos i-insultohin na naman ako. Whatever.

Hinati sila into two teams. Magkasama si Eric at Brix samantalang sa kabilang team naman ay ang captain nilang si Calvin Suizo. Kilala ko ito dahil sikat. I wonder kung kaano-ano kaya sila ni Brix.

The game started at wala naman talaga akong pake sa laro nila dahil di naman ako mahilig manuod ng basketball.

Pasimpleng tumitingin sa akin ang ibang mga players. Lalo na't nakakashoot. Samantalang si Brix ay seryoso lang na naglalaro habang naka busangot pa rin. Kakabusangot nito aabot na ang panga nito sa sahig.

Natapos na ang laro pero pinag water break lang sila dahil hindi pa tapos ang practice.

"Halika bilis! Dalhin mo yung tubig mo!" Ani Uniece na nagmamadaling kinuha ang kanyang mineral water at piece towel na dala.

Nataranta naman ako bigla bakit naman kasi nagmamadali itong si Uniece eh.

"Ayan na papunta na dito si Brix ibigay mo yan!" Bilin nito at pumunta na kay Eric.

Nakita kong pinunas ni Uniece ang dala niyang piece towel sa pawisang mukha ni Eric. Napangiwi tuloy ako.

Sa sobrang titig ko ay di ko na namalayang nasaharap ko na pala si Brix. Nagpupunas ito ng pawis habang nakatingin sa akin. Nailang ako at napaiwas ng tingin. I looked at him again and saw his eyes dropped on my hand. Agad ko naman itinago sa likod ang hawak na plastic bottle. Tangina nakakahiya.

SwapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon